Entry #2

877 74 16
                                    

Entry #2

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Entry #2

Nauurat akong sumama papunta ng canteen. Ayaw ko sanang kumain dahil wala naman akong gana atsaka panigurado puno ng tao ang mga cafeteria dito sa campus. Pero dahil hinila na nga ako ni Rita ay hindi na ako nakapalag.

"Dalian mo na lang maglakad." irita niyang wika.

"Ito na nga po." Panigurado ay hindi pagbili ng makakain ang aatupagin niya roon. Sa tagal ng pagkakakilala ko sa kaniya, alam kong manghahunting lang 'yan ng majojowa niya.

"Basta alam mo na gagawin mo, uupo ka lang kasama ako at ako na bahala sa lahat." dagdag pa niya.

Habang naglalakad kami ay may biglang humarang na isang babae sa harap namin. Napatingin tuloy ako sa kaniya mula anit hanggang bukong-bukong since 'di ko naman makikita talampakan niya dahil nakarubbershoes siya ng 'paa ng manok'.

"Hello Lala at Rita. Tara sa cafeteria. Treat ko kayo!" Luh! Okay lang kaya siya? Aba'y feeling close ang ate mo sa amin. As far as I know, 'di naman namin siya kilala. O bagong english words 'yan ha para may bagong words sa entry ko na 'to diary. Ayun na nga, para siyang kabute na susulpot saka sasabihing ililibre niya kami.

Pero dahil nga narinig ko na 'yong magic word na 'libre', siniko ko si Rita na halata ring gulat. Bahala siya diyan kung ayaw niya kumilos. Basta ako, nanamnamin ko ang libre ng feeling close na ate mo. Hindi naman sa mukha akong pera, everything is a blessing, ika nga ng iba.

Napatawa pa nga ako habang hinihila siya dahil napatingin ako sa mukha niya. Almost perfection na sana ang ate mo pero mukha siyang bisugo sa sobrang pula ng lipistick niya. Parang pinaputok na labi tuloy diary. Mukhang timang lang. Pero hayaan na lang natin since maganda naman ang kalooban. Oks na 'yon.

Pero feeling close din pala ako sa pinaggagagawa ko hahahaha.

"Buti na lang at wala pang masyadong gagawin." sambit niya.

"Okay lang 'yan, 'di pa naman time para sa susunod na subject." wala sa sarili kong sabi. Nabatukan tuloy ng isang Rita Maligaya. Ang bigat pa man 'din ng kamay niya dahil dati siyang naglalaro ng volleyball. Feeling ko tuloy ay nagmistulang bola ang ulo ko dahil sa kaniya. Since 'yon lang rin naman ang medyo malapit na bilog sa akin. Wala ng iba.

"Lutang ka talaga. Lumulutang na braless." Ang ate mo namang pinaputok ang labi, halatang nagpipigil ng tawa. Mautot ka sana!

Hindi ko tuloy namalayan na nasa harap na kami ng cafeteria. Hindi ko nga alam kung cafeteria pa ito dahil masyadong malaki. Kung gaano kalaki ang dyoga ko diary (which is wala naman 'di ba), kabaliktaran no'n ang laki ng cafeteria ng university na 'to. Mapapawow ka talaga dahil magkaka-iba 'yong stall para sa tinapay, drinks, burgers at iba pa. Para kang nasa mall talaga.

Gusto ko nga sana picturan diary para mai-tape ko dito sa'yo pero 'di ko nabitbit 'yong oRange kong phone. Kaya describe ko na lang sa'yo.

Diary ng NBSB: No Bra Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon