09

42 8 0
                                    

Paris's Pov

"Ughhhh" sabi ko sabay unat. Umaga na pala.

"Paris gising ka na ba?" narinig kong sabi ni Mama.

"Opo ma!" sabi ko sabay hikab.

Tae gusto ko pang magtulog.

Bumangon na ko para makapag prepare sa pagpasok. Tinignan ko muna ang oras sa phone ko.

6:00am

P*ta ang aga pa.

Tulog muna ulit.

ZZZZZZZZZZ.....
.
.
.
.
.

"PARIS!!!"

Napabalikwas ako sa higaan ko ng makarinig ako ng sigaw. Kumuha kagad ako ng pwedeng ipalo sa taong yun pero...

"Sge subukan mong ihampas yan.Babalik yan sinasabi ko sayo" galit na sabi ni Mama.

Dahan dahan ko namang binaba ang hawak kong lampshade.

"Sorry po" ako

"Anak ng kalabaw ka talaga! Ba't natulog ka ulit?! Tignan mo 7:00am na! Nagstart na klase mo!" si Mama.

Halos manlaki naman ang mata ko sa sinabi nya. Agad akong napatingin sa phone ko para tignan ang oras.

Oh sh*t.

7:00am NA NGA!

LATE NA KO!!!!

++++++

"Fossils are the remains of blah blah blah"

Dinig kong sabi ni Maam mula sa labas ng room at kakarating ko lang

Huminga muna ako ng malalim at nagdasal.

Lord sana po hindi ako sa labas magklase. Thank you po and Amen.

Hooo!

Eto na. Papasok na ko.

Yumuko muna ako bago gumapang papasok ng classroom. Kailangan ay hindi ako makita kundi lagot na-----

"Ms.Del Rosario?"

PUSANG GALA.

GOODLUCK PARIS.

"Yes po Ma'am! Good morning!" masigla kong sabi at tumayo.

Nagtinginan lahat ng kaklase ko sakin pati na rin sila Shay, Cass at Janice.
Hinanap ko di si Jeno pero...

Watdapak.

BAKIT WALA YUNG UNGGOY NA YUN?

"Ba't ngayon ka lang?! 30 mins ka ng late ano pang maabutan mo?!" sigaw ni Ma'am.

Napatingin ako kay Maam at napayuko "Sorry po"

Bwisit. Bigla tuloy akong kinabahan.

ASAN KA JENO?!

"Lumabas ka muna" Si Maam.

HUWAW.

KAKAPASOK KO LANG LALABAS NA NAMAN AKO Taena.

Sinunod ko na lang ang sinabi nya.Lumabas ako at naupo sa sahig.Kinapa ko ang phone ko at tinext si Jeno.

To : Jenonggoy

Woy asan ka?!

Naghintay ako ng reply nya pero namuti na mata ko wala akong natanggap.

Tinadtad ko sya ng text kahit walang ka kwenta kwenta. Sinubukan ko syang tawagan pero nakapatay ang phone nya.

Di ko alam kung bakit pero...

NAG ALALA AKO.

Biglang lumabas si Maam dahilan para tumayo ako. Tinago ko muna ang phone ko.

Nagsimula ng magsermon si Maam.Hindi ko na matandaan ang pinagsasabi ni Maam basta tango naman ako ng tango kahit wala akong naiintindihan dahil occupied masyado ang utak ko.

Letse kasi tong si Jeno.

MASYADO AKONG PINAG AALALA.

Natapos ang buong klase ng walang nagpapakitang Jeno sa harap ko. Hindi na nga ako makausap ng matino dahil lutang ang isip ko.

JENO!!!

PESTE KA ASAN KA BA KASI?!

MAGREPLY KA PARANG AWA MO NA!

"Uy!!"

Napatingin ako kila Shay ng kalabitin nila ako. "Oh bakit?"

"Anong oh bakit? Uwian na! Gusto mong maiwan na naman dito sa room?!" Si Cass.

"Ah teka" sabi ko sabay kuha ng bag.

"Lutang ang lola mo" Janice.

"Ok ka lang oy? Ang tahimik mo a" Si Shay.

"Oo naman" sagot ko na lang at naunang lumabas.

DI AKO MAGIGING OKAY HANGGA'T DI KO NASISIGURADONG OKAY LANG ANG UNGGOY NA YUN.

"Siguro iniisip mo si Jeno?" Cass.

"Ayieee miss na nya!" Shay.

"Bogo shipda Ireoke malhanikka deo
Bogo shipda" kanta naman ni Janice ng Spring day by bts

Hindi ko na sila pinansin. Wala ako sa mood para makipag biruan sa kanila.

Di nagtagal ay nakalabas na kami ng school.

"Bye mga bes!" Cass.

"Una na din ako. Bye" Janice.

"Ako din .Babush"-Shay.

"TEKA!" pigil ko sa kanilang tatlo.

Napahinga ako ng malalim.

Hindi na talaga mapakali tengene.

Kailangan gumawa na ko ng paraan para hanapin yung unggoy na yun.

Sana lang wag magbigay malisya ang tatlo to sa itatanong ko.

"A-ano... Ah...." ako.

Peste di ko masabi.

"Huy dali!" silang tatlo.

Huminga ulit ako ng malalim.

Bahala na.

"San nakatira si Jeno?"

++++++

To Be Continue...

❄THE FANGIRL AND THE ANTI-FAN ❄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon