Entry #4

559 50 24
                                    

Entry #4

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Entry #4

Walang tigil ako sa paghihimutok nang makabas ang prof namin. Iba 'yong gigil ko ngayong araw na 'to e. Nalate ako ng gising kaya nagmadali akong pumasok ng walang ligo, binitbit ko na lang ang pabango ko para makapagspray ako habang nasa daan, pagdating ko sa room ay wala pa pala kaming prof.

Tapos alam mo ba kung anong ending? Pumasok ang prof kasi may surprise daw silang ibinalita sa amin. Kailangan daw namin malaman kung ano 'yon.

'Di ba nakakagigil 'yon? 'Di ka nakaligo dahil late ka tapos ang labas ay maghuhulaan lang kayo para sa surprise nila. Stress sila Nippy sa kaniya. Naninigas sila sa gigil.

"Boosh!" Napahawak ako sa dibdib kong walang laman at walang bra nang gulatin ako nina Ara at Rita.

Pinagmasdan ko ng mabuti sina Rita baka sakaling makuha sa tingin, pero dahil isa siyang Maligaya ay tumawa lang loka.

Hinila nila ako palabas ng classroom. Hindi nila ako binitawan kahit na may mga nababangga na kaming ibang estudyante. Ang nakakabahala pa ay hindi nagsosorry si Ara. Ang mga nababangga pa niya ang nagsosorry. Ang labo 'no?

Hindi ko tuloy namalayan na nasa harap na kami ng locker namin. Napansin ko naman na may mga hawak na papel na color black ang ibang estudyante na nagbubukas ng locker nila kaya binuksan ko rin ang akin. May nakita akong black envelope na naroon saka ko inilagay sa bag ko.

Hinablot ko ang kay Ara saka ko binuksan. Baka kasi malukot ang akin kapag nagkataon. Atleast 'di ba mas mauunang malulukot ang kaniya bago ang akin.

Binasa ko kaagad ang nakasulat dahil takang-taka na ako sa bulungan ng mga nadadaanan namin. Halos lahat sila ay ngiting-ngiti kaya kita ko na ang mga gilagid nila.

Uncover & Ignite 2020

Ilang beses ko pang binasa ulit ang nakahighlight pero wala talagang pumapasok sa isip ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang beses ko pang binasa ulit ang nakahighlight pero wala talagang pumapasok sa isip ko. Idinikit sa nguso ni Ara ang hawak kong papel.

"Ano na naman 'yang pakulo na yan?"

"O-m-g!" tili ni Ara nang mabasa niya ang nakasulat. "Ito na ba 'yong parang department party natin? I mean 'yong nabanggit mong parang acquaintance party ng faculty of tourism?" dagdag pa niya.

"Hello? Can you please enlighten me Ara the bisugo? The effect of discombobulation is eating me up." pag-e-english ko sa kaniya. Nginusuan muna niya ako bago sinagot.

"Basta party 'yan. And no matter what happens, aattend tayong lahat. Ako na bahala sa damit natin basta't isipin niyo na ang isusuot niyo." Sabay na pumalakpak sina Ara at Rita. Unting-unti na lang ay pag-uuntugin ko na sila sa sobrang saya nilang dalawa.

"Pero kailangan revealing daw ang suot natin." sambit pa niya.

"What?!" gulat kong tanong. Mabilis kong kinuha ang sarili kong invitation sa bag ko.

Nagulat ako nang maramdaman kong malamig at parang basa ang papel nito. Tinignan ko ang bote ng pabango ko at naramdaman ko ang likido sa takip nito.

"Nabuhos ata pabango ko sa invitation." singhal ko.

Nilapitan ako nina Ara saka kinuha ang hawak kong invitation.

"Aray ko naman!" sigaw ko ng kaunti nang maramdaman ko ang pagbatok sa akin ng dalawa. Magkabilaan pa sila.

"Engot! Anong nabuhos ka diyan? Hindi naman ah. Parehas lang naman sa amoy ng invitation namin sa'yo." si Rita.

"Eh bakit mabango 'yong papel?"

"Scented paper kasi ang ginamit, Lala. Magkaiba kaya ang amoy ng pabango mo at nitong papel." Pinagkumpara ko naman agad ang amoy nila. Tama nga sila. Magkaiba ang amoy ng dalawa kaya malabong nabuhos ang pabango ko.

"Pero bakit parang basa at malamig?"

"Malamig kasi naka-aircon ang locker rooms. Basa dahil waterfalls na naman ang kamay mo." Tinignan ko ang palad ko saka ko narealize na nagbabasa na naman ang palad ko.

Ito ang hirap 'pag pasmado. Akala mo laging basa ang hinahawakan mo.

"Pero hayaan mo na 'yan. Basta isipin mo na ang isusuot niyo dahil ako na bahala sa lahat, my friends." masaya niyang sabi.

May naisip na agad ako na pwede kong maisuot. Idol ko pa man din si Kendra Jennie? Kendi? Basta idol ko siya sa mga OING OING.

Let's do this! This is my night, the night for Nippy!

Let's do this! This is my night, the night for Nippy!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Diary ng NBSB: No Bra Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon