Chapter 1: Nawawalang mga Alaala

55 0 0
                                    

Nagising siya sa tunog ng dagat na humahampas sa dalampasigan. Madaling araw ng namulat niya ang kanyang mga mata upang madama ang simoy ng malamig na hangin. May kadiliman sa paligid at walang mga tao. Nag-iisa lamang siya. Mabilog ang buwan at ang liwanag nito'y tama lamang upang masilayan niya ang kanyang sitwasyon. Sa kalagayan niya ngayon ay hindi ito isang magandang balita.

Mula sa pagkakatulog ay umupo siya sa lugar na kanyang natulugan. Sa palagay niya ay may katagalan din ang kanyang pagkakahimbing. Ang kanyang mga mata'y kanyang nilinis dahil sa gilid nito'y may mga nakadikit na mga buhangin. Ang dagat ay napakapayapa at parang ang lapit lamang ng buwan dito. Nakikita niya ang repleksyon ng liwanag nito na para bang isang gumagalaw na daanan.

Basang-basa ang kanyang katawan. Walang tuyong parte ang damit niya ngayon. Naligo ba siya kagabi? Bakit ganito ang kanyang sitwasyon na dahil sa tubig ng suot niya'y mas lumalamig ang kanyang pakiramdam. Hinawakan niya ang kanyang buhok at nadamang unti-unti na itong natutuyo. Ang kanyang balat ay medyo kulubot pa dahil sa pagkabasa. Wala siyang nakikitang tuyong damit sa paligid na pwede niyang magamit.

Napakakalat sa paligid. Maraming kahoy at hindi ito galing sa mga puno na nasa likod niya. malayong-malayo ito kumpara sa mga ito. Parang galing ang mga ito sa dagat na naanod lamang dito. Hindi niya mabilang ang mga ito. Sadyang marami siyang nakikita sa paligid hanggang sa dulo ng mga buhangin.

Tatayo na sana siya ngunit nadama niya ang kanyang likod. Pumigil ito sa kanya. Hindi niya ito inaasahan pero masakit ang kanyang katawan. Nadadama niya ang kanyang balakang na kailangan niyang indahin dahil nga sa kalagayan niya ngayon. Hindi nagtagal ay nalaman niyang sa taas na bahagi nito ay mayroon pa palang mas malala dito. Nang hinawakan niya ang likod ng kanyang ulo ay napakasakit nito. Tila yata nabagok siya sa isang matigas na bagay.

Wala man lang kahit isang tao sa paligid. Ni ilaw na pwedeng manggaling sa isang bahay ay wala rin. Tiningnan niya ang lugar upang makakita ng kahit isa man lang sinag ng liwanag na maaaring manggaling sa isang lugar na may tao ngunit wala. Buti na lamang at bilog ang buwan ngayon dahil napakadilim ng maaaring maging sitwasyon ng lugar kung hindi ito ganito.

Bakit ganito? Sinusubukan niyang maalala ang mga nangyari ngunit lalo lamang sumasakit ang kanyang ulo. Gulong-gulo siya sa mga nangyayari ngayon. Mula sa pagkakaupo ay humiga na muli siyang muli. Mas komportable siya kahit papaano sa ganitong posisyon. May malapit na dahon ng saging sa kanya. Naisip niya na pwede niya itong magamit. Kinuha niya ito at inilagay sa kanyang likod. Tiningnan niya ang mga ulap sa kalangitan. Wala siyang nakikita ng indikasyon na maaring umulan. Maliit laamang ang kanyang mga nakikita. Pinilit niyang makatulog nang muli upang magkaroon ng lakas pagkalipas nitong madaling araw.

Sa kalagayan niya ngayon ay siguradong hindi siya magtatagal kung hindi siya gagalaw at humanap ng pwedeng masilungan. Nanginginig ang buo kong katawan at ang mga ngipin niya'y patunay sa mga ito. Hindi niya alam kung anong oras na ngayon at maraming siyang mga tanong na gustong niyang masagot.

Gaano katagal ba'ko nakatulog? Matagal pa ba bago sumikat ang araw? Anong magiging bukas ko? Hanggang ditto na lamang ba ang buhay ko na marahil ay sa pagpikit ko ay maging huli na ito? Paano ba ako napunta ditto? Bakit Malabo ang aking alaala? Sa akin ba ang pitaka na nasa gilid ko na may kard na may pangalan? Kailan ba ako maliliwanagan? Sino ba talaga ako?" ilan lamang ito sa mga bumabagabag sa kanyang isipan.

May nakita siyang pitaka na malapit sa kanya. Marahil ay pag-aari niya ito at ang pangalan na nakasaad dito ay sa kanya. Alam niya na mahirap ang maglakad sa dilim kung kaya't kailangan pa niyang hintayin ang pagsikat ng araw. Sa oras na iyon ay inaasam niya na matutuyo na rin ang kanyang damit. Malamig pa rin ang kanyang paligid ngunit hindi na masyadong mahangin.

Sa Isla Mga AlaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon