Chapter 5: Bar

163 10 4
                                    

Badjao's POV!!

(A/N: hello sa mga nagmamahal kay Badjjj!!)

Bumalik na rin kami agad sa room namin. Nakakatakot. Feeling ko anytime mahuhuli kami ni Rylie.

Hapon na rin.

Or should I say gabi na? Anong oras na nga ba? Medyo nalilibang kasi kami sa pagkain habang nanonood.

7pm na pala, so gabi na.

Etong si Unique kasi pinakita samin kanina yung library at nagkwento din sya about sa nakita nya non.

Eto namang si Ter, yung pagkain agad ang nakita. Heto tuloy, dinala nya yung buong jar ng chocolates dito sa kwarto namin habang nanonood kami. Nagdala din sya ng isang galon na gatas.

Ganyan yan si Ter, pag pagkain na ang usapan, nawawala na sa katinuan. Parang bata na sabik sa pagkain. Favorite nya kasi yung sweets. Pinaka childish yan sa amin.

Nanonood lang kami ng horror films.

"Ay P*taaa!" Eka ni Zild nung nagulat ng biglang may nag pop up sa screen na multo.

"HWAG KANG MAGMUMURA!" eka ni Ter.

"Sorry na nagulat lang." Sabi ni Zild.

Nakailang films din kami.

"Bat parang di ko napansin na pumasok si Rylie sa kwarto nya?" Sabi ni Unique. Kanina pa tumitingin tingin si Unique sa kwarto ni Rylie.

"Anong oras na?" Tanong ni Unik

"Ahmn, 11pm na" sagot ko.

"Guys baka naman nag out of town sya? Remember? Model sya diba, syempre minsan malayo yung lugar ng pictorial nya." Sabi ni Ter.

Baka nga.

Hinayaan na namin.

Nanood na lang ulit kami.

Pamaya maya biglang may kumakatok nanaman sa pintuan namin.

Pagbukas namin ng pinto, yung yaya nya.

"Guys!! Help!! Come on!!" Sabi ng yaya nya.

Napasunod kami agad.

"Ano pong nangyare?" Tanong agad ni Unique at Blaster.

"Basta sundan nyo ko." Sabi ng yaya nya.

"Sino sa inyo marunong magdrive ng kotche?" Tanong ng yaya nya.

"Ako po. Bakit po ba?" Tanong ni Zild.

Halatang halata na may tensyong nangyayare. Wala kaming kaalam alam kung ano ba yung nangyayare.

"Ano ho ba yung nangyayare? Ipaliwanag nyo ho sa amin." Eka ni Ter na parang napipikon na.

"Kinakabahan ako wait wait." Eka nung yaya ni rylie at saka sya nag inhale at exhale.

"Si Rylie kasi nasa Bar. Tapos ano.. Ano.. Nagsend sakin ng picture yung nanligaw sa kanya dati na binusted ni Rylie, katabi nya sa kama. Jusko loorddddd!!! Baka kung ano ng ginawa ng tarantadong yon sa alaga ko!!!!" Sabi ng yaya nya na halos gulu guluhin yung buhok.

"Okay tara na ho, saan ho ba yong bar na yon? Akin na po yung susi." Sabi ni Zild.

Sumakay na kami sa kotche lahat, or should I say SUV.

Pamaya maya ng makarating na kami sa Bar, naghiyawan lahat nung nakita kami.

"GUYSSSS!!! OMG NANDITO YUNG IV OF SPADESSSS!!!! MAY GIG BA SILA DITO TONIGHT????" sigaw ng isang babae sa mic.

Natahimik ang lahat.

"Saan natin hahanapin dito yon? Sobrang luwang at ang ingay pa." Sabi ni Ter na sobra ng naiinis sa nakikita nya.

Si Unique naman, agad na tumakbo at umakyat sa stage.

"Kakanta ho ba kayo ngayon?" Tanong ni ate girl.

Hiniklat agad ni unik yung mic.

"Good evening po sa lahat, may hinahanap lang ho kaming babae. Rylie po yung name. Sa nakakaalam po sana kung nasan sya please pakituro po sa amin. Salamat mga b." Sabi ni Unik.

"Nandito sya!!" Sabi ng isang babae na sobrang kilig na kilig nang makita kami.

Tinuro sa amin yung kwarto na maliit.

Tumakbo agad kami at saka namin nakita si Rylie na nakahiga.

"Anong ginawa mo sa alaga koooooo!!!!!!!!!!!??????" Sigaw ng yaya ni Rylie at saka nya pinaghahampas yung lalaki.

"Halaaaaa! Easy okay easy. Lasing na lasing sya kanina kaya inihiga ko na muna sya dito. Wala po akong ginawang masama sa kanya. Pwede nyo na ho syang iuwi." Sabi ng lalaki.

"Sya ho yung anak ng may ari ng bar na ito." Sabi ng isang babae.

"Wala kaming pake kung anak pa yan ng presidente!" Sabi ni Unik na halatang galit na.

Si Zild na yung bumuhat kay Rylie habang nakaalalay yung yaya nya at si Unik.

"Oras na malaman ko na may ginawa ka kay Rylie, magtutuos tayong muli." Sabi ni Unique.

"Magtago ka na." Sabi naman ni Ter.

Pagkauwi naminsa bahay, nagulat silang lahat sa nakita nila.

"ANONG NANGYAREE???"

"What happeneddddddd???!!"

"JUSKO POOOO!!"

ini akyat na namin si Rylie sa taas. Sumunod naman yung buong team sa kwarto.

Inihiga na ni Zild si Rylie sa kama.

"Ano ho bang nangyare?" Tanong ni Tita coco.

"Malaki ho kasi yung problema ni Rylie sa buhay." Sabi ng yaya nya.

"Ano nga ho yung problema na yon?" Tanong ni Tita Coco.

Biglang gumalaw ni Rylie sa pagkakahiga.

"Yaya ang init, nahihilo ako.." Sabi ni Rylie at saka akmang tatanggaling yung pagkakabutones ng blouse nya.

Nagtakip naman kami lahat ng mata.

"Okay okay, hayaan na natin sya. TEAM! balik na tayo sa room, si Yaya na mag aalaga sa kanya." Sabi ni Ter.

//

A/N

Ano kaya talaga yung problema?

hula hula!!

Pls voteeeee

~kim

Living with IV of Spades [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon