Chapter 13: Give up

108 6 0
                                    

Blaster's POV

Tahimik pa rin si Unique hanggang sa makarating kami sa bahay.

Dumerecho agad sya sa taas.

"Magluluto na muna ako. Tulungan ko lang si Aling Carmen- yung cook natin." Sabi ng yaya ni Rylie.

"Anong nangyare kay Unique?" Tanong ni Rylie at saka naming kinwento yung lahat ng nangyare nung panahong wala syang malay.

Walang masabi si Rylie.

"Ngayon lang namin syang nakitang ganun." Sabi ko.

"Alam mo na siguro kung bakit sya ganun.." Sabi ko.

Napatingin sakin si Zild at Badj.

"Ha? Hindi ko kayo maintindihan." Sabi ni Rylie.

"Writer ka Rylie, imposibleng hindi mo alam pag ganyan na yung nagiging aksyon ng isang lalaki." Sabi ni Zild.

"Kausapin mo sya." Sabi ni Badj.

"Sige mamaya after ng dinner." Sabi ni Rylie.

Umakyat na rin muna si Rylie sa room nya.

"Bakit mo pinangunahan si Unique?" Sabi ni Zild sakin.

"Hindi ko rin alam bat ko nasabi yun." Sabi ko.

"Akala ko ba may feelings ka para sa kanya?" Tanong ni Badj sakin.

"Siguro nga paghanga lang yun. Pero na realized ko kasi na mas deserving si Unique. Mas kaya nyang ipagtanggol si Rylie. Suko na ko. Siguro nga dapat lang na maging loyal na ko kay Crys. Lahat ng babae deserve ng loyal na guy. This time, i will be." Sabi ko.

"Saka mahirap din kung bigla kong susukuan si Crys. Alam kong hindi rin yun magugustuhan ni Rylie. Kaya ititigil ko na tong nararamdaman ko." Sabi ko.

"WOW! Totoo ba yan ter?" Sabi ni Zild.

Tumango ako.

"Congrats!" Sabi ni Zild sabay tapik sa balikat ko.

/

"GUYS!! KAIN NAAAA!" Sigaw ng yaya ni Rylie.

Nagpunta na kaming buong team sa kusina para kumain.

"Nasan yung anak ko?" Tanong ni Tita Coco.

Tumingin sa amin si Rylie.

"Ay Tita, nauna na syang kumain kanina. Nasa library ata sya ngayon nagbabasa." Sabi ni Zild.

"Ay ganun ba?" Sabi ni Tita Coco sabay kain ulit.

After naming makakain,

"Rylie, time mo na to, puntahan mo na sya sa Library. Mag usap na kayo. Kung ayaw mo sya, then reject him. Pero kung gusto mo rin sya, well... ano pang hinihintay mo?" Sabi ni Zild.

"Hindi ko sya gusto pero hindi ko rin sya ayaw. Ewan, ang gulo. Hindi pa ata ako ready." Sabi ni Rylie.

"Then simply reject him. Kaysa umasa yung tao diba?" Sabi ni Badj.

"Ayoko syang masaktan." Sabi ni Rylie.

"Mas okay ng masaktan sya sa katotohanan kaysa paniwalain mo sya sa kasinungalingan na gusto mo sya." Sabi ni Badj.

"Hindi naman sa ayaw ko sya." Sabi ni Rylie.

"Do whatever you think is right." Sabi ni Badj.

"Okay.." Sabi ni Rylie at saka sya umakyat sa taas para kausapin si Unique.

//

A/N

Sorry medyo short tong chapter na to.

VOTE NA MGA MAMSH!!!

~kim

Living with IV of Spades [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon