Entry #6

284 27 7
                                    

Entry #6

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Entry #6

Kumukulo talaga ang dugo ko sa galit diary! Kung pwede lang talagang isampal doon sa beking 'yon ang dibdib ko gagawin ko talaga pero dahil wala, wala akong magawa. Wala rin naman akong bra na pwedeng ipanghampas sa makapal niyang mukha.

Mabuti na lang talaga at in-assist ako ng isa pang staff ni Mame na beki rin. Pero mabait naman kaya nakabiruan ko pa. Hindi ako masyadong nasaktan sa mga banat niya kahit puro about sa pagiging braless ko ang bukang-bibig niya.

Pero may isang hindi ko makalimutan diary na ginawa niya. Tinusok niya ng pambura ng lapis si Nippy dahil nakikita daw niya. Kaya ayon may kakaibang feeling na naramdaman sila Nippy.

Isang pero ulit, past is past because I the braless is back to reality.

Nang nasa cr ako, feeling ko umurong ang ihi ko nang may biglang kumalampag ng pinto. Sa sobrang gulat ko, sumakit bigla puson ko.

Lumabas ako agad ng cubicle at isa-isang tinignan ang iba pang cubicle pero wala namang ibang tao. Pinagpapawisan na lahat ng kasulok-sulokan ng katawan ko. Ipinihit ko nang dahan-dahan ang pinto pero hindi ito bumukas agad. Parang may pumipigil mula sa labas.

Ipinihit ko pa ng isang beses at bumukas naman bigla. May nakita akong isang batang lalaki mula sa pintuan kaya mabilis kong sinundan ito ng tingin.

Hinabol ko siya diary nang mapgtanto kong siya ang pumipigil sa pinto kanina. Mabuti na lang at mabilis akong nakakatakbo dahil wala namang aalog sa harap ko na magigig pabigat.

Binilisan ko pa ang takbo ko nang malapit ko na siyang maabutan. Hinila ko kaagad ang damit niya nang maabot ko siya. Sa sobrang lakas ng pagkakahila ko ay napasubsob ako paharap.

Hindi kami agad nakatayo dahil mukhang nasaktan ang stick man este running man na bata. Pinagpagan ko ang suot ko saka tinulungan siyang tumayo. Siguro ay nasa sixteen na siya.

Humarap ako sa kaniya nang mapagpagan ko ng maayos ang sarili ko. Gulat na gulat pa ang mukha niya. Hindi ko alam kung bakit.

Umubo pa siya ng bahagya. Ayon! Nabilaukan ata nang humarap ako sa kaniya.

"Hoy! Sino ka?"

Nakapikit niyang iniabot sa akin ang paper bag na brown. Kinuha ko naman iyon dahil baka mangalay siya. Kahit papaano ay may good deeds pa naman ako sa dibdib. I mean sa puso.

"Bakit ka ba nakapikit?" taka kong tanong. Hindi pa rin kasi siya dumidilat kahit na naiabot niya na ang papaer bag. Pero wait, para saan 'to?

"Para saan 'to?" tanong ko ulit.

"Napag-utusan lang po ng isang lalaki. Sabi niya iabot ko daw 'yan sa babaeng papasok sa cr. 'Wag daw akong aalis hangga't 'di mo nakukuha. Ayaw ka daw niyang nakikita na pinagpipiyestahan ng mga lalaki. Atsaka sabi niya 'wag na 'wag daw akong titingin sa dibdib mo kundi patay daw ako." paliwanang niya. Patango-tango pa ako habang inuulit ko sa utak ko lahat ng sinabi niya.

Napatingin pa ako sa dibdib ko. Ano bang bawal niyang tignan? Sila Nippy lang naman ang naroon.

"Sino ang nagbigay?"

"Hindi k-ko po k-kilala." Kumariapas siya ng takbo pagkatapos niyang sumagot.

Tinignan ko ang laman ng paper bag diary. Naibagsak ko pa ang laman nang makita ko iyon.

Isang Triumph Original Galiana Bra.

Hindi ko alam magiging reaction ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil binigyan ako ng bra dahil ayaw daw niya akong pagpiyestahan ng mga lalaki o maiinis dahil binigyan niya ang nag-iisang Lala Kongbra ng isang mamahaling bra. Isang braless ay binigyan ng bra? What the!

At iniutos pa niya sa isang running man. Wierd! Sino siya?

Nababalot na ba ng mga baliw ang mundo diary? Isang braless since birth ay niregaluhan ng bra.

Nababalot na ba ng mga baliw ang mundo diary? Isang braless since birth ay niregaluhan ng bra

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Diary ng NBSB: No Bra Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon