Chapter 14: I like you

93 9 0
                                    

Rylie's POV

(A/N: Yes it's RYLIE's POVVVV!!)

pinihit ko na yung door ng library.

As expected, nakita ko si unique na nakahiga sa sofa habang nagbabasa ng libro.

*ehem* nagkunwari akong umubo para mapansin ni unique na may tao.

Pero mukang dedma lang sya.

Mygad pano ko ba to sisimulan?

Ayoko ng ganitong sitwasyon.

"Uhmm.. thank you." Sabi ko.

Hala? ano ba dapat sabihin?

Sinarado nya yung librong binabasa nya.

Tumingin sya sakin.

"Thank you nga pala kanina, pinagtanggol mo ko kay Allen..." Sabi ko.

"And that's my mistake. Right?" Tanong nya.

"Maybe? Pero wala ka naman kasing idea na friends naman kami at wala naman syang ginawang masama." Sabi ko.

Nakatitig sakin si Unique habang nagsasalita ako.

"I like you." Sabi ni Unique.

Seryoso sya nung sinabi nya yun.

Napakagat lang ako sa labi ko dahil hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko.

"Yes, totoo yung narinig mo. Gusto kita. Gusto kita Rylie." Sabi nya.

"Ahm.. ano kasi.. bakit mo ba ko nagstuhan?" Sabi ko na lang. Wala na akong ibang matanong.

"Actually, hindi ko rin alam. Marami akong fans dyan na magaganda, matatalino, talented, sexy, at mayaman. Like you? Pero sa dami nila, ikaw yung nagustuhan ko. Not because of your characteristic, but because you're strong. Bilib ako sayo. And maybe that's why I like you." Sabi nya.

"Ano kasi... pano ko ba to sasabihin... Ahm... masaya ako.. Na dumating kayo sa buhay ko, lalo ka na, kasi ikaw yung pinaka naka appreciate sa akin. I felt so loved nung dumating kayo.. pero...-

"Pero hindi mo ko gusto?" Tanong ni Unique.

Tumayo sya sa kinauupuan nya.

Napaatras ako ng konti.

"Hindi naman sa hindi kita gusto.." Sabi ko.

Unti unti syang lumalapit sa akin hanggang sa mapasandal ako sa pader.

"Tumingin ka sa mga mata ko." Sabi nya.

Tumingin ako sa mga mata nya.

Walang sign ng lungkot o galit o saya sa mga mata nya. Blangko ito. Tila ayaw magpakita ng totoong nararamdaman.

"Gusto kita. Gusto mo rin ba ako?" Tanong nya ulit.

Umiling ako as a sign na "hindi ko sya gusto"

"Okay." Simpleng sabi nya.

"Sorry?" Sabi ko.

"No, hindi mo yan dapat sabihin. Kasi hindi mo yan kasalanan. Sadyang nahulog lang ako sayo, and this is all my fault." Sabi nya.

Napakagat ulit ako sa labi ko.

"May iba ka bang mahal? Si allen ba?" Tanong ni Unique.

"Wala akong ibang mahal. Kaibigan ko lang si Allen." Sabi ko. Totoo yun. As in kaibigan lang talaga

"Well, good to know." Sabi nya.

Unti unti nyang inilalapit yung muka nya sa akin. Sheeeet hahalikan nya ba ko??

Malapit na magdikit mygadddd. Hindi ako makagalaw.. Bakit???

Huminto sya. Ilang centimeters na lang yung mga labi namin sa isa't isa. Naririnig ko na yung paghinga nya.

Nag smirk sya.

"Akala ko ba hindi mo ko gusto? Bat mo ko hahayaang halikan ka?" Tanong ni Unique at saka sya umalis.

Lumabas sya ng library.

MYGAAAADDDD!!! ANO BANG NANGYAYARI SAYO SELFFFF???

HINDI KO NAMAN GUSTO SI UNIQUE PERO BAKIT GANOOOON?

//

A/N

Uyyyyy! Swerte mo rylie huhu every fan ni unique yan yung pangarap HAHAHAHAHHAH

Please wait for the next chapterrrr!!

Mas maganda yung next chapter promise!!!

Please voteeeee!!!

~kim

Living with IV of Spades [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon