Thirteen

17.2K 446 9
                                    

"WHAT!!!"nanlalaki at malakas siyang napasigaw sa gustong mangyari ni Duke sa kanila.

"Nagpapatawa ka ba? Kasi hindi nakakatuwa ang sinasabi mo"inis niyang sikmat dito.

Nakatitig lang sa kanya si Duke habang nakaupo ito sa pang-isahang sofa nakacross arm.

Bigla siyang naconcious habang nakatingin din siya dito. Hindi naman ang paraan ng pagtitig nito ang dahilan kundi sa hubad nitong katawan.

Para kasing nang-iinis ito at ang walang hiya nagboxer short lang.

Ang mas nakakainis pa ang mismong suot na niyang boxer short nito ang kinuha sa kanya para isuot nito.

"Do I look like one?"seryosong tanong nito sa kanya.

"Urgh!"naiinis napasabunot siya sa sarili niyang buhok.

"Sino naman ang nasa matinong pag-iisip ang papatol sa gusto mong mangyari, for goodness sake para namang hinihingi mo lang candy ah"

Napaiwas siya ng tingin ng bigla itong umayos ng upo at tanggalin nito ang pagkakacross arm nito. naghe-hello sa kanya ang mga pumuputok na pandesal nito sa katawan. Hindi siya tuloy mapagfocus sa mga gusto pa niyang sabihin dito.

"Pwede bang magdamit ka muna"hindi na niyang naiwasang hindi sabihin dito.

Pero parang wala namang nangyari, hindi man lang siya nito pinansin at tumayo lang nilapitan siya.

"Ano ba ang problema mo sa katawan ko"bulong nito sa kanya ng makalapit ito sa kanya.

Nag-iwas naman siya ng tingin, hindi na niya magawang tignan man lang ang binata sa ganitong kalapit.

Kulang nalang kasi mahiya ang hangin na dadaan sa pagitan nila sa sobrang lapit nito sa kanya.

"Nakita mo naman na ito, nahawakan mo pa"muling bulong nito sa kanya.

Kinilabutan pa siya ng tumama ang hininga nito sa kanyang tenga. Napapikit pa nga siya habang dinadama ang pagbulong nito sa kanya.

"P-pwede ba!"itinulak niya ito palayo sa kanya.

But she failed, ni hindi man lang ito gumalaw kahit isang pulgada sa sobrang lakas kasi nito.

"Pwede ba alin?"mapang-akit na bulong na naman nito sa kanya.

"Urgh! Duke naman, ang hirap mong kausap. Lumayo ka nga"inis niyang sigaw dito.

Tumawa naman ito ng malakas bago siya lagpasan nito. nagpunta ito sa kusina nito at kumuha ng tubig.

"This is not your condo? Nasaan ba tayo?"tanong niya dito ng sundan niya ito sa kusina.

Napansin lang niya wala sila sa condo ni Duke ng lumabas na sila sa kwarto nito.

Kabisado kasi niya ang condo nito kaya alam niyang nasa ibang lugar sila ngayon.

"This will be our haven"sagot nito.

Pinanlakihan niya ito ng mata.

"Haven? Our?!"exaggerated niyang sigaw dito.

"Alangan namang dalin kita sa condo ko? That condo is just a place where I can bring those girls who want's to be laid. And you're not like them"hinarap siya nito.

Naguluhan naman siya sa huling sinabi nito sa kanya, ang labo naman kasi o sadyang hindi lang niya maintindihan.

"And where are now?"tanong nalang niya.

"Sa bahay ko"sagot nito.

Napataas naman ang kilay niya, bahay nito? mukha lang silang nasa isang condo unit kung titignan.

DUKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon