UNANG KABANATA
Napaaga ang gising ni Alfredo. Naalala niya na ngayon na nga pala ang
pinakapaborito niyang araw sa buong linggo ang araw ng biyernes.
Bukod sa huling araw na ito ng pasok sa eskwela ay kadalasan
sa araw na ito nagaganap ang mga magagandang pangyayari
sa buhay niya bilang isang mag-aaral. Bumaba na siya
patungong kusina upang kumain ng almusal nang makita
niya na wala ang kanyang tiyuhin. Si Alfredo ay maagang
nawalan ng mga magulang hindi dahil sa kung anumang
trahedya o aksidente, naghiwalay ang kanyang ama at ina nang
limang taong gulang pa lamang siya. Nabubuhay siya sa
pangangalaga ng kanyang lolo, tiyuhin at tiyahin niya na wala namang anak.
Bagamat hindi siya tunay na anak ng magasawang Celeste at Mario
ay hindi siya itinuring ng mga ito na ibang tao.
‘’Fredo kumain ka na ba anak?’’ Pambungad na tanong nimang Ernesto sa apo
‘’hindi pa nga po itay.’’ Nakasanayan na niya ang
pagtawag sa lolo niya nang itay dahil ito ang
naririnig niyang tawag ng tiyo at tiya niya dito.
‘’Nag iwan nga pala ang tiya mo diyan ng almusal mo bago umalis kanina’’. Malumanay na sambit ng
matanda.
‘’Sige po kakain na po ako’’. Pagkatapos kumain ay dumiretso na si Alfredo sa kanyang
paaralan pagpasok niya sa tarangkahan ay nakita niya ang kanyang kaibigan na si Miguel.
‘’Fred!!! Fred!!!’’ salubong nito sa kanya
‘’O bakit parang nagmamadali ka?’’
‘’nagawa mo ba yung asaynment natin kay misis Tiongson?’’
‘’Oo bakit?’’
‘’Pakopya naman pare’’. Nagmamaka awang sambit ng kanyang kaibigan.
‘’hay nako sira ulo ka talaga’’.
"Sinasabi ko na nga ba eh!!!! Di mo ko matitiis!!!’’. Abot tenga ang ngiti ni Miguel.
"Bugok!" Na lang ang naisagot ni Alfredo. Sabay na silang pumasok sa kanilang silid. Sila ay
kasalukuyang nasa ikalawang antas ng pansekundarya, matalik na kaibigan ni Alfredo si
Miguel, bagamat pareho sila ng kinahinatnang buhay ay nalalampasan pa rin nila ang mga
pag-subok na kanilang dinaranas.’’Good Morning Mrs. Tiongson!!!’’ magkakasabay na bati ng
mga mag-aaral sa bagong dating na guro. Tulad ng dati magtatawag ang guro isa-isa ng mga
estudyante.Alfredo Bachillier! Dalawang beses ito inulit ni Mrs. Tiongson pero di pa rin
sumasagot si Alfredo hanggang sa kinalabit na siya ng katabi niya ‘’uy tawag ka’’
‘’hah? Ah present!’’
‘’ano nangyari sayo? Kanina pa kita tinatawag.’’
‘’Sorry po mam’’ nanliliit na sagot niya sa guro.

BINABASA MO ANG
IKAW AT AKO, HINDI MAGBABAGO (Tagalog story, Teen Fiction, Romance) {ONGOING}
Teen FictionIsang kwento ng pag ibig na simple ngunit may pagka-kumplikado. Isang pangyayari na magpapabago sa takbo ng buhay ng isang binatilyo. samahan si Alfredo sa kanyang pakikipagsapalaran sa daigdig ng tadhana.