Paris's Pov
Dumaan mga araw na hindi na kami nagpapansinan ni Jeno.Sa tuwing magkikita kami ay lagi ko syang iniiwasan habang sya naman ay sinusubukang kausapin ako.Pati na rin ang pagpunta namin sa Park na excited ko pa namang puntahan ay naudlot din.Naikwento ko na rin kila Janice,Cass at Shay ang nangyari kaya pati sila ay nagalit kay Jeno.
*Tok Tok Tok*
Napatingin ako pinto ng may kumatok.Nandito kasi ako ngayon sa kwarto ko at nakaupo sa kama.
Bumukas ang pinto at bumungad sakin si Mama"Anak?"-Mama.
"Po?"-ako.
"Andito si Jeno.Anak kausapin mo na sya.Ilang beses ng pabalik balik-----"
"Sabihin mo po tulog na ko"-ako.
"Anak---"
"Ma.Pls lang po.Paalisin nyo na sya"-ako.
Napabuntong hininga naman si Mama at pumasok sa kwarto.
"Anak halika"-Mama at tumabi naman sakin.Umusog naman ako sa kanya.
"Natatandaan mo pa nung kwinento ko sayo kung paano kami nag-away ng Papa mo at halos maghiwalay na kami?"-Mama.
Tumango naman ako"Opo.Nung nahuli nyo na may kayakap syang ibang babae?"-ako.
"Oo tapos anong nangyari?"-Mama.
Napayuko naman ako"Ang akala nyo si Papa ang yumakap sa babaeng yun pero baliktad.Yung babae yung yumakap kay Papa"-mahina kong sabi.
"O kita mo?Minsan kasi hindi porket nakita nating may kayakap o kahalikan ang gusto at mahal natin ay niloloko na tayo.Minsan kailangan natin alamin ang nangyari bago tayo magalit at ipalandakan sa taong yun kung gaano ka nya nasaktan.Kaya anak,kausapin mo na si Jeno.Alam mo hindi naman sya magpapabalik balik dito para suyuin ka kung hindi nya talaga gusto at mahal"-sabi ni Mama dahilan para mapaluha ako.
Ewan ko pero natamaan ako sa sinabi ni Mama.
Siguro nga tama sya.
Hindi ko muna inalam ang totoong nangyari at nagpadala ako sa galit.
Pero hindi rin naman masisi ang sarili ko.
Nasaktan din ako.
"Kausapin mo na sya ok?Kung hindi ka pa ready,ok.Pero wag mo ng patagalin at kausapin mo sya ok?Maaayos din ang lahat"-Mama at niyakap ako ng mahigpit.Ganun din ang ginawa ko sa kanya.
Matagal din kaming nagyakapan ni Mama bago sya kumalas.
Ang sarap talag sa feeling kapag yakap mo ang magulang mo.Hindi mo ma f-feeling ang ganitong kasarap na feeling kundi sa mga magulang lang natin.
"O sya.Pauuwin ko na naman sya ngayon pero!"-huminto si Mama"Mangako kang kakausapin mo na sya ok?"-Mama.
Tumango naman ako.
"O sge.Magpahinga ka na.May pasok ka pa bukas at wag ng magisip ng kung ano-ano.Magiging okay din ang lahat"-Mama sabay halik sa noo ko.Pagkatapos ay lumabas na rin sya sa kwarto.
Napabuntong hininga naman ako.
Sana nga maging ok na ang lahat.
SANA...
++++++
To Be Continue...
BINABASA MO ANG
❄THE FANGIRL AND THE ANTI-FAN ❄
Fiksi RemajaStorya ng isang Fangirl na sa hindi inaasahang pangyayari ay magkakagusto sa isang... Anti-Fan? . . . . Sundan ang storya nina Jeno at Paris at ang walang sawang bangayan na nauwi sa pagmamahalan. ++++++ WARNING : PLAGIARISM IS A CRIME. Credits to @...