Please read the MUST READ part kung hindi mo pa nabasa. Thank you!
Entry #1
"Lala! Ano ba?! Bumangon ka na nga d'yan!" Boses pa lang kilala ko na kung sino. Wala naman kasing ibang mabunganga dito sa bahay kundi ang nanay ko. Syempre wala rin namang ibang sisigaw dahil siya lang naman kasama ko sa bahay.
Matagal na kaming iniwan ng tatay ko. Ang kwento sa akin ni mama noon ay ipinagpalit siya sa malapit, at syempre sa may malaking papaya sa harap. Papaya raw iyon sabi niya dahil ipinagpalit daw siya ng ama ko sa may lawlaw na harap. Tawang-tawa pa ako sa tuwing sinasabi niya sa akin 'yan.
Kaya dapat daw thankful ako na wala akong harap kaysa naman daw matulad ako sa babaeng 'yon na lumalawit daw everytime.
Pero kahit ano namang sabihin ng nanay ko ay labas din agad sa kabilang tainga ko. Ako si Lala Kongbra kaya 'di na ko kailangang pangaralan sa mga ganyan bagay. Hinaharap lang pala e, expertise tayo dyan.
'Di ba galing ko talaga sa grammar?
"Hindi ka talaga babangon?" tanong ni Nana Sabel. 'Yan talaga tawag ko sa nanay ko. Wala naman siyang magawa dahil puputi lang daw ang buhok niya sa kili-kili kakasaway sa akin sa tuwing tinatawag ko siyang Nana Sabel. Isabel talaga ang pangalan ni mama pero ang bantot kasi sa dila kapag sinasabi.
"Ito na po."
"Ito na po ito na po ka d'yan tapos 'di ka pa rin gagalaw!" Kita niyo puro bunganga na lang lagi.
"Totoo na 'to Nana Sabel!" sigaw ko. Baka mamaya 'di niya pa marinig. Sabihin nanaman niya na hindi ako sumasagot kapag tinatawag ako.
"Dalian mo. Excited na raw pumasok 'tong tuko dito sa baba." Napabalikwas agad ako mula sa higaan nang marinig ko ang tuko. Dali-dali akong lumabas ng kwarto para yakapin ang babaeng 'yon.
Nakangiti si Rita sa akin habang nakataas ang dalawa niyang kamay sa ere. Handa na niya akong yakapin kaya tumakbo ako palapit sa kaniya.
"Yakapin mo ko tuks!" sambit ko.
Niyakap ko siya ng mahigpit. Ang nag-iisa kong kababata na walang ginawa kundi sundan ako. Dahilan kung bakit tuko ang tawag sa kaniya. Sino siya? Walang iba kundi Rita Maligaya. Ang bantot din ng pangalan. Kasing bantot ng nagpangalan sa kaniya. Syempre joke lang.
"Tama na 'yan. Dumidikit na 'yang dalawang alaga mo sa akin. Nagkakasala na ako." Tinignan ko siya ng masama. Mang-iinis na naman lang siya sa akin.
"Makaasta ka naman na nagsusuot ka ng bra kapag natutulog."
Ngumiti siya. "Hindi pero hindi naman ako tulad mo. 'Di na nagsuot ng bra ever since."
"Diyan ka na nga." Tinalikuran ko siya at naglakad papunta sa kwarto ko para maligo.
"Asar talo." Tawang-tawa na naman siya. Bagay talaga sa kaniya ang apelyido niyang maligaya. Mukha na siyang shunga dahil lahat na lang tatawanan niya. May saltik ba.
BINABASA MO ANG
Diary ng NBSB: No Bra Since Birth
HumorMasaya sa simpleng buhay si Lala Kongbra Pangsusoko. Malayo sa nakasanayang buhay ng ibang babae na walang ibang ginawa kundi magpaganda, maghanap ng jowa, magshare ng memes at magrant sa mga nangyayari sa paligid. Gayunpaman, hindi mawawala sa buha...