Paris's Pov
"Dahan dahan"-sabi ko habang inalalayan kong maglakad si Jeno palabas ng clinic.
Pauwi na kami ngayon.
"Ayieee enebeyen kenekeleg eke"-Shay.
"Ikaw lang ba?Baka naman pati yung ISA DYAN kinikilig na rin"-Janice.
"Ay kilala ko yun.Nasa harap ba natin?"-Cass.
Nilingon ko sila at sinamaan ng tingin.Nasa likod namin sila ngayon at inaalalayan si Shay.
"Sge wag nyo kong tigilan mga hayuf kayo"-pabulong kong sabi sa kanila.
"Tss"
Nabalik naman ang tingin ko kay Jeno ng marinig ko sya mag 'tss'.Bahagya syang nakangiti.
"Anong ngini-ngiti mo dyan?Wag mo sabihing naniwala ka sa sinabi nila?"-ako.
Lumingon naman sya sakin"Wala akong sinabi.Ikaw lang nagisip nyan"-Jeno
"E ba't ngingiti-ngiti ka dyan?"-ako.
"Bakit masama?E sa masaya ako ngayon e."-Jeno
"May masaya bang nabugbog?Psh."-Ako.
"Wala malamang.Anong klaseng tanong yan?"-Jeno
"Yun naman pala,E bakit ang saya mo?"-ako
"Wala ka na dun"-Jeno
Napairap na lang ako.
Taeng to.
Napaka arte.Di pa sabihin.
"Edi wag.Arte mo.Psh"-sabi ko
"Gusto mo bang malaman?"-Jeno
"Wag na.Ano napilitan lang?"-ako.
"Makasabi ka ng maarte e ikaw din pala.Tss"-Jeno
"Kfine"-ako.
"Galit na naman.Sasabihin na nga e"-Jeno
"Wag na"-ako.
"Arte mo.Sasabihin ko na"-Jeno
"Wag na nga sabi-----"
"Masaya lang ako kasi nandyan ka sa tabi ko"-Jeno.
"KYAHHHH!!"-sigaw nung tatlo.
*Tug Tug Tug Tug Tug Tug Tug Tug
Tug Tug Tug Tug Tug Tug Tug Tug*Halos magkarerahan sa bilis yung tibok puso ko ng marinig ko yung sinabi nya.Napalunok tuloy ako at napiwas ng tingin ng maradaman kong nag init ang mukha ko.
Ewan ko pero t*ngna.
Kinilig ako sa sinabi nya.
OMYGHAD ANONG NANGYAYARI SAKIN?!!!
"Take my hands now,you are the cause of euphoria~"-rinig kong kanta nung tatlong bruha sa likod.
Hindi ko na lang sila pinansin.
Pagpatuloy lang nila.Humanda sila sakin bukas.
"Salamat pala kanina.Hindi ko inaasahan na dadating ka.Pero sana wag mo ng uulitin yun.Delikado.Ayokong mapahamak ka.Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyari sayo kanina"-Jeno.
*Tug Tug Tug Tug Tug Tug Tug Tug
Tug Tug Tug Tug Tug Tug Tug Tug
Tug Tug Tug Tug Tug Tug Tug Tug
Tug Tug Tug Tug Tug Tug Tug Tug*Jusko po.
Kumalma ka oy!
"*ehem*Andito na pala tayo"-sabi ko ng makalabas na kami.
May napansin kaming color black na sasakyan.Andito na pala yung sundo ni Shay.Bumukas ang pinto at lumabas yung driver nila.Inalalayan naman sya nung dalawang bruha papasok.
"Oy sumabay na kayo-------"-Shay.
"Omg!Tara na daw guys"-si Janice sabay pasok ng kotse.
"Lezz go lezz go"-si Cass sabay pasok ng kotse.
Ang kakapal talaga ng mga mukha.
Kotse nyo?
"Oy Paris!Ano na?"-Cass.
"Kunyari pa tong bruhang to gusto din namang sumakay"-Janice.
Sinamaan ko sila ng tingin"Wow.Di nyo ko katulad no------"
Nagulat ako ng biglang umalis sa tabi ko si Jeno at naglakad papunta sa kotse nila Shay.
T*ngna iniwan ako mag isa sa labas.
"Kuya tara na.Iwan na natin to"-Shay.Bigla namang umandar yung kotse.
"WAIT!"-sabi ko at binuksan yung pinto ng kotse sabay pasok.Umandar din ito agad.
"Arte mo te.Nakakaganda?"-Janice.
"Letse"-Ako.
Ganto ang pwesto namin.
Driver Shay
Cass/Janice/Jeno/akoPutspa ang sikip T.T
Apat ba naman kaming magsiksikan at dikit dikit.
I need space(Huwaw)
Bigla namang lumingon si Shay"Kamusta kayo dyan?"
"Eto buhay pa"-Janice.
"Keri lang bes"-Cass.
Lumipat naman ng tingin si Shay sa pwesto namin"Kayo dyan------Ay omg.Magkatabi pala sila"-Shay.
Ng dahil sa sinabing yun ni Shay ay nagkatinginan kami ni Jeno.
And wtf.
Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.
Agad naman akong napaiwas ng tingin.
Bwisit ka talaga Shay.
"Lah bes"-Shay.
Nilingon ko naman sya"No?"-masungit kong tanong.
"Naiinitan ka ba?"-Shay.
"Hindi.Naka aircon tayo ba't naman ako maiinitan?"-ako.
"E bakit parang...namumula ka ata?"-Shay.
"Ay tingin"-Cass at sinilip ako"Ay pusang gala oo nga"
"Bayan bes.Masyado kang obvious a"-Janice.
Napatalikod na lang ako sa kanila dala ng kahihiyan.Nakaharap ako ngayon sa bintana.Napapikit na lang ako sa inis.
OMYGHAD.
IBABA NYO NA KO.
++++++
To Be Continue...
BINABASA MO ANG
❄THE FANGIRL AND THE ANTI-FAN ❄
Teen FictionStorya ng isang Fangirl na sa hindi inaasahang pangyayari ay magkakagusto sa isang... Anti-Fan? . . . . Sundan ang storya nina Jeno at Paris at ang walang sawang bangayan na nauwi sa pagmamahalan. ++++++ WARNING : PLAGIARISM IS A CRIME. Credits to @...