Chapter 3: Crying

166 8 1
                                    

Unique's POV

(A/N : Eheeeeeem, Okay, turn naman ni Unique)

After ng ilang oras na panonood, biglang may kumatok sa pintuan namin.

Yung mommy at daddy ni Rylie.

"Goodnight guys, ngayong gabi na yung flight namin. Pano ba yan? Katulad ng pinangako nyo samin, ingatan nyo sana yung kaisa isahang anak namin. Medyo masungit yan, pero once na nakilala nyo naman, mabait din naman. So... We're going na. Good luck IV of Spades!" Sabi ng mommy ni Rylie.

Grabe aalis na sila agad??

Hinatid namin sila sa labas manlang at tumulong kaming magkarga ng mga maleta nila sa van.

1am na.

"Nasan si Rylie? Hindi manlang sya nagpaalam sa parents nya? Eh diba minsan na lang sila umuwi?" Tanong ko.

"Isa lang ibig sabihin nun.." Sabi ni Zild.

"Na walang kwenta syang anak?" Tanong ni Badj.

"Masama syang anak?" Tanong ni Ter

"Basagulera?" Tanong ulit ni Badj.

"May problema sila sa isa't isa." Sabi ko.

"Nakuha mo. Eksakto!" Sabi sakin ni Zild.

"So ano naman yung problema na yon?" Tanong ni Ter.

"We will find out...soon." Sabi ni Zild.

Bumalik na kami lahat sa room namin. Nakahiga na silang lahat pati si Mama.

"Anak matulog ka na. Tabi na kami ni Ate Bel mo. Sige, kay Blaster ka na tumabi." Sabi sakin ni mama.

"Mamaya na ko matutulog Ma. Magbobrowse muna ako sa internet. Dun muna siguro ako sa baba." Sabi ko. Tumango naman si mama. Ayaw na siguro akong pilitin na matulog dahil pagod rin siguro sya.

Nasan kaya yung library dito?

Dun na lang siguro ako muna magsstay saglit.

Hindi ko alam, pero gusto ko lagi ng mag isa, kasi nakakapag isip ako ng mabuti.

Sa gawing dulo may natanaw akong maliit na room. Eto na siguro yung library. Pumasok na ko.

Hindi ganong malaki. Pero maluwang. May mga sofa din sa gilid para siguro sa mga nagbabasa.

May isang jar din na puno ng chocolates and candies.

G R A B E. WOW.

May ref pa dito na puno ng ibat ibang drinks.

Naghanap ako ng libro.

"Uy may complete series sila ng mga novels? Harry potter to ah."
Nagsasalita ako ng mahina.

Kinuha ko yung isang book at saka ako umupo sa isang sofa.

Matagal ko ng gustong basahin tong novel na to, kesyo magkamuka kami ni Harry ng salamin hehe.

Kumuha ako ng gatas sa ref habang nagbabasa.

Umupo na ko ulit sa sofa.

Ang lamig dito, naka aircon pa kahit walang tao.

Nakailang chapter din ako ng binabasa ng bigla akong makarinig ng ...

*sniff*

Ano yun?

*sniff* *sniff*

May umiiyak?

Walangya! May multo pa ata dito!!

*sniff*

Walangya!! May multooooo shemss!!!

Binitawan ko na agad yung librong binabasa ko at saka ako akmang tatakbo ng biglang may nagsalita,

"Gusto ko lang naman maging masaya!"

Si Rylie ba yun?

Napahinto ako sa pagpihit ng pinto.

Hinanap ko kung nasan sya.

Pasimple akong nagnakaw ng tingin, ayokong mahuli nya ako. Baka kung anong isipin nya.

Nasa pinakadulong sulok sya ng library. Nakasalampak sa lapag habang may bote ng alak sa tabi.

"Kawawa naman sya." Bulong ko.

Hinayaan ko na lang sya at dahan dahan akong lumabas ng library.

Meron pa lang ganun?

Na kahit anong yaman mo, may kulang pa rin. Kahit nasayo ang lahat ng kayamanan sa mundo, pero simpleng kasiyahan ni hindi mo kayang bilhin.

Mukang sobrang laki ng dalahin nya sa buhay pero kung tutuusin nasa kanya na halos lahat ng magagandang bagay sa mundo.

Maganda,Mayaman,Makinis,Matangkad,maputi,matangos ang ilong, Sexy pa, Model pa. Diba?

Wala talagang perpektong buhay.

//

A/N

Ang lungkot :(

Sorry na HAHHAHAHAHA

~kim

Living with IV of Spades [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon