Twenty-two

15.1K 460 10
                                    

"AH! KAINIS NA"naiinis na nagpapapadyak ako sa inis.

Pritong itlog nalang hindi ko pa maperfect. Buti nga may rice cooker kaya kahit papaano nakakain ako ng maayos na kanin. Pero sa ulam, naku never mind nalang.

May mga time na gusto ko ng umuwi. Bakit naman kasi wala akong talent sa pagluluto. Ayan tuloy puro mga canned good ang kinakain ko. Ayokong lumabas ng tinutuluyan ko kasi baka may makakita sakin dito na kakilala ko.

"Baby, wag kang magsasawa sa kinakain ni mommy ha"pagkausap ko sa medyo umuumbok ng tyan ko.

I'm almost three months pregnant.

Napabuntong hininga ako habang naaalala ko kung paano ko nalaman na buntis ako.

I was walking and walking without any place to go to in my mind.

Kanina pa ako naglalakad mula sa village namin hanggang sa ngayon na hindi ko na alam kung nasaan ako.

Basta lakad lang ako ng lakad.

I remember my meme's story.

Parang ganito ang nangyari sa kanila ni dada noon. Tumakas si meme kasi feeling niya hadlang siya sa pag-asenso ni dada. Ako naman natatakot na baka magalit ang mga magulang namin kay Duke.

"Hay! Kulang nalang malaman ko ngayon na buntis ako para magkatulad na magkatulad ang kapalaran namin ni meme"kausap ko sa sarili ko.

Natatawa na naiiyak ako sa ginawa kong paglayo.

Nang mangawit ako sa kakalakad, nagpasya akong pumasok sa isang convinient store.

Habang naglilibot ako sa loob para tumingin ng mabibiling pagkain nagawi ako sa stand ng mga sanitary napkin.

Napatigil ako doon at pinakatitigan ang brand na ginagamit ko kapag dinadatnan ako. Bigla akong binundol ng kaba.

Kanina lang iniisip ko na buntis ako para magkaparehas na kami ng kapalaran ng meme ko. Ngayon talagang iniisip ko na ngang buntis ako.

Napahawak pa ako sa impis ko pang tyan habang iniisip ko kung kailan ba ako huling gumamit ng sanitary napkin.

Ang huling natatandaan ko talaga ay iyong bago may nangyari samin ni Duke.

Pagak akong natawa, hindi na ako nagtataka na mabuntis ako ni Duke. Wala naman kaming ginagamit na kahit na anonh protection na dalawa.

Tapos ang dalas pa naming magtalik na dalawa.

"Kainis naman, ngayon magkatulad na talaga ang kapalaran namin ni meme"natatawa kong bulong sa sarili.

Mula sa convinient store dumeretso ako sa isang pharmacy at bumili ng pregnancy test kit. Sa isang Fast food chain ko naman ginawa ang test.

Di ako nagkamali ng hinala noon na buntis ako. Kasi positive ang result ng PT ko ng mga oras na iyon.

"Baby, gusto mo na bang umuwi sa daddy mo?"kausap ko na naman sa anak ko.

Halos isang buwan na mula ng iwanan ko si Duke at hindi magpakita sa mga magulang ko.

Somula din noon hindi na ako lumabas sa tinutuluyan kong apartel. Ang mga stock ko sa loob inoorder ko lang online.

Pero mukhang hindi na din tatagal ang pagtatago ko. Kailangan ko ng bumalik sa amin. Kasi wala na din akong pera, kulang ang nawithdraw kong thirty thousand sa ATM ko ng umalis ako.

Kailangan ko na ding magpacheck up. Sa pagtakas ko sa realidad wala din naman akong napala. Wala din kasi akong naisip na solusyon sa problema ko.

Baka nga may panibago na naman akong problema. Natapos na kasi ang dalawang araw na palugit sakin ni Duke.

DUKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon