Chapter 34 - She's Just Drunk

96 9 8
                                    

Grey's POV

Tinititigan ko pa rin si Kaleigh ng masama. Tinikman niya na yung inumin niya at mukhang hindi talaga masarap eh. Bahala siya. Yan ang gusto niya diba? Pinagbawalan ko na siya pero ayaw niyang making! Bahala siya! Concern lang naman ako eh kasi baka pagalitan ako ng mommy niya at tsaka concern ako kasi gusto ko siya! 


"Wag ka ng uminom." Sabi ko at kukunin na sana ang baso niya. Pero naunahan niya ako. 


"Hindi pwede. Hindi ko pa nga 'to naubos eh!" Lasing na ba siya??? Parang lasing na eh! Grabe! Ang bilis niyang malasing mga par!

Bahala na nga. P**a! Mukhang mas matigas ang ulo niyang babaeng yan kesa sa akin eh! Nyeta! Pag ito nalasing hindi ko talaga siya iuuwi! Pero teka, paano siya nakapasok dit eh 17 pa lang siya? 

Anyway, uy p**a! May pa-anyway anyway na akong nalalaman HAHAHAHA! So yun nga, siguro hinanap ako nito kanina hahaha! Wala kasi ako sa school eh kasi may pinakuha yung magaling kong nanay sa bahay naming at ihatid daw sa airport kasi nandun daw sila. Oo! Pumunta na naman sila sa ibang bansa para sa stupid business nila! Nakakabwesit! Kung pwede lang sumali sa gulo para mapigilan sila eh, kaso baka pagalitan naman ako ni Kaleigh. Pagkatapos ko naman ihatid yung naiwan nila sa bahay, umalis na rin ko kasi nakapag-decide akong pag-bakasyunin na naman si Butler Smith. At syempre! Habang nagbabakasyon siya, may ipapabili rin ako sa kanya. At yun at kotse. May nilabas kasing bagong kotse ngayon kaya gusto kong makakuha nun.


"Grey, mukhang may tama na si Kaleigh eh." Sabi ni Hephaestus. Tiningnan ko si Kaleigh. Sh**! Mukhang may tama na nga! Ang bilis malasing ng babaeng 'to! Mas mabilis pa ata sa kidlat eh sh**!


"Uy Leslie alam mo ba? Galit na galit talaga ako sayo eh kasi dikit ka ng dikit kay Grey? Hahaha!" Anong pinagsasabi nito? Parang naging madaldal siya ah? "Parang... Anong tawag dun? Ayysshh! Nakalimutan ko!!!" Ano daw? Wala akong maintindihan!


"Nagseselos ka babes?" Tanong ni Zero na katabi niya lang. Hindi naman lasing si Zero ah pero bakit ang isang 'to parang lasing na lasing na talaga?


"Oo! Yun! Salamat babe!!! Hehehe!" Did she just call Zero 'babe'??? P**a! Bakit niya tinatawag ng babe si Zero?!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Puny**a!!!!!! "Nagseselos ako eh kapag magkasama kayo." Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Sinabi niya ba talagang nagseselos siya kapag magkasama kami ni Leslie?


"What is she talking about?" Bulong sa akin ni Leslie. Napangiti nalang ako and I saw Hephaestus, Thunder, Zero and Iris smiled, too. Mas maganda pa lang lasing palagi si Kaleigh kasi nagiging madaldal siya at nag-confess pa hahaha!


"Yan ka na naman! Lumayo ka nga kay Grey!" Bigla siyang tumayo at naglakad papunta kay Leslie at bigla niya itong hinila papatayo. Shet! Ayokong nalalasing pala siya kasi gumagawa siya ng gulo eh!


"Get rid of your hands!" Tinulak ni Leslie si Kaleigh kaya napaupo sa sahig si Kaleigh. P**a bakit ba aabot pa dito?

Agad naman akong tumayo para tulungan si Kaleigh. Silly.


"Ako kaya ang gusto ni Grey!" Sabi niya nang makatayo kami. Oh ngayon gusto niya ng ibunyag ko sa lahat na gusto ko siya? Partida! Ang gulo ng babaeng 'to mga par! "Diba, Grey?" Napatingin ako sa kanya. She's just drunk, Grey. Wag mong sasabihin kasi kapag sinabi mo, magagalit 'to sa akin kinabukasan. "Bakit hindi ka makasagot?! Sabihin mo sa kanilang lahat na gusto mo ako!" Napatingin ako sa mga taong nakapalibot sa amin. Nakatingin na silang lahat sa amin sh**! Hayyy! Kung pwede ngang sabihin ko sa kanilang lahat, Kaleigh. Sasabihin ko pero alam kong lasing ka lang. 


"Stop talking as if Grey really likes you! Me and Grey are the perfect match! So b**ch please f**k off." Malditang saad ni Leslie. Anong perfect match? Akala niya naman gusto ko siya? Leslie! Si Kaleigh ang gusto ko!!!


"Ano?! Grey!!! Sabihin mo na kasi!!!" Sasabihin ko ba? O hindi? Kapag sasabihin ko-- "Bahala ka nga dyan!" Bigla siyang kumawala at naglakad papalayo. Nyeta! Ako na naman ang may kasalanan! Tsaka hindi pa tama ang paglalakad niya! Lasing talaga siya.


Agad ko siya hinabol.


"Kaleigh--" Sabi ko nang makalabas kami pero pinutol niya ako.


"Why are you like this?!" Sabi niya at nagulat ako nang tumingin siya sa akin. Umiiyak siya? "Bakit hindi mo masabi sa kanilang lahat na gusto mo ako?!" Why is she crying? I can't help seeing her cry. Gusto kong punasan ang mga luha niya pero galit siya. "Bakit hindi ka na naman makasagot?!" Did I hurt her? Bakit? Gusto niya ba talagang sabihin ko sa lahat na gusto ko siya? I can do that but magagalit nga siya sa akin kinabukasan. "I hate you! I really really hate you!!!! I hat--" Pintuol ko na siya. I hug her as tight as I can. "Bwesit ka!!!" Pinaghahampas niya na naman ako but I don't care. Niyakap ko nalang siya hanggang sa hindi niya na ako pianghahampas. Mukhang tumigil na rin siya sa pag-iyak. Binitawan ko na siya pero agad kong binalik ang mga kamay ko sa kanya. Sh**! Nakatulog siya? Nyeta! May lahing Dark Vidallon ata siya ah! 


"Silly." Bulong ko nalang at kinarga na siya papasok sa kotse ko.


--


"Kaleigh?" Paggising ko na naman sa kanya. Kanina ko pa siya ginigising pero ayaw niyang bumangon. Hindi naman talaga siya mabigat eh pero baka magalit pa 'to bukas kasi kinarga ko siya. Baliw talaga eh ano? "Bahala ka nga dyan." Sabi ko at lumabas na sa kotse. Sige na nga mga par! Kakargahin ko na ulit siya. Binuksan ko ang pintuan at kinarga na siya. Hindi yung pina-new wedding coupe ah! Yung pagbuhat ko sa kanya at yung parang sako na nasa balikat ko. "Bakit ka pa kasi uminom? Paniguradong dadami ang kaaway mo eh." Sabi ko sa kanya. Baliw na rin siguro ako kasi nakikipag-usap ako sa kanya kahit tulog. Pero totoo eh! Dadami talaga Lalo na at inaway niya si Leslie. But Kaleigh did the right thing. Buti lang yun kay Leslie 'no! 


"Grey... Sabihin mo na..." Bulong niya. Is she dreaming of me? Tsk tsk! Iba talaga nagagawa ng kagwapohan ko! 

Napailing nalang akong pumasok sa kwarto niya at pinahiga siya sa kama niya. Hindi ko talaga magawang sabihin kasi alam kong lasing lang siya eh.


"Pogi ko talaga eh 'no? Sige, dream of me, Kaleigh." Sabi ko at aalis na sana pero bigla niya nalang hinawakan ang kamay ko kaya napatigil ako. "Ano na naman?" Tanong ko. Pero hindi siya sumagot!!! Gusto niya bang hawakan ang kamay ko o ano? Tsansing yan eh! "Aalis na ako." Pero bigla niya nalang ako hinila. P**a mga par! Nakakabakla man sabihin pero p**a! Kinikilig ako sa ginagawa niya sh**! 


"Stay." Bulong niya. Bakit????


"Tsk tsk tsk." Napangiti nalang ako. She's really dreaming of me, huh? Mas nilapit ko ang mukha ko sa kanya. "I badly want to kiss you but I can't." Bulong ko sa kanya.


"I hate you." Akalain mong I hate you ang sasabihin niya sa akin. Taena. -_-


"I like you." Sabi ko. "But I'm confuse. Do I like you? Or do I love you?" Tanong ko sa kanya. I know she can't answer it.


--


Kaleigh's POV


Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Ang sakit ata ng ulo ko. Napagising ako. Niyugyog ko ang ulo ko pero ang sakit talaga. Teka, anong nangyari kagabi? Diba nasa bar kami kagabi pero bakit nandito ako sa kwarto ko??? O baka naman panaginip lang yung kagabi?

Tiningnan ko ang suot ko. Pero ito yung suot ko sa bar!!! 


"Ouch!" Ang sakit talaga ng ulo ko!!! Wala rin akong maalala kagabi!!!


"Gising ka na pala." Napatingin ako sa taong nagsabi nun. And there is Grey. Standing in the door. "Lasing na lasing ka kagabi. Wag kang mag-alala, pinadalhan ka ng maraming hangover soup ni Hephaestus." Wait what??? So I was really drunk?? And I can't effin remember a thing?! O.O Baka--- "Hindi kita irerape 'no. Kadiri kang babaeng ka." At lumabas siya sa kwarto ko tawa ng tawa. What's funny? I can't remember a thing so baka may nangyari nga kagabi!!!

Bumangon gad ako sa kama ko at sumunod sa kanya. 


"May pinaggagawa ba ako kagabi?" Tanong ko sa kanya habang nakahawak pa rin sa ulo ko. It hurts so bad!!! 


"Marami." What??? Umupo ako sa upuan dito sa dining table habang si Grey naman hinahanda yung pagkain ko.


"Ano yung mga pinaggagawa ko?" Tanong ko sa kanya. 


"Wala ka talagang naaalala?" Tanong niya. Ofcourse! How can I remember everything when I can't even remember a single thing??? Grey sighed. "Hinalikan mo ako kagabi." WHAT?!!!!! 


"You must be kidding me." Saad ko. Fudge! I won't do such a thing like that!!!


"Joke lang haha! Maaalala mo yun. Kumain ka na." Fine fine fine! Maaalala ko rin. Imposible naming hindi eh kasi wala naman akong amnesia. Hangover, meron. "Ayaw mo kasing makinig sa akin eh." Bawal bang uminom? Tsk tsk! Yung mga highschool students nga eh! Umiinom na kahit 15 palang or 16!


"Bakit? Nanay ba kita? Huh? Nanay ba kita?!" Sabi ko sa kanya na napatayo pa.


"fiancé mo ako."At bigla siya lumapit kaya napaatras ako. I blink a few times. Sh** ang lakas na naman ng tibok ng puso ko. "Did I make your heart beat fast?" He ask. Naririnig niya? Sh**! What is happening? Bakit ang lakas na naman ng tibok ng puso ko.


"H--hindi." Sabi ko at umiwas ng tingin.


"Okay." At lumayo na siya kaya nakahinga na ako ng maluwag. "Tsaka maligo ka na ah? Ang baho mo. May ime-meet tayo mamaya." Oo nga pala, amoy alak pa rin ako. I sniff myself. Amoy alak nga. 

But I think, gusto ko nalang mag-stay dito sa condo unit. Ayokong makipag-meet sa wedding coordinator ng kasal namin.

Blithesome Moment (Vidallon Series #1)Where stories live. Discover now