Chapter 10: Hug

146 5 3
                                    

Unique's POV

sabay sabay na kaming naglalakad pabalik sana sa loob ng bigla naming nakita si Shanne sa labas ng gate.

"Babe.." Tumakbo agad si Zild para pagbuksan si Shanne ng gate.

Bakas na bakas yung pagkagalak sa muka ni Zild nung nakita nya at mayakap si Shanne.

Tumingin sa amin si Shanne.

Ngumiti kami. Pero nakasimangot lang si Shanne. Parang galit.

Nauna na kaming pumasok sa loob.

"Magbihis ka na Rylie." Sabi ko.

"Sige." Simpleng sabi ni Rylie at saka sya umakyat sa taas.

Umupo na lang ulit kami sa sofa.

"Ginabi naman ata ng dating si Shanne?" Tanong ni Badj.

"Kaya nga e." Sabi ni ter.

Pumasok na rin si Shanne at Zild at saka tumabi sa amin.

Si shanne nakasimangot.

Mukang nag away yung dalawa kanina sa labas.

After ilang minuto, bumaba na si Rylie sa hagdan habang kausap si Mama.

"Uy mukang close na sila ah." Sabi ni Badj.

"Buti naman" sabi ko.

"Mas maganda sya pag ngumingiti." Sabi ni ter.

"Oo nga." Pag sang ayon ni Zild at saka sya siniko ni Shanne.

lumapit sa amin si mama at si Rylie.

"Hi Shanne." Pagbati ni Rylie sabay ngiti sa kanya.

Napapangiti na rin ako pag ganung klaseng ngiti yung nakikita ko.

Umirap lang si Shanne.

"Babe!" Saway ni Zild.

"Shanne!" Sigaw naman ni Mama.

"May problema ka ba  Shanne kay Rylie?" Tanong ni Badj.

nalungkot si Rylie.

"Shanne be nice to her! Wala naman syang ginagawang mali sayo." Sabi ni mama which is tama nga naman.

"Wala??? Tita Coco halatang halata naman na inaagaw nya sa akin si Zild!!" Sigaw ni Shanne.

"Babe.." Bawal ni Zild kay Shanne.

"What? Wala akong inaagaw." Sabi ni Rylie na naguguluhan na.

"Wala? Wow. Eh halos akitin mo nga tong apat e!" Sigaw ni Shanne.

"Babe.. Enough! Please?" Sabi ni Zild na naguguluhan na rin.

"Wala akong inaakit!" Sigaw ni Rylie na punong puno na.

"Wala??! Eh ano yung nakita ko kanina?? Naka two piece ka pa!" Sigaw ni Shanne.

"Naka two piece sya dahil model sya ng Metro Magazine shanne!" Sabi ni Tita Coco.

Natahimik si Shanne.

"Pictorial nila babe kanina. Nanood lang kami." Sabi ni Zild.

"Bat kailangan mo pang manood?! Alam mo na ngang ganun yung suot nya!" Sabi ni Shanne.

"Sorry babe.." Sabi ni Zild.

Ayaw nang magsalita ni Zild para hindi na lumala yung away.

"Sorry Shanne, mukang ako pa ata magiging dahilan ng pagkasira ng relasyon nyo." Sabi ni Rylie at saka sya umakyat ng hagdan papunta sa kwarto nya.

Living with IV of Spades [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon