NASA PROBINSYA pala ngayon si Blaire, nasa kakambal nito. Ngayon lang niya nalaman na may problema pala ang pamilya nila Blaire dahil sa kapilyuhan ng kuya nito. Lahat sila damay, kaya pala balisa ang kaibigan niya nitong mga nakaraang araw.
Kilala pa naman niya itong spoiled brat gaya niya. na lahat ng gusto nakukuha, sa ayaw man o sa gusto ng mga magulang nito.
Napansin din niya na hindi na din siya masyadong pinupuntahan ng nobyo niya sa opisina niya. naiinip na tuloy siya sa buhay niya, dumalang din kasi ang mga client nila.
Wala siyang ginawa sa buong maghapon na iyon, pauwi na siya ng makatanggap siya ng tawag mula sa kapatid ni King.
"Ate Eunice"bungad nito agad sa kanya.
"Ano iyon Kristal?"takang tanong niya sa kausap.
Nakarinig siya ng ilang buntonghininga sa kabilang linya, hindi lang mula sa kausap niya. mukhang kasama din nito ngayon ang kakambal nito.
"Kristal may problema ba?"tanong niya dito.
"I hate to tell you ate Eunice, kaso lang alam kong ikaw lang makakatulong samin ngayon"alanganin nitong sagot sa tanong niya.
Mukhang alam na niya ang patutunguhan ng usapan nila ngayon.
"Hindi na naman ninyo makita ang kuya Duke niyo?"
Buntong hininga na naman ang sagot nito sa kanya, matagal na katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa.
"Ate, sorry ha ikaw lang talaga malalapitan namin. Moomy is so depressed as of the moment. Kasi naman si Kuya Duke ilang araw ng hindi nakakausap ni mommy, hindi naumuuwi dito o kahit man lang tumawag samin. Kuya King doesn't bother about the disappearing act of kuya Duke."mukhang inagaw na ni Jewel ang cellphone mula sa kakambal nito.
"Okay, I'll go find your kuya"sagot nalang niya sa mga ito.
Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng kambal, ibinaba na niya ang tawag at nagmadaling nagtungo sa kanyang sasakyan.
Habang naglalakad siya sinimulan na din niyang itrack ang cellphone ni Duke. Nakita niyang gumagalaw ito kaya ito ang susundan niya ngayon.
"Hello, love"
"Yes, Eunice something wrong?"tanong naman sa kanya ni King.
Napataas pa ang kilay niya sa tanong sa kanya ng nobyo, ngayon nalang sila nagkausap na dalawa. siguro may tatlong araw na silang hindi nagkakausap na dalawa tapos ganito pa ang ibubungad nito sa kanya na tanong.
"Wala naman, pero papasama sana ako sayo na hanapin si Duke"sagot niya.
Narinig niyang bumuntong hininga ito bilang sagot sa kanya.
"I'm kinda busy right now. You better go home, don't bother about Duke ako na bahala sa kapatid ko"sagot naman nito sa kanya.
"But--"
Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya ng tapusin na nito ang tawag niya. mas napataas tuloy ang kilay niya sa naging asal ng binata sa kanya. para tuloy mas gusto niyang hanapin ngayon ang nobyo kaysa sa kakambal nito.
But the end, sinusundan na niya ang kakambal ni King. Huminto ito sa isang liblib na lugar. Napataas na naman ang kilay niya dahil wala naman makikitang kahit na anong establishment sa lugar na iyon. Binilisan na niya ang pagpapatakbo para maabutan pa niya ang binata sa kung nasaan ito.
Hindi na siya nabigla ng makitang isang race track ang bubungad sa kanya.
Alam na niya ito noon pa na nahihilig sa karera si Duke, ang negosyo nga nito ngayon ay tungkol sa mga parts ng sasakyan at mga mamahaling sasakyan na pangkarera. Malayo sa negosyo ng pamilya ng mga ito na mga chained hotel, resorts at real property. Si King ang namamahala ng negosyo ng mga magulang ng mga ito ngayon dahil may sariling buhay nga daw si Duke.