Chapter 15: Angel

107 6 2
                                    

Rylie's POV

Hindi na ko pinansin ni Unique simula nung umamin sya sakin at nireject ko sya.

Hindi naman sa ayaw ko sa kanya. Pero parang wala naman kasi akong feelings for him.

Nakokonsensya ako.

Nakakahalata na silang lahat na may problem sa pagitan namin.

Si Tita Coco nag apologized na rin sakin, ganyan daw talaga si Unique  kapag nasasaktan. Kinausap na rin daw nya yung anak nya at sinabi na magmumove on na raw ito sa nangyari kaya siguro hindi ako pinapansin para siguro makalimot na sya.

Pamaya maya may kumakatok sa pintuan ko.

"Come in." Sabi ko.

Pagkita ko, si Zild,Badj at Ter pero wala si Unique, as usual.

"Ano game ka na ba?" Sabi ni Ter.

"For what?" Tanong ko.

"Tignan mo to ang bilis makalimot." Sabi ni Zild.

"Seriously, i have no idea." Sabi ko sabay tawa.

"Nakakatampo to." Sabi ni Badj.

"Nakalimutan mo na ba?" Tanong ni ter.

"Well, siguro nga nakalimutan ko." Sabi ko.

"Mall show na namin later!!" Sabay sabay nilang sabing tatlo.

"Omg! Oo nga pala. Kaso..." Sabi ko.

"Kaso? May lakad ka mamaya?" Tanong ni Zild at saka sila biglang nalungkot.

"Wala naman. Kaso ang awkward kasi kung sasama ako. Baka magalit si Unique." Sabi ko.

"Bat naman sya magagalit?  Sinabi na namin sa kanila kanina lang na isasama ka namin." Sabi ni Zild.

"Wala akong kasama. Syempre tutugtog kayo. Wala akong kasama manood. Baka awayin ako ng mga fans." Sabi ko.

"Don't worry. Darating mamaya si Gelo, ipapakilala ka namin sa kanya. Mabait yun sobra." Sabi ni Badj.

"Okay! Sige gagayak na ko. Matagal kasi akong gumayak e." Sabi ko.

"Sige gagayak na rin kami. 2pm naman na rin. Sila Daddy A kasi naliligo na ngayon at mahirap daw magsabay sabay sa CR." Sabi ni Badj.

"Okay see you later." Sabi ko sa kanila.

//

Gelo's POV

(a/n: uy si Gelooooo!!")

Nakarating na ko sa wakas sa Mansion. Grabe sobrang laki pala! Parang gusto ko na rin ditong tumira ah. Hmm? Tingin nyo? Pilitin ko kaya si ter?

Pinagbuksan na rin ako ng gate ni Zild. Sya kasi yung kachat ko, naliligo daw kasi si ter.

"Welcome back!" Sabi sakin ni Zild.

"Ganda pala dito no? Mag vvlog muna ako ha? Sige na gumayak ka na Zild. Susunod na lang ako sa loob." Sabi ko.

ORAYT! VLOG IS LIFE!

"Libutin mo lahat ng sulok at walang magbabawal sayo. Kahit sa loob hige Go!" Sabi sakin ni Zild habang naglalakad sya papasok.

Teka pano ko ba sisimulan yung vlog ko?

"Goodmorning guys! So andito ko ngayon sa Mansion na tinitirahan ng IV OF SPADES ngayon. Ayan oh... Makikita nyo sa likod ko kung gano kalaki yung mansion nila..." Sabi ko at saka ko pinakita yung mansion.

Living with IV of Spades [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon