Twenty-four

15.5K 451 18
                                    

INABOT na ako ng uwian ng mga tao nila King pero nandito pa din ako sa loob ng sasakyan ko.

Bumaba lang ako ng makita ko ang secretary ni King na papauwi na. Alam kong nasa loob pa si King ng mga oras na ito. Palagi namang nagpapagabi iyong isang iyon.

Makailang buntong hininga at inhale exhale ang ginawa ko bago ako nagdrive palapit sa entrance ng building.

Dahil sa tagal na din namin ni King na magkarelasyon kilala na ako sa building na ito kaya hindi na ako nahirapan pang makapasok. Ginamit ko pa nga ang private elevator na si King at ang mga Perez lang ang pwedeng gumamit.

"You can go now Michael, mamaya pa ako uuwi"ani King ng hindi nag-aangat ng pansin sakin.

Busy siya sa bundok-bundok na papel sa harapan niya. Mukhang natambakan siya ng trabaho ngayon, hindi ko nakikita na ganito kadami ang papel sa table niya noon. Ayaw na ayaw kasi ni King na natatambakan siya ng trabaho.

"King"mahinang tawag ko dito.

Napaangat ang tingin nito sakin. Nanlalaki ang mata niya sa gulat pero agad ding tumayo.

"Eunice"tawag nito sakin ng makalapit siya.

Nakipagtitigan siya sakin ng matagal para bang inaalam niya kung talaga bang nasa harapan niya ako.

"Have you talk to my brother?"tanong nito ng makalipas ang ilang minuto.

Umiling lang ako bilang sagot sa kanya.

"You better talk to him now"sabi pa nito.

"I'm sorry, King"sabay ko sa sinabi niya.

Napakunot ang noo niya habang nakatitig sakin.

"You've been a good boyfriend to me, but I did something wrong"nahihirapan kong simula ng mga sasabihin ko.

Sa ilang araw kong hindi nagpakita sa mga taong malapit sakin. Nagpractise ako ng sasabihin kay King maging sa mga magulang namin.

Pero parang hindi ko ata kayang sabihin iyon ng personal kay King. Nahihiya kasi talaga ako sa kanya.

Napabunting hininga naman si King bago niya ako hawakan sa balikat.

"I'm the one who should say sorry here Eunice"anito.

This time ako naman ang napakunot noo sa pagtataka sa sinabi ni King.

"I'm the who did wrong, sayo at kay Duke"pagpapatuloy pa nito.

"What do you mean?"hindi ko naiwasan na itanong.

Naguguluhan kasi ako, ako ang may nagawang mali di ba? Anong pinagsasabi niyang siya ang may nagawang mali samin ni Duke.

"Dapat hindi na ako nakialam aa kapatid ko before. Sana hinayaan ko nalang si Duke na ipursue ka on his own. Kaso nakialam pa din ako, alam ko naman noon pa na mahal ka ng kakambal ko. Bata pa lang kami kita ko na iyon. Noong una inaasar ko lang siya noong mga bata pa lang tayo. Ang sarap kasing asarin ni Duke kasi pikon"natatawa pang pahayag nito.

"Akala ko simpleng pagkagusto lang ang nangyayari sa kakambal ko sayo pero ng mangyari ang hindi inaasahan kay Jade at Ivan noon. Nakita ko kung gaano ka kagusto ng kapatid ko. Kaya namagitan na ako sa gutna niyo. Ayoko naman talaga na maging boyfriend mo, no hard feelings Eunice. Pero kaya lang ako pumayag sa gusto mong mangyari noon kasi nakikita kong walang pag-asa si Duke na lumantad at sabihin mahal ka niya. Palagi lang niya ako inaaway na ayaw mo namang mangyari"dagdag nito.

"Then, I also know that you just like me because my name is King. And your fantasizing fairy tales before. Na magkakaroon ka ng sarili mong king. Dont you know that Duke is also a royalty. Our mom named as after our father Malik means The King. Kaya ako naging King at Duke naman si Duke. So I know that tine hindi ka pa handa sa seryosong relasyon. And I dont want my brother's feeling for you will be just gone. Kasi infatution lang ang nararamdaman mo"pagpapatuloy nito.

DUKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon