Chapter 22: Visitor

83 6 0
                                    

Badjao's POV

Nandito kami nila zild at shanne sa kabilang kwarto, binabantayan namin yung daddy ni Rylie na wala pa ring malay hanggang ngayon.

Medyo OP lang ako sa dalawa kasi sila lang halos magkausap. Si Aimee kasi hindi pwedeng dumalaw dito at malayo yung sa kanila. Nakita ko naman sya nung last Mall Show namin kaya ayos na kako yun.

Pamaya maya biglang pumasok sila Ter ,Chy at Gelo.

"Guys oh, kumain muna kayo." Sabi ni Gelo sabay abot sa amin ng pagkain.

"Salamat." Sabi namin.

"Ano na bang lagay ni Rylie?" Tanong ko.

"Tara nga sa room nya kahit saglit lang." Sabi ni Zild.

"Sige tara at ibibigay ko rin yung pagkain ni Unique. Mag-isa lang syang naiwan dun." Sabi ni Gelo at saka kami sabay sabay na lumabas.

Pagpasok namin nagulat kami ng makita namin si Unique na nakaupo sa bangkuan sa gilid ng kama ni Rylie habang nakahawak sa kamay nito.

At nagulat din kami ng makita namin si Rylie na gising na.

"Rylie!" Sigaw ni Gelo at saka nya ito niyakap.

Ngumiti ng kaunti si Rylie sa kanya.

"Buti at gumising ka na!!" Sigaw ni Gelo na medyo naiiyak iyak pa.

Napapangiti na rin kami dahil gising na si Rylie.

Bigla ding dumilat si Unique at nang makita nyang nakatingin kami lahat sa kanya, binitawan na nya yung kamay ni Rylie.

"Get well soon." Mahinang sabi ni Unique kay Rylie.

Nakapalibot kami sa kama ni Rylie except kay Shanne at Chy na nagbabantay ngayon sa kabilang room.

Nagsasalita na rin si Rylie pero hindi ganong mabilis at malakas.

"Where's Dad?" Tanong nya.

Nagtinginan kami. At saka namin kinuwento lahat din ng nangyari at sinabi ng kanyang daddy nung hindi pa sya nagigising.

Umiiyak lang sya.

Pamaya maya biglang pumasok si Chy at saka nya sinabi "Guys, dumating yung mommy ni Rylie, nasa kabila sya. Pupunta rin daw sya dito mamaya. Gising na din pala yung Daddy ni Rylie."

/

Nakauwi na rin si Rylie at ang kanyang daddy sa bahay nila kinabukasan ng bantang 11am. Naka wheel chair pa rin si Rylie.

At dahil hindi sya makakaakyat sa kwarto nya, sa sala si Rylie matutulog. Bumili lang yung daddy nya ng medyo maliit na kama.

Nandito kami lahat sa sofa sa sala para samahan si Rylie.

Yung parents pala ni Rylie kakaalis lang din.

Maayos na sila. Mas okay pa sa okay. Nagkalinawan na rin sila at nagkapatawaran. Nag quit na si Rylie as Model kagaya ng gusto nya. Mas pagbubutihin na lang daw ni Rylie ang pagsusulat at pagpipinta.

"RYLIEEEE NANDITO SI ALLEN!" Sigaw ng yaya ni Rylie na parang nakakita ng maligno.

Agad kaming napalingon.

"ANONG GINAGAWA NYAN DITO?" Tanong ni ter.

"Blaster!" Saway ni Unique.

"BAKIT??" Tanong ni Ter kay Unique.

"Hindi pa ba sayo malinaw? Kaibigan sya ni Rylie. Hayaan mo na." Sabi ni Unique.

"Wala pa rin akong tiwala sa kanya." Sabi ni ter.

"Ako rin naman." Sabi ni ter.

Tumabi sya sa higaan ni Rylie.

Binigyan sya ni Allen ng Roses at basket of fruits.

"Edi ikaw na mayaman." Sabi ni ter sabay irap.

"Mabubulok din yang bulaklak na yan." Sabi naman ni Unique.

"Mabubulok lang din yang mga prutas na yan" sabi ulit ni ter.

"PERO ANG PAGMAMAHAL KO AY DI MAGLALAHO." Sabay na sabi ni Unique at ter. At saka nila tinignan ang isa't isa.

"May the best man wins." Sabi ni ter na natatawa pa at saka sila nag handshake ni Unique as a deal.

"Walang samaan ng loob kung sino man ang pipiliin nya sa atin." Sabi ulit ni ter.

"Wow, kung may mapipili sa inyo. Eh mukang may nanalo na." Sabi ni Zild.

"Hindi ba parang rude naman ng ginagawa natin? Nakatingin tayo sa kanila kanina pa?" Tanong ko.

Si Chy at Shanne pala sabay rin na umuwi kanina.

Mga 4pm din nung umalis si Allen.

Pamaya maya may kumakatok nanaman sa pinto.

"WAG NYONG SABIHIN NA SI ALLEN NANAMAN YAN!" Sabi ni ter.

"GUSTO PA ATANG MAKITULOG." Sabi ni Unique.

Pagbukas ng yaya ni Rylie...

Bat nandito sya?

Nagulat kaming lahat.

Si...

Crys.

/

A/N:

Oops

Ano kayang mangyayari sa susunod?

What do you think guys?

Please vote mga mamsh!!

~kim

Living with IV of Spades [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon