Janice's Pov
"Awuuuuuu~"-sabay sabay naming sabi.
"KYAHHHHHHH!" sigaw ni Paris.
Napatakip ako ng bibig para pigilan ang pagtawa ko.
NAMUMUTLA NA SYA HAHAHAHA.
BAKA MAMAYA HIMATAYIN NA LANG ANG G*ga.
Andito kami ngayon gilid ng room.
Nagtataka siguro kayo kung bakit kami nandito.
Well...
Hindi naman talaga kami natatae or may lakad.
Dahil ang totoo,
Plinano talaga naming takutin sya.
flashback.
"Huy Janice!" tawag ni Cass.
"Oh baket?!" Ako
"Sungit mo naman! Meron ka ba?!" Cass.
"Naglalaro ako ng superstarbts dito epal ka e!" Ako.
"Ulol easy mode nga lang hindi ka na maka complete e! Sinong niloloko mo?" Cass.
"Letse!Ano ba kasi yun!" Ako.
Lumapit naman silang dalawa. May inexplain si Shay sakin at nagningning naman ang mata ko.
"Game ka?!" Silang dalawa.
"Oo naman!" Ako.
"Hoy mga panget anong game yang pinagk-kwentuhan nyo? -narinig naming sabi ni Paris. Nilingon namin sya.
"Wala! Ang sabi namin game na kami maglaro ng superstarbts! Diba?" ako.
"Ah kala ko kung ano yun. Whatever"
Nagtitigan kami at nag ngisian.
EXCITED NA KO!
end of the flashback
"Aray!" mahina kong sabi ko ng hampasin ako ni Shay.
SOBRANG SAYA NG G*ga.
"Di ko na kaya bes! Sakit na tyan ko kakatawa buset" si Shay.
"Anak ng tokwa ka naman Shay! Wag kang malikot yung phone ko gumagalaw!" si Cass. Vini-videohan nya kasi si Paris.
"Ay sorry naman. Tawang tawa lang ako putspa" Shay.
"Ang saya saya nya kuya wil" ako.
Napataas ang dalawa kong kilay ng kunin ni Paris ang phone nya. Parang may dina-dial.
"May tatawagan ata sya" sabi ko.
"Nakikita namin di kami bulag"-
silang dalawa."Ah pasensya naman. Kala ko mga duling kayo e" ako
"Hindi kaya tawagan nya tayo?" tanong ni Shay
"Tanga alam nyang umuwi na tayo" Ako.
"Malay mo naman diba?Letseng to" Si Shay
"Whatever" sabi ko na lang.
"Yah. Takutin ulit natin sya" biglang sabi ni Cass.
"Ay sge sge" excited na sabi namin.
"Okay. 1, 2, 3! Awuuuuuuu~"
"KYAHHHHHHHHH!TULONG!!!" sigaw ulit ni Paris sabay lagay ng phone sa tenga.
"PFFFT----"
Tinakpan ko kagad bibig ni Shay.
Susungalngalin ko na to e.
"TULUNGAN MO KO!!!" sigaw ni Paris.
Bigla namang kumunot ang noo nya.Para hindi nya kilala kung sino yung kausap nya.
Nagulat ako ng bigla nya itong binaba.
Hmmm...
SINO KAYA YUN?
"Eh? Bakit nya kagad binaba?" tanong ni Cass. Tapos na syang mag video.
"Ewan.Sino kaya yun?" si Shay.
"Baka tinawagan nya Mama nya" ako.
"Pfft! Baka nga" Si Shay.
Nanlaki naman ang mata ko ng makita ko si Paris na umupo at...
UMIYAK?!
"Uy mga bruha! Umiiyak na si Paris!" Ako.
"Ay taena. Lapitan natin----"
Bigla kong hinatak si Shay "Huy teka! Edi nalaman nyang pinagtripan natin sya at tinakot?!" Ako.
ASAN UTAK NITO.
"Onga no. Tanga lang" Shay.
Buti alam mo.
"Pero di natin syang pwedeng pabayaan. Bala kayo basta lalapitan na sya" biglang sabi ni Cass at nagsimulang maglakad ng biglang...
*Bam Bam Bam Bam Bam Bam Bam*
May narinig kaming mga yabag.
"May paparating!"-sabi ko sabay hatak sa tatlo at nagtago sa katabing kwarto.
"Aray ko naman! Fyi buhok ko yung hinatak mo!" si Shay.
"Sorry naman" ako.
Palapit ng palapit ang yabag hanggang sa may dumaan na isang...
Lalaki?
Teka parang pamilyar sya.
Ang dilim kasi t*ngna.
Sumilip ako sa room namin at halos manlaki ang mata ko sa nakita ko.
YAKAP YAKAP LANG NAMAN NG LALAKING DUMATING SI PARIS.
"Omg. Sino----"
"Shhh. Wag ka ng umiyak. Andito na ko" rinig kong sabi ng lalaki.
Halos manlaki ang mata ko.
Yung boses...
Watdapak.
JENO IS THAT YOU?
++++++
To Be Continue...
BINABASA MO ANG
❄THE FANGIRL AND THE ANTI-FAN ❄
Teen FictionStorya ng isang Fangirl na sa hindi inaasahang pangyayari ay magkakagusto sa isang... Anti-Fan? . . . . Sundan ang storya nina Jeno at Paris at ang walang sawang bangayan na nauwi sa pagmamahalan. ++++++ WARNING : PLAGIARISM IS A CRIME. Credits to @...