Chapter 6: Issue

144 8 1
                                    

Badjao's POV

"Boyyyssss!! Ano bang nangyare???" Tanong ni Paps.

"Paps pano kasi yung yaya nya humingi lang ng tulong sa amin." Sabi ni Zild.

"Hindi yun yong tinutukoy ko. Ano to??" Sabi ni Paps sabay pakita sa amin ng videos ni unique na sinagot si ate girl, tapos yung pagbabanta ni Ter at Unique sa lalaking kesyo anak daw ng may ari ng bar.

"Sorry Paps, di ko lang talaga napigilan galit ko" sabi ni unique.

"Sorry paps." Sabi ni Ter.

"At bakit naman kayo umabot sa puntong ganon? Ano bang pake nyo kay Rylie at kaya nyong isakripisyo yang image nyo?" Tanong ni Paps.

Tumingin si Ter kay Unique na tila naghahanap din ng sagot, samantalang si Unique naman ay nakayuko lang.

"Ayoko ng mauulit to ha? Hwag nyong pakealaman yang buhay ng batang yan, iba kayo." Sabi ni Paps.

"Yes Paps, di na mauulit." Sabi ni Ter.

"Aba dapat lang. Sige na magpahinga na kayo." Sabi ni Paps.

Natulog na rin kami agad.

***

(kinabukasan)

"Boys!" Gising ni Paps.

Sabay sabay kaming nagising.

Si ter gulo gulo pa yung buhok na kala mo tinangay ng hangin.

Si Unique naman parang kinuryente yung buhok.

Si Zild naman, ayon kulot pa rin.

Ako? Eto gwapo. HAHAHHA

"San punta nyo Paps?" Tanong ni Zild.

Napansin namin na lahat sila nakagayak na.

Pagtingin ko sa orasan ko 6am pa lang.

"Pupunta kami sa Cabanatuan, mag aayos kami about sa gigs nyo na magaganap dun." Sabi ni Paps.

Pamaya maya, umalis na rin silang apat, si Tita Coco, si ate Bel, Si Paps at si Daddy A.

Ng makaalis na sila bumaba na kami para kumain ng breakfast sa baba.

"Thank you pala kagabi." Sabi ng yaya ni rylie.

"Wala ho yun." Sabi ni Zild.

"Nasan po pala si Rylie?" Tanong ni Unique.

"Nasa kwarto nya. Ah... Nga pala, punta daw kayo sa room nya after nyo daw kumain. Hinatidan ko na lang sya ng breakfast kanina." Sabi ni Yaya.

"Hala bakit?" Tanong ni Zild.

"Kinakabahan ako bat ganon?" Sabi ko.

Si Ter naman sobrang busy sa pagkain. Halos umapaw yung plato nya.

"Ter yung tiyan mo." Sabi ni Zild.

"Hayaan mo ng tumaba, at least busog." Sabi ni Ter.

Si Unique naman nagcecellphone nanaman. Mahilig mag browse yan si Unik.

"Ang babait pa rin ng mga fans natin." Sabi ni Unique.

"Bakit?" Sabi ni ter.

"Abay imbis na ibash tayo about nga sa nangyare kagabi, natuwa pa sila. Eto yung caption oh." Sabi ni Unique.

"Yung lalaking handa kang ipaglaban.."

"Swerte naman ni Rylie."

"Sino si Rylie? Pinsan ng isa sa kanila? Kamag anak? Or what? Friend? Guysss help!"

"Guys look! Eto si Rylie. Model pala ng ibat ibang fashion magazine."

"grabe turn on na ko kay unique."

At madami pa...

"Madami nanamang new memes yan." Sabi ko.

"Baka naman ma TV Patrol pa tayo ng dahil lang dyan?" Sabi ni ter. Hindi ko alam kung biro ba yon o seryoso sya don.

"Nako, natatakot ako baka pag fiestahan ng fans natin si Rylie. Magagaling mag stalk yung mga fangirl akala nyo ba halos 1hr lang, nahalungkat na nya buong buhay mo." Sabi ni Zild.

"Ano namang mauungkat nila? Eh puro magaganda pictures ni Rylie panigurado dahil model sya. Saka ano namang pake nila sa buhay ni Rylie? Ano huhusgahan nanaman nila yung tao? Ganyan yung ibang fans e, toxic masyado." Sabi ni Unique.

"Ang hirap din pala ng ganitong buhay. Bawat galaw mo may nasasabi sila." Sabi ni ter.

Nang matapos na kami, umakyat na kami sa taas para puntahan si Rylie.

//
A/N:

Mga mamsh wag kayong malilito sa mga POV ha? Paiba iba kasi yung POV per Chapter. Hehehe

Ano kaya yung sasabihin ni Rylie? Bat kaya pinatawag yung IV of Spades?

Vote and comment!!!!

Support naman dyan mga mamsh!!

~kim

Living with IV of Spades [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon