MABILIS na lumipas ang araw, nakaisang taon na naman sila ni King sa relasyon nila. Madaming naiinggit sa kanya, kasi naman isang kilalang business man ang boyfriend niya. Mayaman, gwapo, macho, at matalino pa. Wala na siyang mahihiling pa, lahat na yata nasakanya na sabi nga ng iba sa kanya.
Maganda na din naman ang tinatakbo ng negosyo nilang magkaibigan, nagsisimula na din silang makilala sa larangan na pinasok nila.
"Ate Eunice"tawag sa kanya ni Blaire.
Pansin niya nitong mga nakaraang araw parang balisa ang kaibigan niya. hindi niya ito makausap ng matino nito, palaging absent minded at wala sa sarili. Hindi din siya nito tinatawag na ate, madalas sis o kaya pangalan lang niya.
"May problema ka ba Blaire?"
Tinignan lang siya nito pero nandyang bubuka at isasara nito ang bibig na parang mag gustong sabihin sa kanya pero hindi naman naitutuloy.
Magsasalita siya para sana tanungin niya ito muli, pero nabitin sa ere ang pagsasalita niya ng pumasok sa loob ng opisina nila si King.
"Hi ladies"bati nito sa kanila.
Tumayo siya at sinalubong ang boyfriend niya, ng yakap at halik sa pisngi.
"What brings you here?"masayang tanong niya dito.
"Mom and Dad called, doon daw tayo magdinner"masuyong paliwanag nito.
Hindi naman siya nabigla, dahil madalas naman silang tinatawag ng mga magulang ni King para doon maghapunan. Halos lahat kasi ng anak ng mga magulang ni King ay nakabukod na. Tanging ang bunsong kambal na sila Jewel at Kristal ang kasama ng mga magulang nito.
"Okay, tara na ba?"excited na tanong niya dito na tinanguan lang nito.
Past five na din kasi ng hapon, kaya pwede na silang mag-out para.
"Blaire, mauuna na kami... Are you okay?"nag-aalalang tanong niya dito ng makita niyang namumutla ito.
"Ahm..pwede niyo ba akong ihatid sa bahay nila Nanay at tatay, ate Eunice"mahinang pakiusap nito.
Nilingon niya si King na tango lang ang isinagot nito. Hindi naman aangal ito dahil pinsan naman ito ng boyfriend niya kaya inihatid nila ito sa bahay ng mga magulang nito. Habang nasa biyahe sila balisa ang kaibigan niya, hindi mapakali at tahimik na nagmamasid sa paligid.
"Are you sure okay ka lang talaga?"muling tanong niya dito ng makapasok na sila sa bahay nito.
"Yes, I'm fine now. Thank you"halos bulong na naman nitong sagot.
Hanggang sa makaalis sila palaisipan sa kanya kung bakit ganoon ang kinikilos ng kaibigan niya. Pero lahat ng iyon nawala sa isip niya ng makarating na sila sa bahay ng mga magulang ng nobyo.
"King, baby ko"lambing agad ng ina ni King sa nobyo niya.
Agad siyang napangiti ng makita kung gaano kalapit ang mga ito sa isa't isa.
"Mommy, ang tanda ko na para tawaging baby"reklamo naman ni King sa ina.
Inirapan lang naman ito ng ina bago ito bumaling sa kanya para magbeso sila.
"Eunice, glad that you are here. May kasama kami nila Kristal at Jewel na kikilatis sa girlfriend ni Duke. Kasi naman Jade is not around at the moment"bulong nito sa kanya.
Nagulat naman siya sa bulong nito sa kanya.
Si Duke may kasamang babae ngayong gabi, and to think na ipapakilala na girlfriend nito ang kasama. Nabuhay bigla ang curiousity niya sa katawan sa sinabi ng ginang sa kanya. Matagal tagal na din ang huling beses na nagkita sila ni Duke. Siguro may tatlong buwan na din silang hindi nagkikita.