KING OFFER me for a ride going home. Pero tinanggihan ko. Wala pa kasi akong balak na umuwi sa amin ngayong gabi thou umuwi naman na ako doon kanina.
Balak ko kasing puntahan si Duke ngayong gabi.
Miss na miss ko na kasi siya.
Kami naman ang mag-uusap na dalawa.
Nalaman ko kay King na sobrang busy ni Duke sa paghahanap sakin. Na kung hindi pa nga daw ako nagdecide na umuwi ngayon malamang nagpang-abot kami ni Duke sa pinagtataguan ko.
Nalaman pala nila kung nasaan ako nagtatago. At pinuntahan ako doon ni Duke ngayong araw.
Dahil sa pag-aakala kong alam naman na ni Duke na nakauwi na ako dumeretso ako sa bahay kung saan kami nagtatago ni Duke kapag may nangyayari samin.
Na sabi nga ni Duke Haven namin ang lugar na iyon. Na bahay namin iyong dalawa.
Pagdating ko sa bahay wala pa ding tao dahil nakapatay ang ilaw.
Nagpasya nalang akong pumasok at doon na hintayin si Duke. Wala namang ibang uuwian si Duke bukod dito.
Alam ko kasing binenta na niya ang condo niya simula ng magdesisyon siyang maging FUBU kami. Na ang totoo pala hindi naman niya ako Fvck buddy. Na para kay Duke para kaming mag-asawa na dapat lang magsama.
"Ano ba naman ito"reklamo ko ng makapasok ako sa loob.
Ang kalat kasi ng buong bahay. Halatang walang naglilinis at parang tambakan na ng basura.
Ito pa naman ang ayoko sa lahat ang maruning bahay.
Mariing napapikit muna ako bago ako pumasok ng tuluyan sa loob ng bahay. Una kong ginawa ang maglinis bago ako nag-order ng pagkain at magpadeliver.
Balak ko sanang hintayin si Duke kaso lang kumakalam na talaga ang sikmura ko. Bawala pa naman akong magpalipas ng gutom dahil sa pagbubuntis ko.
Sa isipin kong buntis ako bigla tuloy akong naexcite na makausap na si Duke at sabihin sa kanya na buntis ako.
Gusto kong si Duke ang unang makaalam ng pagbubuntis ko.
Matapos akong kumain nagtungo ako sa loob ng kwarto at doon naman nag-ayos-ayos.
Naiinis na ako sa lalaking iyon ang burara.
Panay kalat din kasi sa loob ng kwarto, ang nakakainis pa pati mismo sa kama ang kalat-kalat ni Duke.
Pag-uwi talaga ng lalaking iyon sesermunan ko siya.
Sa sobrang pagkabusy ko hindi ko na napansin ang oras. Kung hindi ko pa naisipan na hanapin ang cell phone ko hindi ko pa maiisip na tignan ang oras.
Dead batt pala ang cell phone ko kaya pala hindi tunutunog. Actually kanina ko lang din naman nahawakan ang cell phone ko. Palagi nakatago sa lugar na hindi ko madalas makita para hindi ako maakit na buksan.
Naghanap ako ng charger, after lang ng ilang minutong pagcha-charge binuksan ko din agad ang cell phone.
Napataas pa ang kilay ko habang nakatitig sa sunod-sunod na pumapasok na text messages. Galing sa meme ko, kay dada, kay King at kay Duke.
Pero mas nakakapagpataas ng kilay ko dahil hating gabi na pala. At wala pa din si Duke.
"Kainis ka ha"kausap ko sa cell phone ko.
I dialled Duke's number, papauwiin ko na siya ng matapos na ang lahat ng excitement ko sa katawan na makita si Duke.
"Hello, ano wala ka pa din bang balak na umuwi? Gabi na..."