Paris's Pov
*Ting* *Ting *Ting* *Ting* *Ting*
Napabalikwas ako sa kama ng makarinig ako ng napalakas na ingay.
Pota anong ingay yun?!
Hinanap ko naman kagad ang pinanggalingan nun at...
"Goodmorning bes!!!"
Halos kumulo ang dugo ko ng makita ko yung dalawang bruha na tig isang may hawak na takip ng kaldero.
"Mga letse kayo"-inis kong sabi sabay bato ng unan kay Janice at Cass.
Tinawanan lang naman nila ako.
"Mga hayuf kayo pano kayo nakapasok dito?!"-sigaw ko.
"Duh.Malamang gamit yung pinto."-Janice.
"Teka hanapin ko lang utak mo a"-sabi ni Cass na parang naghanap hanap.
Napabuga naman ako sa inis"Ah inuubos nyo pasensya ko a"-sabi ko sabay kuha ng lampshade na nakapatong sa tabi ng kama ko at akmang ibabato sa kanila.
"Yah yah yah!Sorry na!"-Janice at Cass.
"Ano ba kasing ginagawa nyo dito?!"-inis ko ng tanong sabay balik ng lampshade.
Gigil.
"Eto kasing si Janice nagpapasama.Bibili daw ng album ng bts."-Cass.
"E naisip kong isama ka rin kaya pinuntahan ka namin.Pero kung ayaw mo naman---"-Janice.
"May sinabi ako?Tss"-sabi ko at nagligpit ng higaan"Sge sasama ako.Lumayas na kayo.Sa baba nyo na ko hintayin"-sabi ko at dumiretso sa banyo.
"K.Dalian mo a"-Janice.
"Baka abutin ka ng syam syam dyan porket walang pasok"-Cass.
"Oo na!Lumbas na kayo!"-sigaw ko mula sa banyo.
"K"-narinig ko pang sabi ni Janice.
Binilisan ko na lang ang pagligo gaya ng sinabi nila.
++++++
"Ma alis muna kami!"-ako
"Bye po"-Janice.
"Bye tita"-Cass.
"O sge.Ingat kayo.Umuwi ng maaga a"-Mama.
"Opo"-sabi naming tatlo.
Lumabas na kami at pumunta sa malapit na Kpop store dito samin.
Ng makarating kami ay excited kaming pumasok.
Background music ng store (Playing with fire by Blackpink)
Pagpasok namin ay bumungad ang napakaraming merch ng iba't ibang kpop group.May albums,lightsticks,Tshirts etc.
Pumunta kami sa Army station kung saan nandun ang bts merch.
"Ano bang bibilhin mong album?Yung latest?"-tanong ko
Tumango lang sya habang nagtitingin tingin.Nalipat naman ang tingin ko kay Cass.Nandun naman sya sa mga Tshirts.
Napabuntong hinga ako.Magtitingin tingin na nga lang din ako.
Pumunta ako kung nasaan yung Army bomb.Kukunin ko sana para tignan ng biglang...
EH?
May nakasabay akong kunin.Napatingin tuloy ako sa taong yun at nanlaki ang mata ng mamukhaan ko sya.
"Rm?!"-gulat kong sabi.
Nanlaki din ang mata nya"Paris?!"-Rm
Teka.
Anong ginagawa nya dito?
Wag mong sabihing...
"Fanboy ka ng Bts?!"-sigaw ko.
Nginitian nya naman ako"Yap"-sya.
"Daebak"-nasabi ko na lang.
Hindi ko ine-expect mga bes.
"Yah Paris bunganga mo----ay pota.Rm?"-gulat na sabi Janice ng lapitan ako.
"Hala oo nga!"-Cass
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nila"Kilala nyo sya?"-tanong ko dun sa dalawang bruha.
"Oo naman!Diba basketball player sya ng school natin?"-Cass.
"Gaga hindi mo alam?"-Janice.
Umiling naman ako.
"Taeng to lahat ng hindi alam"-Janice.
Sinamaan ko sya ng tingin.
E wala naman akong hilig sa sports anong alam ko diba?
"Ah nga pala,anong ginagawa mo dito?"-Cass
"Oo nga.Ngayon ko lang nalaman na may hilig ka sa kpop o sa Bts?"-Janice.
Napakamot sya sa ulo"Actually nung kelan lang ako naging fan ng Bts"-Rm.
"Ah talaga?!Welcome sa fandom!"-masaya kong sabi.
Nginitian nya naman ako.
"Army ang fandom name natin"-Cass.
"Halika.Marami ka pang dapat malaman about sa Bts"-sabi ni Janice sabay hatak kay Rm.
"A-ah teka h-hindi na kailangan----"
"Shhh!Sumama ka na lang"-sabi nung dalawa habang hatak hatak si Rm.
Napalingon tuloy sya sakin.Nginitian ko naman sya.
"Tsk"-narinig ko pang sabi nya bago pumayag na sumama dun sa dalawa.
Nawala din kagad ang ngiti ko.
Ewan ko pero ang lakas ng kutob.
Nagsasabi kaya sya ng totoo?
Na fanboy talaga sya ng Bts------
"Paris!"
Napabalik ako sa reyalidad ng tawagin ako nila Cass.
"Oh!"-ako.
"Anong oh!Tara dito!"-Cass.
"Ah sge!"-ako at nagpunta sa kanila.
Napabuntong hininga ako.
Baka nagkakamali lang ako.
++++++
To Be Continue...
BINABASA MO ANG
❄THE FANGIRL AND THE ANTI-FAN ❄
Teen FictionStorya ng isang Fangirl na sa hindi inaasahang pangyayari ay magkakagusto sa isang... Anti-Fan? . . . . Sundan ang storya nina Jeno at Paris at ang walang sawang bangayan na nauwi sa pagmamahalan. ++++++ WARNING : PLAGIARISM IS A CRIME. Credits to @...