Entry #5

421 36 16
                                    

Entry #5

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Entry #5

Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman ko ang mainit na feeling sa balat ko. Napatingi ako sa kalendaryo namin saka ko narealize na ngayon pala kami hahanap ng isusuot naming damit para sa U&I 2020.

Patakbo akong pumunta sa banyo para maligo. Excited kasi ako para sa isusuot ko. Minsan ko lang magustuhan ang tema ng mga party party. Hindi nga ako pumupunta sa mga event kahit noong high school kami. Bahala sila diyan. Kahit required pa 'yan.

Kahit hubo't-hubad ay lumabas ako ng banyo dahil nakalimutan ko ang cellphone ko. Pinatugtog ko ang kanta na wecking ball at in-set sa repeat. Ito ang magsisilbing timer ko sa pagligo ngayon. Kung anu-ano na ang pinaggagawa ko sa banyo sa sobrang excited habang naliligo diary.

"Fresh na rin kayo Nippy." sabi ko sa mga bestfriend ko habang nakaharap sa salamin.

Paikot-ikot ako sa kwarto habang nagpupunas ng buhok nang may mapansin kong umilaw ang cellphone ko. Ibig sabihin ay may nagapdala ng message. Dinampot ko kaagad iyon at binasa.

From: Rita Saya Saya

Nauna na akong umalis dahil excited na rin ako. Bilisan mo na lang kumilos.

Loka talaga 'yon. Hindi man lang nakapaghintay. Akala ko ako lang ang excited. Pero alam kong hindi dahil alam kong excited din sila Nippy. Kaya hindi nagmadali na nga ako para makaalis.

Nang makarating ako sa mall ay hinanp ko kaagad sila sa Timezone dahil naglalaro daw sila. Pero bago pa ako makarating ay nakasalubong ko na sila.

"Ang tagal mo naman. Ang dami na naming nagawa." Mukha nga. Kita ko na naman ang gilagid niya katatawa e.

"Wapakels. Saan na tayo nito?" sabi ko.

"We'll viisit my Mame Beks' couture para sa mga isusuot natin." Kumindat pa siya habang nakangisi. Mukha namang mapagkakatiwalaan ang ate mong bisugo.

Pero may napansin akong kakaiba kay Ara the bisugo ngayon, hindi siya nakalipstick ng pula ngayon kaya hindi siya si Bisugo ngayon. Mamaya na lang ako iisip ng kapalit kapag 'di siya nakalipstick.

"Maganda ba diyan?' tanong ni Rita.

"Every week she compiles a selection of amazingly fantabulous gowns, you get everything from the obscure and abstract to the essential and classic." Natawa ako nang sumimangot si Rita. Kung kanina ay ang saya niya, ngayon ay mukha siya ewan.

"Nag-english ka na naman. Alam mo bang nakakapangit para sa amin 'yong slang ng pagsasalita mo kapag English?" pagmamaktol niya.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko in-e-expect na babalik sa bata si Rita dahil lang nagsalita ng Ingles si Ara.

Bumaba kami sa second floor ng mall dahil naroon daw ang pwesto ng mame niya. Wala naman kaming choice na sumunod lang dahil 'di naman kami pamilyar sa mga bilihan ng gowns.

Huminto kami sa harap ng isang parang mga bilihan ng gown. Syempre saan pa pala 'di ba? Gown nga ng hinahanap namin.

Napatingin ako kay Rita nang pinalo niya ako sa balikat ko. Napahawakpa ako sa pinalo niya dahil ang sakit. Pagtingin ko sa kaniya ay patalon-talon siya habang pumapalakpak.

"Para ka na namang ewan diyan. Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong ko sa sobrang irita ko.

"Hindi mo ba nababasa ang pangalan ng kukuhanan natin ng gown?" sagot niya.

Napalo ko siya ng 'di sinasadya nang mabasa ko ang pangalan ng shop. Narinig ko pa siyang nag-aray pero hindi ko na masyadong pinansin dahil sa sobrang saya ko.

Lambert Manhattan

Dati ay nakikita lang namin sa magazine sa mga lamesa ang pangalan na 'yan pero ngayon ay nasa harap na namin. Hinigit ko agad si Rita papasok sa sobrang excited. Pumipintig pa sina Nipps sa sobrang saya.

Wow talaga diary! Pagkapasok namin ay ang daming maggandang design. Kaya malalaman mong mahal din ang presyo nito.

"Here mga hija!" sigaw ng isang tao. Pagtingin namin sa kanan ay nakita namin si Ara kasama ang may-ari. Paano namin alam? Kasi nga lagi naming binabasa sa mga magazine.

"This is Mame Beks." pakilala ni Ara. Yumuko kami habang nakadikit ang kamay namin sa bibig namin para gumalang.

Napalunok ako nang bigla niya akong tignan mula ulo hanggang paa diary. Napahinto pa siya sa bandang dibdib ko kaya feeling ko pinagpapawisan sila Nippy.

"B-bakit po?" tanong ko.

"Nevermind." Pumalakpak siya saka bumukas ang pinto malapit sa amin. Lumabas roon ang mga beki na tulak-tulak ang sampayan ng mga gown.

Lumapit ako kay Ara saka bumulong. "Mahal 'yang mga 'yan 'di ba? Magmumukha kaming gold digger na braless at baliw kapag nagkataon."

"Nope." sabat ni Mame Beks. "Libre lahat ng mga damit na kinukuha ni Ara dito dahil siya ang model ko sa mga fashion shows ko kapag free time niya. Since kaibigan naman niya kayo, libre na rin kayo." dagdag pa niya.

Ilang beses kong ipinikit-pikit ang mata ko dahil hindi agad nagsink-in sa utak ko na model pala si Ara the Bisugo. Perfect naman pala tapos nilait ko lang?

"May bagay po ba sa akin d'yan tulad ng mga suot ni-" Lumapit ako kay Mame Beks saka ibinulong ang pangalan. Napatawa pa siya saka ako hinampas ng mahina.

"Of course, that will probably right up your alley."

Naunang naghanap ng maisusuot sila Rita. Mauna daw sila dahil save the braless for last. Pati ba naman sa paghahanap ng maisusuot gingamait pa rin ang quotation na 'yon? Pero okay lang, atleast nasabi ko kay Mame Beks ang gusto kong damit.

Nang makalabas sila diary ay hindi ko ma-I-explain 'yong feeling ko. Basta nangangatog 'yong tuhod ko habang naglalakad papasok ng dressing room. Idagdag pa 'yong kaba ko nang bumungad sa akin ang isa sa mga staff ni Mame Beks na makapal ang kilay.

"Dalian mo." suplada niyang sabi. "Apelyido?"

"Pangsusoko."

Tinignan niya ako ng masama. As in halata 'yong gigil niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong nasabi ko para magalit agad siya sa akin. Iisipin ko sana na baka first day ng red days niya pero wala namang matres ang beki.

"Sa tingin mo nakikipaglokohan ako?" taas-kilay niyang tanong.

Nanggigigil na rin ako diary. Kung gaano kabait si Mame siya namang sama ng beking 'to. Parehas lang naman kaming braless. Atleast ako braless dahil walang pagkakapitan. Siya? Walang paggagamitan.

"Pangsusoko talaga ang apelyido ko." Nakangiti ako ng pilit para naman 'di nakakahiya sa beauty niyang 'di nakikita.

"Hay naku! D'yan ka na nga! Maghanap ka na lang ng maisusuot mo diyan at tatawagin ko si Mame." singhal niya.

Walangyang beki! Pagkatapos magsuplada ay magwo-walk out na lang bigla. Ano daw 'yon?

Kaya ayon na nga, pumili na lang ako ng maisusuot ko.

Kaya ayon na nga, pumili na lang ako ng maisusuot ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Diary ng NBSB: No Bra Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon