Chapter 17 - Her 18th Birthday

132 10 0
                                    

Grey's POV

Kakauwi lang naming galling sa camping naming. Hayyy! Pinagod talaga ako sa camping na yun. Ewan ko lang, pero mas nakakapagod ata ang camping nayon! Pero kapag pogi ka nga naman! Kahit pagod na pagod ako, pogi ko pa rin sh**


"Grey, paki-lagay nalang din nung bag ko sa room ko." Utos sa akin ni Kaleigh matapos makahiga sa sofa. Sinu-swerte talaga ang babaeng 'to.


"Ayoko nga." I refuse.


"Sige na!" Sigaw niya na naka-pout pa. Akala ko normal na sigaw lang yun pero yun naman pala! Nagmamakaawa. Napagod rin siguro siya. Hayyy... Sige na nga.

Kinuha ko nalang ang bag niya at kinarga. Mabuti nalang talaga at mabait akong asawa--este Fiancé hehe!

Binuksan ko na ang pinto ng kwarto niya at tumoloy. Ngayon lang ako naka-pasok sa kwarto niya. And sh**, mabango nga talaga ata ang kwarto niya. Pero mas mabango yung sa akin!

Linagay ko nalang ang bag niya sa pink niyang kama. Mahilig ba sa pink ang babaeng 'to? Gustong-gusto niya ata ang pink eh. Haha! Magre-request talaga ako kay Lolo na ibahin na yung uniform lol! Haha!

Pero kapag 3rd year college na kami, iba na ang school uniform namin and hanggang 4th year college na yan.

Ang uniform kasi naming mga lalaki sa ngayon ay white polo with a black tie and pocket on the left side. Sa may pocket na yun, nakatatak dun ang logo ng school namin, and then blck pants. Syempre, pamumukhain talaga kaming lalaki ng designer ng uniform namin. Mahirap na kasi kapag pink yung tie or yung polo haha! Tapos black shoes, pero sa may polo namin may cuff na dark pink tapos basta! may mga pink na parts sa polo namin eh pero parang yung linya lang. Ayysshh ewan! Di naman ako designer, kalalaki kong tao!

Kapag nag-3rd year na kami, ganun pa rin naman ang uniforms dejoke haha! Ganun pa din pero may nagbago sa uniforms sa mga lalaki, magkakaroon na ng blazer na may logo sa left side pa rin tsaka nandun pa rin yung mahiwagang black tie haha sh**! Tapos sa mga babae ay yung dark pink na ribbon ay magiging black yung ribbon tapos may blazer na mayroong logo din tapos magiging straight na yung skirt nila.

At dun nagtatapos yung page-explain ko amputs!

Lalabas na sana ako ng kwarto niya pero napatigil ako dahil biglang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa ko.


From: Mrs. Ramirez

Punta kayo dito ni Kaleigh. We have something to talk to.


Ano naman kaya yung pag-uusapan namin?

Tuluyan na akong lumabas na at pumunta agad sa sala at umopo sa kabilang sofa.



"Pinapupunta tayo ng mommy mo sa bahay nila." Napabangon siya dahil sa gulat.


"Bakit na naman?" Tanong niya.


"I don't know... Mag-bihis ka na dahil pupunta na tayo dun." Sabi ko at tumayo na. Papunta palang ako sa kwarto ko nang narinig kong nag-sigh siya. At nung pumasok na ako ng tuluyan sa kwarto ko, padabog niyang sinarado ang pinto ng kwarto niya. Baliw talaga hahaha! Magkatabi lang pala kami ng kwarto kaya dinig na dinig ko yung malakas na pag-sira niya ng pinto. Baka masira pa yun.


--

Nandito na kami sa basement ng building na 'to at kasalukuyang nag-lalakad. Nakaka-bwesit, kanina pa kami lakad ng lakad dito pero hindi pa rin namin mahanap yung kotse ko.


"Are you sure that you park your car here?!" Parang naiirita na tanong ni Kaleigh. Oo naman! Saan ko pa ba naman yun ipapark? Hayyy bakit ba kasi hindi ko nalang yun dinala sa academy nung nag-camping eh! Bakit kailangan pa mag-taxi? Mapili talaga 'tong babaeng 'to.


"Oo naman!" Sagot ko na naman. Kanina pa tanong ng tanong si Kaleigh eh kung dito ba talaga ako nag-park the last time na ginamit ko yung kotse ko. Pagod na yung tenga ko dahil paulit-ulit nalang yung tanong niya!

Halos mapatalon ako dahil sa tuwa ng Makita ko na yung kotse ko. Nandito lang naman pala!


"Nandito lang naman pala yan eh! Sinadya mo ba yun?!" Galit niyang sinabi. Bakit naman ako mananadya?! Hindi ko naman kayang pahirapan yung sarili ko! 


"Bakit ka naninigaw?!" Pasigaw ko ring sinabi! Nagkasakit ba 'tong babaeng 'to?! Naninigaw eh! Akala mo inaaway ko siya!


"Ba't ka rin naninigaw?!" Pasigaw na naman niyang sinabi.


"Eh naninigaw ka eh! Para kang nakalagok ng microphone!" Sigaw ko naman. Pero bigla niya akong pinaghahampas. Nababaliw na talaga 'to!


"Nambwebwesit ka ba?! Bwesit kang lalaki ka!" Sabi niya habang pinag-hahampas pa ako.


"Isa pang hampas papakasalan na kita!" Babala ko sa kanya kaya natigil naman siya. Galit na galit pa rin yung mukha niya. Hahaha naiirita pala siya eh! "Pumasok ka na nga!" Utos ko sa kanya at pinagbuksan pa ng pintuan sa passenger's seat. Oh edi p**a! Ako yung nag-utos pero para akong alalay niya kasi pinagbuksan pa ng pintuan ng kotse hahaha!


Napatigil at napatingin kami sa likod namin ng may bigla kaming narinig na parang nag-click. Yung parang sa camera.


At laking gulat nga namin nang may makita kaming isang babaeng parang ka-edad lang namin na nakahawak sa cellphone niya at nakatutok sa amin.


"H--hoy! Anong ginagawa mo?" Suway ko dun sa babaeng nakahawak sa cellphone niya.


"Ahh ehh... Wala po." Sabi niya.


"H--hoy, kinunan niya tayo ng picture. Tanga ka ba?" An--ano? Ako? Tanga? Grabe rin naman 'tong fiancé na 'to. 

Magsasalita pa sana ako pero nawala nalang bigla yung babae at wala rin naman akong magagawa dun. 


"Ayysshh! Pumasok ka na nga!" Sabi ko sa kanya at pinapasok na.


--

Kaleigh's POV

So we're here in my house, waiting for my parents. Nandito na naman si Jasper. As far as I know, nandito lang yan kapag may iu-utos ang parents ko sa kanya so for sure may pinagawa na naman ang parents ko sa kanya! 


"Jasper, ano na namang kalokohan ang pinagawa ng mga magulang ko sayo?" Tanong ko sa kanya. Paniguradong masho-shock na naman ako kapag nalaman ko yung pinagawa ni mommy sa kanya. Just like what happen the last time! Inutosan pala siyang ipa-transfer ako sa Vidallon Academy! Ang sh** napa-transfer nga ako!


"Malaman mo rin." Yan na naman siya. Yan na naman siya sa linya niya na paulit-ulit nalang. Tapos magwi-wink. Yuck! Tanda-tanda na nito.


"Tumigil ka nga! Ibahin mo naman yung linya mo! Yan nalang palagi eh tapos magwi-wink ka! Nakakadiri, Jasper ah." Suway ko sa kanya.


"Edi... You'll know." -_- Okay. Iniba niay nga. Pero nabigla ako nang tumayo siya at akmang yayakapin sana ako. Anong ginagawa niya?!!!!!!! Bigla naman siyang hinarangan ni Grey na katabi ko lang.


"Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya.


"Sabi mo ibahin ko eh, so hindi na wink kundi yakap nalang pero magseselos ata ang fiancé mo eh." What the--


"Eh kung sabunotan kita eh ano?!" Sigaw ko sa kanya. Akmang susugorin ko na sana siya eh pero...


"Ate? You're here!" Napatigil kaming lahat dahil narinig naming sumigaw si Kiara. Akmang yayakapin niya ako kaya ayun, niyakap ko siya. I miss this little girl. "Ang tagal mo naman ate! I miss you!" 


"Akala mo, ikaw lang ah? Na-miss rin kita ano!" Nag-smile naman sa akin si Kiara pero napatingin siya bigla sakatabi kong si Grey.


"Who is he?" Sh** ano ang isasagot ko? Kaibigan? Baka hindi maniwala si Kiara kasi never akong nag-dala ng kaibigan dito or lalaki! Tsaka kung sasabihin ko naman ang totoo, mahihirapan akong mag-explain kasi hindi naman nakakaintindi ang bata. "Is he your boyfriend?" Natigil ako sa pag-iisip dahil sa sinabi niya. Napa-nganga pa ako! Bullsh**! "Not bad." At mas Lalo akong nagulat. Napatingin ako kay Grey. It seems like we saw and hear an unbelievable thing. 


"Ah hi--hindi--" Napatigil ako sa sabihin ko sana ng biglang nagsalita si Mommy.


"Kaleigh! It's been a while!" Napa-tayo pa ako dahil sa biglaan niyang pagpakita.


"M--mommy..." Nasabi ko at nag-smile pa.


"K--Kaleigh..." No... It's not mommy... Kay Grey galling yung boses na yun. Napatingin kaming lahat sa kanya. Even Kiara na nakatabi ni Mommy. "Meron ka ba ngayon?" Napa-lagok pa siya ng laway nang sabihin niya yan.


"What do you mean?" I ask pero nagulat ako ng biglang sumigaw si Kiara na nasa likod ko.


"Blood!" What the--


"Kaleigh! Go to your room. NOW! God, nakakahiya ka." Sabi ni Mom pero first word palang ng mga salitang sinabi niya agad na akong umakyat papunta sa bedroom ko. Yeah right! Mom is right! Nakakahiya! Si Grey pa talaga ang nakakita, una! He's a guy for pete's sake!


--


"We have a plan for your 18th birthday." I was shook. Pagkatapos kong magpalit at bumaba na ako. Awkward pa nga yung situation naming between Grey and me. But ngayon, we're currently talking with Mommy. And ye! She just said that they already have a plan for my 18th birthday. "The day after your birthday! It's your wedding day." At dun ako mas na-shock. Haha! For sure nag-bibiro lang si Mommy.


"Mom! Haha! Hindi nakakatawa yung joke mo!" Sabi ko na may patawa-tawa pa but to tell you the crazy truth! Nanginginig na talaga ako dahil sa sinabi ng nanay ko!


"I'm not joking Kaleigh..." Napatigil ako. Ok, she's not joking but the question in my mind right not is, WHY?! "I know nakakagulat but Kaleigh! 18 ka na sa araw na yun so it's alright to get marry with Grey! Nasa legal ka ng edad." But it's still not right.


"T--tita, isn't it too early? Hindi pa nga kami nakaka-graduate eh." Tama! We didn't graduate yet!


"Wala namang mawawala, Grey. Ga-graduate rin naman kayo kung kasal kayo o hindi." But-- urgh! I hate it!


"O--okay..." Anong okay?! Nababaliw na ba 'tong si Grey?! Okay lang sa kanya?!


"Mom! It's still early to get marry! And Grey! Ganyan ka ba talaga ka-desperadong makuha yung mana mo?! Mom! Ganyan ba kayo ka-desperadong makuha yung pera na--" I stop. Not because I realize what I'm saying but because she slap me. Yes, my mom slap me. F**k it.


"You're too much! I-- we! We did this for the two of you! For your own future!" -Mommy.


"Mom! Alam mo ba yang sinasabi mo?! Kasalan yang ginagawa niyo! Kasalan! Let me be happy, Mom! Let us be happy! Hindi ka ba naaawa sa amin?! You're being too harsh! Make us live happy and free! Hindi kami ibon na ikukolong niyo lang sa hawla at kayo na ang bahala kung paano kami bubuhayin!" Tumigil na ako dahil sa mga luhang dumadampi sa pisngi ko. Kailangan kong tumakas. No! Gusto kong tumakas!


Napansin kong nakatingin sa akin si Kiara. Hindi niya alam ang nangyayari but I know that she knows how badly I need her hug right now.

Pero imbis na yakapain ko siya, umalis nalang ako.





Blithesome Moment (Vidallon Series #1)Where stories live. Discover now