Chapter 32 - Preparations

127 9 0
                                    

Kaleigh's POV


"Tumingin ka nga sa kalangitan, hindi sa akin." Nabalik ang atensyon ko sa kalangitan dahil sa sinabi niya. Ba't ba ako napatitig sa kanya? "Ang cute mo haha!" At bigla nalang parang flash kaya napatingin na naman ako sa kanya. "Nice shot." Sabi niya na tinitingnan niya ang cellphone niya. Bahala siya. Idedelete niya naman siguro yan.


"Oh? Tapos na?" Nasabi ko nalang nang mapansin kong wala ng falling star. "Wala tuloy akong souvenir." I sigh. Bakit ba kasi hindi yun pumasok sa isipan ko? Na kailangan kong mag-take ng picture nung meteor shower.


"Meron naman ako dito eh." Yeah right, yung picture ko tss. "Pero selfish ako." Edi isaksak niya yan sa baga niya yang picture na yan! Tsk tsk. "Uwi na tayo." Siguro nga. Mas mabuting umuwi nalang kami. Nakakapagod na rin kasi eh.


"You sleep." Inuotosan niya ba ako? Aba! Pero sa bagay. Gusto ko namang matulog talaga haha! "Gusto kita." Wtf? "Gustong-gusto." Na naman? 


"Kailan ka ba titigil sa kakasabi nyan?" Tanong ko sa kanya. I don't know why but naiirita ako pero may part sa sarili kong gustong pakinggan yang mga salitang yan eh. Ewan!


"Hanggang sa maging akin ka." A--anong pinagsasabi nitong lalaking 'to.


"Whatever. Ang drama mo talaga." Nasabi ko nalang.


"Gusto kita." 


"Bahala ka."


"Pero gusto kita."


"Wala akong nararamdaman para sayo."


"Gusto pa rin kita."


"I hate you too."


"Gustong-gusto kita."


"Gusto ko rin ang sarili ko."


"Paano kung gusto mo na ako?"


"Nagugustohan pa lang kita 'no." 


"Gusto kit-- wait, ano yung sinabi mo?" O.O Oo nga. Ano yung sinabi ko??? Sinabi ko lang bang nagugustohan ko siya? Wtf! No!!!!


"It's a misunderstanding." Napakurap ako ng ilang beses. Ba't ko yun nasabi? 


"Misunderstanding? Ahh okay." Napalunok ako. Hindi ko yun sinasadya!!! Ewan ko ba kung bakit lumabas yun sa bibig ko!!! 


"Bwesit. Hindi ko naman sinadyang sabihin yun ah!" I said while facing at him. Mahirap na at baka mag-assume pa siya. Eh hindi ko naman siya nagugustohan!


"I do believe in what you always say, Kaleigh." Hindi nga!!!!!!! At nagsmile ng nakakaloko bago pinaandar yung kotse. 


"Bahala ka dyan." 


"Pero nagugustohan mo na ako." I don't care.


"I hate you."


"I like you." Hindi talaga siya titigil?!!! 


"I don't like you." Sabi ko kaagad.


"Oo kasi nagugustohan mo pa lang ako." Bahala ka nga dyan!!!

I don't think so that I'm falling. Paano kung gusto ko na pala siya?


--


"Yung mga pinsan ko." Sabi niya. Ewan ko sa kanya. Gustong-gusto niya sigurong maraming aattend dun.


"Bahala ka. Hindi naman yan matutuloy, diba?" Sabi ko. Nandito kasi kami sa canteen at gumagawa ng list kung sino yung iinibitahin dun sa kasal. Tsk tsk! Walang tao ngayon dito, nag-excuse ako sa professor ko and si Grey rin.


"Hindi rin ako sure." WHAT?!


"Bakit?" Tanong ko sa kanya.


"Ayawng pomirma ni Dad. Fake yung ginawa kong kontrata, para hindi niya malaman na about pala yun sa contract na hindi matutuloy ang kasal. Pero ayaw niyang pumirma at si Mom rin. Mukhang alam nila eh." T_T


"Gawan mo ng paraan." At naka-pout akong nagsulat nalang ulit. Kumain nalang ako nung cupcake na inorder ko dito sa canteen. Baka matuloy pa talaga yung kasal. Bwesit talaga! Bakit ba hindi pwedeng hindi nalng kami makasal? Kailangan na kailangan talaga nila ang pera. Ginagawa nila 'to para lumabo yung mga negosyo nila pero paano naman kami? Gusto ba naming 'to? Eh hin--


"Can I kiss you?" Napatingin agad ako kay Grey nang tanungin niya yun. Bigla niya nalang ako hinalikan sa may ilong ko. O.O Bakit ang lakas na naman ng tibok ng puso ko? Sobrang lakas na parang sasabog na. "Ayan, nakuha na." Sabi niya habang kinukuha yung icing sa may labi niya. Oh, may icing/frosting pala sa may ilong ko. Ayysshh! Buti nalang talaga at walang tao dito sa canteen eh. Kundi, baka napatay na ako sa mga death glares nila.


"Ipagpatuloy mo nga yang ginagawa natin." Sabi ko nalang habang nakayuko at tinitingnan ang mga nasulat ko kanina. Parang nawala ako sa isipan ah. Looks like I was really shocked because of what happened. 


"Bakit? Did I make your heart beat fast?" PAANO NIYA NALAMAN?! I don't even like him!!! Umiling agad ako pero nakatingin pa rin ako sa listahang ginagawa ko. 


"Kung ikaw yung mag-babase, mga ilang businesswomen and businessmen ang pupunta?" I ask him without looking to his eyes. Nakayuko pa rin ako. Ayoko talagang tumingin. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.


"Nasa mga isang libo." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Naka-smile pa talaga siya.


"Do you think I'm joking?" Tanong ko sa kanya. Titiisin kong tumingin s amga mata niya. I can do this. I can do this. I can do th-- no, I can't. Umiwas ako ng tingin.


"Joking? Sikat kaming mga Vidallon, Kaleigh. Sa business world and also in this stupid world." Oo nga pala, I almost forgot that sikat sila. Noon pa lang naririnig ko na ang apilido nila eh. Yung pamilya naming hindi naman sikat na sikat talaga katulad ng mga Vidallon pero bigtime rin kaming mga Ramirez. Pero simple pa rin kaming mamuhay.


"Fine." Sabi ko at sinulat yung sinabi niya. Isang libo pala ah! Sige! Siya yung magpakain nung isang libong katao! Hindi pa kasali ang mga kaibigan naming o mga kamag-anak. 


"Joke lang. Mga tatlumpo lang." Buti naman. "Mga tatlumpo pamilya." WTF?! Tumawa pa talaga siya.


"Stop kidding around." Suway ko sa kanya.


"Sikat nga ang mga Vidallon, diba?" Fine fine fine. Buti nalang talaga at nabawasan eh.


"Except sa mga pinsan mo, sino pa gusto mong inbitahin?" Tanong ko sa kanya.


"Syempre! Lahat na studyante dito sa academy." -_- "Pero magagalit ka eh, kaya yung mga pinsan ko nalang talaga." Buti naman alam niyang magagalit ako kapag lahat talaga ng estudyante dito sa academy ang inimbita niya eh. "Hehe!" At nag-smile siya. Yan na naman siya sa ngiti niyang nakaka-fall. "Teka, kailan tayo pupunta sa boutique?" Tanong niya. Oo nga. Taena yung wedding gown!!! Huhu!!!


"Ikaw bahala." Sagot ko. To be honest kinakabahan ako when it comes to wedding gown. Baka sabihin nung iba, ang bata ko pa tapos makakasuot na ako ng wedding gown. Tsaka ewan! Ayokong magsuot ng white na wedding gown! Gusto ko yung pink eh.


"Sa Sunday nalang. Sa Saturday may imemeet tayo eh."


"Sino?"


"Yung wedding coordinator natin." T_T

--


BAKIT HINDI AKO MAKATULOG?????????????? Kanina pa ako tingin ng tingin sa kisame. Hindi talaga ako makatulog!!! Anong nangyayari sa akin? Ewan ko ba kung bakit!!! Dahil ba dun sa nangyari kanina? Bushet akala ko talaga hahalikan niya ako sa labi kanina eh. Buti nalang at sa ilong lang pala. Sana next time sa labi-- esti baka next time sa labi niya na yun gawin kaya hindi na ako kakain ng cupcake na andyan siya. Baka ano pang mangyari jusko! 

Napabangon ako dahil narinig kong tumunog ang cellphone ko. Sino naman ang magtetext sa akin na 12 na ng gabi. Urgent ba 'to or what?


"Are you still awake?" Tiningnan ko kung sino ang nag-text nito at holy sh**! It's Grey!!!

Magrereply ba ako? Anong irereply ko? Oo o hindi? Wala naming mawawala kung magrereply ko eh. Fine!


"Oo." Reply ko dito.


"goodnight." Wtf? Yun lang pala sasabihin niya? Akala ko pa naman magtetext pa siya ng iba't-iba! Dapat hindi nalang ako nagreply eh.  Wala rin naming mangyayari. Teka, bakit naman ako nanghihinayang? Dapat hindi! 

Makatulog na nga. 

Pero bigla akong napadilat ng bigla kong naramdaman na parang may nakayakap sa akin. Hindi ko naman narinig ang pintuan na um-open at sumirado ah. Or nakatulog lang ako pero nagising nalang? Baka multo pa 'to O.O Eh diba nga kapag daw hindi ka nakatulog sa gabi o di naman kaya at nagigising ka nalang, may nakatingin daw sayong multo. 

Hindi ako makahinga. Sino 'tong yumayakap sa akin? Hindi naman pwedeng si Grey kas-- teka, ba't naaamoy ko ang pabango ni Grey?


"Matulog ka na nga." Si Grey nga. Bwesit! Natakot pa talaga ako. Eh itong kumag lang naman pala. Sikohin ko siya dyan eh.


"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya pero nakatalikod pa rin ako sa kanya. Parang back hug lang.


"Namiss kita." Wowowowow! Ito na naman po siya. Ba't ba siya ganito palagi? Kapag may nagustohan siya,  lagi niya ito pinaparamdam sa nagugustohan niya na gusto niya talaga ito. Siya yung tipo ng lalaki na hindi mahihiyang ipakita sa mga tao yung nararamdaman niya sa gusto niyang babae eh. Pero buti nalang talaga alam niyang magagalit ako kapag ganun.


"Tumigil ka na nga sa kahibangan mo, Grey." Sabi ko habang pinipilit na makawala sa pagkakayakap niya.


"I won't stop, Kaleigh." Bwesit! Ba't parang ang init ng pisngi ko??? Feel ko namumula na ako eh!!! "Tsaka, I don't have your response yet." Kailangan pa ba ng ganun? Ayoko nga!


"Mamatay ka sa kakahintay dyan." Sabi ko at pumikit nalang. Hindi ko kayang makipag-usap sa lalaking 'to. Parang kanina lang nag-goodnight sa akin, ngayon naman binubwesit ako. Tsaka bakit ba nandito siya? May sariling kwarto naman siya ah! Tsaka hindi naman gaano kalaki 'tong kama dito. Sakto lang 'to sa iisang tao.


"Nandito lang ako para mag-goodnight eh pero parang ayaw ko ng bumalik sa kwarto ko." So yun pala yung dahilan kung bakit siya nandito? Para mag-goodnight lang? Wow! Dinisturbo niya pa talaga ako. Sarap niyang sapakin eh.


"Bumalik ka na sa kwarto mo." Sabi ko sa kanya.


"Ayoko."


"Sasapakin kita."


"Sabi ko nga babalik na ako eh." Sabi niya at naramdaman ko naming bumitaw na siya. "Goodnight!" At umalis na ito. Goodnight, annoying jerk.


--

Grey's POV

This won't do! Gusto ko talagang matulog sa tabi niya eh pero qaqo! Baka sapakin talaga ako nun! Di niya ba napapansin? Na gusting-gusto ko siya? As in! The last time I felt this at nung buhay pa si Rose. Shet! Kapag naiisip ko si Rose hindi na ako nasasaktan pero malungkot pa rin ako. Kaya siguro siya kinuha sa akin kasi ang kapalit nun ay si Kaleigh. Pero sayang pa rin mga par! Ang bait talaga ni Rose eh. Pero okay naman si Kaleigh haha! She appears coldly but has a warm heart. Pero hindi siya kasing-cold ni Dark. Nyeta! Buti nalang talaga gusto ko yun kahit baliw rin minsan.

Bumangon nalang ako sa kama ko at pumunta sa kwarto ni Kaleigh.

Tulog na siya. Napangiti nalang ako. Ewan ko ba kung bakit pero p**a! Nakikita ko lang siya, napapangiti na ako eh! Corny ba? Sorry hehe!

Tumabi na ako sa kanya pero bago ko siya yakapin, naatingin muna ako sa kanya. Kumapara kanina, ngayon nakaharap na siya sa akin eh kaya pwede ko na siyang titigan hanggang sa umaga hahaha!

Tulog na nga siya. Ang himbing pa ng pagkakatulog. Akala mo naman maganda ang panaginip nito. Syempre! Ako yung nasa panaginip niya 'no!

Niyakap ko nalang siya.


"Gusto kita, Kaleigh. Hindi ako magsasawang sabihin yan hanggang sa maging akin ka. Gustong-gusto kita. Mukhang mahal na nga eh."

--

A/N: Hi pala sa mga nag-aabang lagi ng update ko haha! So yun nga matatagalan ang next update mga beshies, kasi back to school na, don't worry uulanan ko kayo ng update kapag weekend na <3 Tiis-tiis muna, ah? Thank you ^__^

Nagmamahal, 
Ang bigas (HAHAHA)


Blithesome Moment (Vidallon Series #1)Where stories live. Discover now