MAKAILANG BESES akong huminga ng malalim. Hindi ko na mabilang kung ilan. Nasa tapat na ako ng bahay namin, pero hindi pa ako bumababa ng taxi'ng sinakyan ko.
"Miss, hindi pa po ba kayo bababa?"pangatlo o pang-apat na yatang tanong ng driver sakin.
Muli na naman akong huminga ng malalim.
"Sandali manong, tatawag lang ako sa gate"paalam ko.
Nahiya na din ako kasi may isang oras na ata akong nasa labas ng gate namin. Tapos wala pala akong pambayad. Nakakahiya iyon sa taxi driver.
"Ma'am Eunice"tawag sakin ng guard namin.
Nginitian ko siya at sinabing bayaran ang taxi driver at kunin ang mga gamit ko. Nagderetso ako sa kwarto ko para mag shower at magpalit ng damit.
Wala ang mga magulang ko ng dumating ako.
Matapos akong maligo at magbihis agad din akong umalis.
Balak ko ng makipagkita kay King ngayong araw.
Tatapusin ko na ang relasyon namin.
Kinapa ko ang singsing na binigay niya sakin sa bulsa ng bag na gamit ko. Ibabalik ko na din ang singsing kay King. Nahihiya akong itago ang singsing na ito.
Ako ang nagmaneho ng sasakyan ko, parang hindi na din kasi ako sanay na may kasamang ibang tao. Isang buwan akong nagtago na wala akong ibang nakikitang tao kundi ang sarili ko.
Tapos bago iyon nagkulong din kami ni Duke sa isla na kami lang dalawa. Kaya parang awkward para sakin na may ibang tao na makasama.
"Kaya mo iyan Eunice"pagbibigay ko ng lakas ng loob.
Nasa Perez Empire na ako, dating LM Corp ang pangalan ng company nila King. Pero dahil sa patuloy na paglago nito.mas nakilala na siya ngayon sa Perez Empire.
Pero tulad kanina ng sa taxi palang ako nakasakay para pa din akong takot na ayaw bumaba ng sasakyan.
Hindi pala parang, kundi takot talaga akong bumaba ng sasakyan.
Hindi ko kasi alam kung paano ako haharap kay King.
Nasa isip ko lang lahat ng sasabihin ko sa kanya. Pero sa isipan ko din natatakot at nahihiya akong humarap sa kanya.
Wala namang ginawang mali sakin si King. Simula ng maging boyfriend ko siya kahit na pinilit ko labg noon si King naging loyal siya sakin. Wala akong nakitanh ibang babae na umaligid sa kanya.
Kaya nahihiya at natatakot akong umamin sa kanya na ako na babae pa ang nagloko saming dalawa. And worst sa kambal pa niya ako nagloko.
Napatingin ako aa labas ng building, hindi din kasi ako sigurado kubg nanditi nga ngayon si King. Wala din kasi akong pasabi sa kanya na pupunta ako dito.
................
HUMAHANGOS NA bumaba ako ng sasakyan ko. Mula sa Tondo, kung saan tumuloy si Eunice dumeretso ako sa bahay nila.
"Sir Duke, kayo po pala"masayang bungad sakin ng guard nila Eunice.
Kilala na nila ako, I don't know how they did that na makilala ako as Duke at hindi si King.
"Nakauwi na ba ang ma'am Eunice mo?"may pagmamadaling tanong ko dito.
"Opo sir"sagot nito.
Napangiti ako at akmang papasok na sa bakuran nila Eunice ng pigilan niya ako.
"Pero kakaalis lang po ulit sir, gamit po niya ang sasakyan niya"sabi pa nito.
Dinukot ko anh cell phone ko from my pocket and try to call her. Pero cannot be reach pa din ang cell phone niya.