Chapter 38 - Never Give Up

96 8 5
                                    

Grey's POV

Nandito ako ngayon sa pad ni Thunder, nakaupo at naglalaro ng video game kasama siya. P**a! Alangan namang mag-stay ako dun? Ayysshh! Naaalala ko pa rin yung sinabi sa akin ni Kaleigh kagabi! STAY AWAY nga diba? Kaya ito! Linalabanan ang pagka-bore. 


"You lose again." Masayang saad ni Thunder. Taena! Na naman? Hindi talaga ako makapag-focus! "Focus Grey! Focus!" Parang coach niyang sinabi. Magkalaban pa rin kami. 


"Nakakapagod naman 'to." I said as I rest my head in the sofa.


"Anong nakakapagod? You're not even doing a thing that will make you tired!" Ewan ko ba. Pinoproblema ko yung kagabi eh. Seryoso. Nasaktan ako sa sinabi ni Kaleigh pero hindi ko naman siya masisisi eh kasi ako naman talaga yung may ginawang mali. Pero bakit dapat humantong pa sa ganun? Mga par! First time kong ma-busted. Oo noon, ako yung nambu-busted sa mga babaeng nanliligaw sa akin p**a! Pero mga par ang sakit pala. Ang sakit pero kailangan kong tanggapin. Bakit ko pa kasi ginawa yun eh!


"Nakakapagod pa rin kaya yun!" Sabi ko nang bigla nalang nag-doorbell kaya tumayo ako. "Buti naman at nandito na yung inorder nati--" Nagulat ako nang binuksan ko ang pintuan. Hindi ito yung pina-order naming chicken ni Thunder!


"You're here!" Nagkatinginan muna kami ni Kaleigh bago siya pumasok at isira ko yung pinto. "Kaleigh text me that she'll go here." ANO?!


"Nagtext siya sayo?! P**a ba't hindi mo agad sinabi sa akin?!" Tanong ko.


"Oo nga. Hindi mo sinabi na nand--dito p--pala si Grey." Bakit nauutal 'tong si Kaleigh? Tsk.


"Why? Is there a problem with that?" Sasabihin ko bang meron? Tsk wag na!


"Wala!" Sabay naming sabi ni Kaleigh. 


"Wala naman pala eh edi ayos!" Sabi ni Thunder kaya umupo nalang ako sa sofa.


"Aalis nalang ako." WHAT? Kakarating niya lang ah!


"Bakit?" Napatayo ako nang tumayo rin siya.


"M--masama pakiramdam ko eh." Sabi niya. STAY AWAY nga Grey, diba? Dapat hindi na ako curious!


"Really? ihahatid na ki--" Pinutol ko agad si Thunder.


"Ako na!" Sabi ko at umuna ng lumabas. Sh** ba't ba ako nagseselos?

Nag-hintay muna ako kay Kaleigh na lumabas. Nandito ako sa loob ng kotse ko eh. Ba't ba ang tagal nun? Pero tama aba 'tong ginagawa ko? 

Baka magalit pa talaga yun sa akin eh. Bwesit, baka mas iwasan pa ako nun eh.

Napatingin ako kay Kaleigh nang biglang bumukas ang pintuan sa likod. Ba't siya nandyan? Ginawa niya pa talaga akong taxi driver, eh ano? Tss. Pero ayos lang, poging driver naman ako eh.

Pinaandar ko nalang ang kotse.


"Sa condo nalang ako." Dunnalang din ako. Hindi talaga ako komportable na hindi kasama si Kaleigh eh. Baka ano pang mangyari sa babaeng 'to.


"Okay." Sagot ko nalang. Ang awkward actually. Pero syete! Tiis-tiis muna. Magtitiis ako, eh mahal ko yang babaeng yan eh.


"Hindi ka ba pupunta sa hospital?" Tanong ko sa kanya pero syempre nakatingin sa kalsada. Ayokong mamatay si Kaleigh na hindi pa sinasabi ang totoong response niya.


"H--huh?" 


"Masama pakiramdam mo diba?" 


"Ahh oo. W-wag nalang. Sa condo nalang ako." Okay.

Madaming tanong ang gusto kong itanong sa kanya pero hindi ko maggawa. P**a natotorpe na ata ako eh! Baka magalit pa talaga 'tong si Kaleigh eh. Nasaktan ako kagabi pero ako pa rin 'tong umiintindi sa kanya. Mahirap talaga ang buhay mga par basta may nagustohan ka. Kaya iwasan niyo na ang ganitong pakiramdam. Hindi ko napigilan eh! Kaya ito ngayon. Nabusted! 

--

Nagdadalawang-isip pa talaga ako kung lalabas ba ako sa kwarto ko o hindi. Taena!!! Nakakain na ba siya?

Magaalasdose na kasi eh. Hindi pa ako nakakain pero ewan ko ba! Mas nagaalala ako kay Kaleigh kung nakakain na ba yun o hindi pa. Kanin nung makauwi kami, wala pa rin siyang sinabing kahit isang salita lang. Syempre! Hindi ako lumabas sa kwarto ko kasi STAY AWAY nga, diba?

P**a! Lalabas na talaga ako! Gutom rin ako eh!

Pagkapunta ko sa may kusina, nakita kong nakabukas ang ref. Ang dilim dilim pa talaga! Napatingin ako kung sino yung nagbukas sa ref at ang kumakain maapit sa ref.


"Kaleigh?" Halos mapatalon siya nang makita niya ako. Wow! Hindi talaga siya kumain kanina? Kaya ito ngayon! Kumakain sa harap ng ref?


"Matutulog na ako." Sabi niya na umiwas pa ng tingin. 


"T--teka. Kumakain ka pa diba?" Sabi ko na hinarang pa talaga siya. Parang hindi ata siya makatingin sa akin ng diretso. Nakikita ko pa rin naman siya dahil sa light na nanggaling sa refrigerator. Bakit? Nagguguilty na ba siya?Joke lang haha!


"Huh? T--tapos na akong kumain." May hawak-hawak pa nga siyang mansanas eh. "Ikaw na bahala dyan." Sabi niya na pilit pinagpapalit ang direksyon kung saan siya dadaan pero hinaharangan kopa rin siya. Call me jerk if you want pero gusto ko ang ginagawa ko. Did she ever felt guilt since last night? Pero teka, why would I stay way from her? She can't control me. Kaleigh knows me.She know that I won't give up hanggang sa makuha ko ang gusto ko. Kaya bakit ko ba siya susundin? Bahala siya. Kung iiwasan niya ako, wala akong paki. Basta, hindi ko siya iiwasan. 


"Ikaw nga 'tong kumain eh tapos ako yung papaligpitin mo?" Sabi ko habang unti-unting lumalapit sa kanya. 


"N--nagmamadali kasi ako eh." Nauutal na naman siya. Why can't she just look at my eyes? Mas lumapit pa ako sa kanya.


"Bakit?" Tanong ko sa kanya.


"K--kasi... Ammnn... Matutulog pa ako eh. Mag-aalas tres na ata eh." 


"It's still 12 in the midnight baby." Paniguradong kinakabahan na siya haha! Wala naman akong gagawin masama sa kanya eh. I just want to remind her that I won't easily give up. Ang pangit ng french fries na yun, panalo pa rin ako.


"Ahh... Akala ko eh." Nakayoko niyang sabi. I smile.


"Mahal kita..." Napatingin siya sa akin dahil sa sinabi ko. "Alam mo yan. Alam mo ring hindi ako mahina na gumi-give up nalang basta." I mean it. Seryoso ako sa mga sinasabi ko.


"Stay away, Grey." Sorry, but I hate those words. The more I hate it, the more I won't do it.


"No, I won't." Sabi ko.


"Yan ka na naman eh." She said while finally looking in my eyes.


"Mahal kita." 


"Huh?"


"That's the way I say 'I won't give up.'" Sabi ko at bumalik na ulit sa kwarto.


--

Kaleigh's POV

Nandito kami ngayon nila Sheena, Joey at Apple sa isang mall. Inimbita kasi nila ako na mag-shopping daw. Pero lutang na lutang pa rin ako eh. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Grey kagabi. Alam ko namang nasaktan talaga siya eh pero bakit ganun? Gusto niya pa din ako.


"Momshie naman eh!" Napatingin ako bigla kay Apple. "Kanina pa tanong ng tanong ang waiter pero ayaw mong sumagot." Huh? Kanina pa siyang tanong ng tanong sa akin? Woahh. Hindi ko man lang narinig.


"Ano ulit yung tanong mo?" Sabi ko dun sa waiter.


"Ano po yung order niyo?" He said. Oh! I almost forgot! Tioningnan ko ang menu. 


"Pasta." I said at binalik na ang menu.


"Madam ah, parang may problema ata." Sabi ni Joey.


"Oo nga. May nangyari ba kagabi?" Tanong ni Sheena sa akin.


"Omg! Don't tell me you're preggy?" Sabi ni Apple na halos mailuwa ko pa sa mukha niya yung tubig na iniinom ko.


"Tumigil nga kayo! Walang may problema o nangyari kagabi or even pregnant!" Sabi ko sa kanilang tatlo.


"Eh bakit nga kasi?" -Joey.


"Si Grey kasi eh..." Sasabihin ko ba sa kanila?


"Ano?" Tanong nilang tatlo.


"Binusted ko siya eh." Sabi ko sa kanilang tatlo. And as expected, they are so shocked.


"WHAT?!"


"BAKIT?!"


"Gusto ka talaga niya?!"


"Sayang!"


"Tama ba yung narinig ko?!"


"Hindi ko kakayanin 'to!"


Napapikit nalang ako. 


"Are you crazy?" Tanong sa akin ni Apple. Hindi pa ako baliw pero parang mababaliw na ako!


"Gosh! Sayang talaga!" Sabi ni Joey. Bakit naman sayang? Ginawa ko lang yung sinasabi ng utak ko.


"Nasaktan yung daddy Grey ko huu!" Sabi ni Sheena. Yes, I hurt him, Sheena.


"But I'm 100% sure that it wasn't what your heart wants to do!" Napatingin ako kay Joey dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?


"Oo nga! Kitang-kita naman namin eh na gusto mo si Papa Grey!" Sabi ni Apple. Anong pinagsasabi ng mga 'to?


"Wag kang tanga Madam huhu! Nasaktan talaga yung crush namin eh!" Sabi ni Sheena.


"Nandun na eh! Mahal niyo na isa't-isa pero pinakawalan mo pa rin siya!" Sabi ni Joey. So is this words of wisdom from them or they are scolding me?


"Madam naman eh! Ba't mo pa kasi binusted?" -Sheena


"Oo nga eh! Pero ayos lang, matutuloy pa rin ang kasal!" -Joey.


"Oo nga naman! Walang makakapigil sakasal niyo!" -Apple.


I let out a sigh. "Girls, enough the drama. Nabusted lang siya tapos parang namatayan na kayo?" Tama naman eh! Akala mo naman namatayan sila. Eh binusted ko lang naman si Grey.


"Yun na nga eh! Binusted mo ang isang Vidallon!" Medyo napalakas ata ang boses ni Sheena kaya napatingin ang mga tao sa amin dito sa restaurant.


"It's not a big deal if he's a Vidallon or not." Bulong ko.


"It is." Sabi ni Joey. "Tao rin siya Miss Kaleigh. Nasasaktan rin siya." Sabi niya. I know. But little do you know that it also hurts seeing him hurting?


"Pero ano na nangyari pagkatapos?" Curious na tanong ni Apple.


"Yun na nga eh! Sabi niya sa akin kagabi, ayaw niya dawng mag-give up." Sabi ko. F**k it! Kabadong-kabado talaga ako kagabi eh. Akala ko may gagawin siyang masama tapos yun lang naman pala. Sasabihin niya lang na-- wait, sinabi lang ba kagabi ni Grey na mahal niya ako? Holy sh**t!


"Kasi nga, isa siyang Vidallon." -Apple.


"What Grey wants, Grey gets, honey." -Sheena.

Wag naman sana.


--

A/N: Medyo natagalan ang update ano? Sorry huhu! Mahal ko pa rin kayo hehe mwah!

Blithesome Moment (Vidallon Series #1)Where stories live. Discover now