Chapter 21: Since Day 1

93 7 0
                                    

Unique's POV

Umakyat agad si Daddy A sa taas para sabihan yung Daddy ni Rylie sa nangyare.

Pamaya maya sabay din silang bumaba.

"JUSKO HINDI KO ALAM KUNG ANONG GAGAWIN KO SA SARILI KO PAG MAY MASAMANG NANGYARI SA ANAK KO." Sabi ng Daddy nya.

Nauna na syang nagdrive papunta sa sinabing hospital sa Cabanatuan.

Kami naman sabay sabay kami sa loob ng Van. Nagsiksikan na kami sa loob lahat para lang makapunta sa hospital.

Pagdating naman sa emergency room, nakita namin yung Daddy ni Rylie na nakaupo sa gilid.

"Ano daw pong balita?" Tanong ni Paps.

"Madami daw dugo na nawala sa kanya. Marami din daw syang sugat sa katawan dahil sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ni Rylie. Tumaob daw yung kotche nya sa gawing bukiran. JUSKOOO YUNG ANNAAAAK KOO!!" Sigaw ng Daddy nya habang umiiyak ng sobra.

"Kaya nyo po yan. Ipapanalangin po natin sya." Sabi ni Daddy A.

After ng ilan pang oras, lumabas na rin yung doktor.

"DOC DOC ANO PONG LAGAY NG PASYENTE??" Tanong namin.

"Comatose sya pero medyo malaki yung chance nya na mabuhay. Pero...hwag tayong umasa dahil sobrang nabugbog yung katawan nya sa aksidente. First 24hours ay delikado, pwede syang mamatay kapag hindi sya nagising agad." Sabi ng doctor.

Agad na umiyak yung daddy ni Rylie sa nalaman.

Maski kaming lahat ay napapaiyak na rin dahil naging mabuti din si Rylie sa amin.

Kahit na nireject nya ko, hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya.

Nakakainis lang kasi ang sama ng pakikitungo ko kay Rylie neto, ni hindi ko sya magawang kausapin.

Sabay sabay na rin kaming nagpunta sa ICU.

Sobrang dami ng sugat ni Rylie sa katawan. Parang hindi ko kayang tignan.

Pamaya maya may mga dumating na din na mga media dahil nga sa nalaman nila na isa palang model ang naaksidente at sya pa si MSRY.

Galit na galit yung Daddy ni Rylie sa mga media na pilit nanghihingi ng kung anong kalagayan ni Rylie at bakit iyon nangyare.

Kami na mismo nagpaalis sa mga ito. Agad din naman silang sumunod.

Lahat kami ay nakatulala.

Walang gustong magsalita.

Lahat kami ay nakatitig lang kay Rylie.

Umaasa na bigla syang didilat.

Pero wala...

*riiiiiinnggg*

May tumatawag sa phone ni Daddy A.

"Hello" bulong lang ni Daddy A.

"Ay Oo nga pala, oh sige pupunta na kami dyan." Sabi ni Daddy A at saka na nya pinatay yung phone.

"Boys, mauuna na muna kami. May aasikasuhin pa kami sa Baler Aurora para sa next gig nyo. Samahan nyo na muna si Rylie at yung Daddy nya dito okay?" Sabi ni Daddy A.

Nagpaalam na rin sila sa Daddy ni Rylie na may pupuntahan sila. At saka na sila umalis.

Ilang oras na rin ang lumilipas pero hindi pa rin nagigising si Rylie.

Iyak pa rin ng iyak yung Daddy nya.

Ilang minuto lang ang nakalipas at biglang dumating si Chy at Shanne.

Niyakap agad ni Shanne si Zild.

"Kaya mo yan Unique.." Sabi sakin ni Chy.

Hindi ako kumibo.

"ANAAAAKKKK!! GUMISINGGG KA NAAAA!!" Sabi ng Daddy ni Rylie. 6hours na rin kasi ang nakalipas pero di pa rin gumising si Rylie.

"PROMISE ANAK PAGGISING MO, KAHIT MAG QUIT KA NA SA PAGMOMODEL PROMISE!! PAPAYAGAN NA KITANG MAGPINTA AT MAGING WRITER! BASTA ANAK GUMISING KA LANGGGG!" Hagulgol ng daddy ni Rylie.

Nagsisi iyakan na rin kami lahat dito.

Pamaya maya biglang nahimatay yung Daddy ni Rylie kaya nagsigawan kami at saka kami humingi ng tulong sa nurse.

Na confine yung daddy nya at pinunta sa kabilang kwarto. Nagprisinta sila Zild na sila na magbabantay nila Badj at Shanne sa kabila.

"Guys gusto nyo ba ng pagkain? May mall atang malapit dito, bibili na lang ako ng foods natin okay?" Sabi ni Gelo.

Sumama naman si Ter at Chy kay Gelo para daw may katulong sa pagbibitbit.

Naiwan ako dito kay Rylie. Pumunta ako sa tabi ng kama nya at saka ko hinawakan yung kamay nya.

"Kailan ka ba gigising?" Sabi ko.

"Namimiss ka na namin agad." Sabi ko.

"Sorry ha? Wala kami kanina para pigilan yung daddy mo sa pagsira ng mga paintings mo."

"Sorry din kung hindi namin napigilan yung daddy mo nung sinampal ka."

"Sorry din kung hinayaan ka naming umalis."

"Sorry kung hindi ka manlang namin sinundan."

"Sorry Rylieee... Sorry kung wala man lang kaming nagawa."

Tumutulo na yung luha ko.

"Sorry kung hindu kita pinapansin.."

"Sorry kung umiiwas ako sayo.."

"Sorry sa lahat rylieee..."

"Gumising ka na oh.."

"Diba ganito sa mga teleserye? Na kapag nagdrama ka na, pag umiyak ka na, biglang magigising yung pasyente? Igalaw mo na yung daliri mo oh." Pabiro kong sabi sabay iyak.

"Bihira lang akong umiyak Rylie." Sabi ko.

"Sayo lang ako umiyak. Ikaw lang yung babaeng iniyakan ko ng ganito."

"Mahal na mahal kita... since Day 1." Sabi ko.

/

A/N:

Kailan kaya gigising si Rylie?

PLEASE VOTEEEE!!

~kim

Living with IV of Spades [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon