Paris's Pov
Kasalukuyan kaming nasa clinic ngayon.Nakaupo ako habang nakaharap kay Jeno na mahimbing na natutulog.Ginamot na ng nurse ang mga sugat nya.
Napabuntong hininga ako.
Sana pala hindi na lang kita iniwan.
San ka ba kasi nagpupunta?
Tsaka ano yung sinabi ni Andre na binastos mo ang girlfriend nya?Totoo ba yun?
Kainis ka naman e.
Gumising ka na nga.
"Hoy matunaw yan"-Janice.
"Kakaiba titig mo bes.May something"-Cass.
"Ayieeee.Pumapag ebeg nebe?"-Shay.
Nilingon ko sila at sinamaan ng tingin ang tatlong bruha"Sinabi ng wag nyo kong kausapin diba?"-ako.
"Galit ka pa rin ba bes?"-Janice
"Ba't ayaw mo bang maniwala?Sinundan ka naman namin tlaga kanina e"-Cass.
"Oo nga.Ang kaso nga lang KASI YUNG ISA DYAN TATANGA TANGA.Bababa na lang ng hagdanan natapilok pa kaya ayun.Hindi na kami nakaabot para tulungan ka"-Janice
"Maka tanga ha.Ginusto ko bang matapilok?!"-Shay.Nakabalot ng benda ang paa nya.
"Nauna pang dalhin sa clinic kesa kay Jeno e.Kainis"-Cass.
"T*ngna.Sa susunod nga wag ka ng mag sapatos ng may heels.Jusko ano ka rarampa?"-Janice.
"Oo na kasalanan ko na nga diba?Hampas ko sayo tong heels ko ng matahimik ka dyan e"-Shay.
"Sa inyo kong tatlo hahampas yang heels na yan pag di pa kayo tumigil"-banta ko sa kanila.
Natahimik naman sila.Buti naman.
"Ano bang nangyari kanina?Parang sobrang laki naman ng kasalanan ni Jeno para bugbugin sya ng ganyan"-Shay.
"Oo nga.Mga siraulo talaga yun.Ang yayabang kahit kelan"-Janice.
"Kala mo kung sino.Sarap resbakan"-Cass.
Naalala ko tuloy yung nangyari kanina.
"Ang kapal ng mukha mong bastusin ang girlfriend ko!"
Bigla sumagi ulit sa isip ko ang sinabi ni Andre kanina.
Na binastos daw ni Jeno ang girlfriend ni Andre kaya ito nagalit.
Totoo kaya?
Sinong girlfriend naman ang tinutukoy nya?
E kung itanong ko kila Janice?
Baka kilala nila.
Napatingin muna ako kay Jeno bago umalis sa tabi nya at lumapit sa kabilang bed kung nasan sila.
"Oy"-tawag ko sa kanila"Kilala nyo ba yung girlfriend ni Andre?Yung from section Zeus?"-tanong ko.
Tumango naman si Janice"Ang alam ko yung classmate nyang si Kelly ang Gf nun.Pero hindi ko lang sure kung sila pa rin e.Paiba iba Gf ng hayuf na yun"-Janice.
"True.Ang alam ko rin si Kelly e"-Cass.
"Oo sya pa din.Kagabi lang nag-upload sila sa fb ng pic na magkasama e.Bakit mo pala natanong?"-Shay.
"Sa tingin ko kasi yun Kelly na yun ang may dahilan kung binugbog ni Andre si Jeno"-sabi ko.
"Ay weh?"-Janice.
"Talaga?"-Shay.
"Huh?"-Cass.
"Ang sabi kasi kanina ni Andre kay Jeno.Ang kapal daw ng mukha nito na bastusin yung gf nya"-Ako.
Nanlaki naman ang mata nila.
"ANO?!"-silang tatlo.
"Shhhh!Wag kayong maingay"-saway ko at napatingin kay Jeno.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kong mahimbing pa rin syang natutulog.
"Hala.Totoo ba yan?"-Shay.
"Malay ko.Gusto ko ngang makausap yang Kelly na yan e.Pakiramdam ko may mali"-Ako.
Pakiramdam ko talaga ay may mali sa nangyari kanina.
Ewan ko pero ang lakas ng pakiramdam ko.
"Talagang may mali"-Janice.
Napatingin naman ako sa kanya"Anong ibig mong sabihin?"-Ako.
"Hindi nyo ba alam?Malandi talaga ang babaeng yun.Lumalapit sa kung sa kani-kaninong lalaki"-Janice.
Napakunot ang noo ko at napaisip sa sinabi nya.
TEKA.
HINDI KAYA....
"Omg.Hindi kaya pinalabas lang ni Kelly na binastos nya ni Jeno at binaliktad ang sitwasyon?"-Cass.
"Hala baka nga!"-Shay.
WTF.
SABI NA.
MAY MALI SA NANGYARI KANINA.
Tumayo ako bigla"Dito lang kayo"-Ako sabay lakad palabas.
"Huy san ka pupunta?!"-Cass.
"Bes balik dito!"-Shay.
"YAH!PARIS!"
Hindi ko sila pinansin at tuluyang lumabas ng kwarto.
Sorry guys pero...
MAY KAILANGAN AKONG KAUSAPIN.
++++++
To Be Continue...
BINABASA MO ANG
❄THE FANGIRL AND THE ANTI-FAN ❄
Teen FictionStorya ng isang Fangirl na sa hindi inaasahang pangyayari ay magkakagusto sa isang... Anti-Fan? . . . . Sundan ang storya nina Jeno at Paris at ang walang sawang bangayan na nauwi sa pagmamahalan. ++++++ WARNING : PLAGIARISM IS A CRIME. Credits to @...