"AW!..."daing ni Duke.
Pinitik ko nga ang noo.
Kanina kasi siya siksik sakin tapos papatong ang ulo sa puson ko.
"Isa pa, sisipain na kita dyan"banta ko sa kanya.
Nanghahaba ang nguso niya na yumakap sakin at hilahin ako palapit sa kanya lalo.
Nakaconfine pa din si Duke ngayon. Hindi malala ang natamo niyang injury. May konting bali sa kanang braso at medyo malalim na sugat sa noo. Na natahi na naman bago pa man kami dumating sa ospital.
Nagcardiac arrest siya sa hindi malamang dahilan ng mga doctor. Kasi hindi nila maipaliwanag kung bakit huminto talaga ang puso ni Duke kaninang madaling araw.
"Naglalambing lang naman ako sa baby natin"nakanguso pang sagot ni Duke.
Nguso naman niya ngayon ang pinitik ko habang nakanguso siyang nakatingin sakin.
"Kainis ah, dapat hinahalikan mo ako hindi pinipitik"reklamo nito.
Akmang tatayo naman ako ng hapitin niya ako at mahigpit na yakapin.
"No sige wag na. Basta dito ka lang sa tabi ko"bawi nito.
I kiss him.
"Naiihi po ako"paalam ko naman sa kanya.
Hindi na ako nagulat ng pagtayo ko tumayo na din siya. Para pa ngang ako ang pasyente saming dalawa. Paano inaalalayan niya pa ako habang naglalakad.
"Careful okay"sabi pa niya sakin.
Inirapan ko nalang siya pero pinabayaan ko nalang sa kung anong gusto niyang mangyari.
"Lovey dovey"boses ni Blaire ang narinig ko mula sa loob ng banyo.
"Tsk, istorbo"bulong naman ni Duke.
Umani naman ng pitik sa noo ang pagbulong ni Duke.
"Aw! Nakakarami ka na ah"banta naman niya sakin.
Pinanglakihan ko lang siya ng mata bago ako tumayo at ayuson ang sarili.
Nilagpasan ko siya at dumeretso na sa labas.
"What the? Nagawa niyo pa talagang magquicky sa loob ng banyo?"sita sakin ni Blaire na inirapan ko lang.
Bukod kay Blaire kasama niya din ang bunsong kapatid nito at ang kambal na Kristal at Jewel.
Panay ang tili ng kambal ng makita ako. Niyakap pa nga nila ako ng mahigpit pero agad din akong napahiwalay sa kambal.
"Naiipit ang anak ko"saway pa ni Duke sa kambal.
Panay naman irap ang sagot ng kambal.
"Makaanak ka naman Kuya Duke. Sus! I heard from nanay na hindi mo pa pwedeng ariin sila Eunice at ang baby niyo until the two of you got married"ani naman ni Blaire.
Napahinga nalang ako ng malalim. I know that, kaninang madaling araw iyon ang napag-usapan ng nga magulang namin.
Masama ang loob ni dada kay Duke dahil sa binuntis ako na hindi nakakasal.
Ang sabi ni Dada kanina ng nag-uusap-usap na kami ng mailipat ng private room si Duke.
"I marry my wife before ko siya na deflower Duke, because I respect her and love her with all my heart. Kaya nga ang paulit-ulit kong bilin kila Eunice at Jace na iingatan ang mga sarili nila lalo na si Eunice. Amd even thou your parents are my friends hindi ko palalampasin ang lahat ng ito Duke"
Buti nga pumayag pa si Dada na dumito muna ako kay Duke habang nakaconfine pa siya. Pero ang bilin mamayang lunch time uuwi na ako. At hindi na kami magkikita ni Duke hanggang hindi natatapos ang preparation at mismong kasal namin ni Duke.