Entry #10

336 14 15
                                    

Entry #10

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Entry #10

Kumalma ka Lala! Kumalma ka lang! Mahiya ka naman sa sarili mo kung may natitira pa.

Ilang araw ko na itong sinasabi sa sarili ko tuwing haharap ako sa salamin mula umaga hanggang gabi diary. Feeling ko hindi ako makaget-over sa lahat ng nangyari nitong mga nakaraang araw. Feeling masyadong mabilis ang lahat. Kung gaano kabilis nabuo, gano'n din kabilis nawala.

Hindi lang talaga magsink-in sa utak ko ang nangyari.

Isinandal ko ang ulo ko sa pader. As in pader na semento ha dahil baka mamaya isipin mo na ang tinutukoy ko ay ang pader na dibdib ko.

"Anong nagawa kong mali?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin kina Nippy. Sila lang kasi ang makakausap ko sa nangyayari ngayon since sila lang naman ang 'di nawawala sa tabi ko.

Ilang araw na kasi akong hindi pinapansin ni Porsche. Hindi niya na ako pinapansin mula noong araw kinabukasan ng U&I. Tuwing makakasalubong ko siya ay bigla siyang lilihis ng direksyon.

Kahapon naman ay nagkaroon ako ng pagkakataon na maka-usap siya dahil hindi niya napansin na sinusundan ko siya.

"Porsche." tawag ko sa kaniya habang nakatalikod. Nagulat pa siya nang makita niya ako.

Lumingon-lingon siya sa paligid namin saka ako hinila sa isang parte ng university na wala masyadong tao.

"Anong ginagawa mo?" pabulong niyang tanong sa akin.

"Bakit ba hindi mo na ako pinapansin bigla?" Marupok na pakinggan pero hindi ko lang talaga maintindihan kung anong nangyayari. "Atsaka bakit may pasa ka d'yan sa gilid ng labi mo at mata mo?"

Umiling siya. "Binugbog ako nila S—I mean nagbugbugan lang kami ng kapatid ko. Alam mo na, larong magkapatid."

"Okay. Pero bakit nga?"

"Ito ang tatandaan mo dahil ito na rin ang sagot ko sa tanong mo." Tumango ako. "If you want to fly in the sky, you need to leave the earth. If you want to move forward, you need to let go something that drags you down. Its love versus life and dreams, Lala." sambit niya.

Ilang minuto pa akong naestatwa kahit nakaalis na siya.

Ang wierd ng sagot n iya diary 'di ba? College na ako pero naslow talaga ako sa sagot niya kaya kagabi ay inisip ko talaga ang ibig niyang sabihin. Isa lang ang pumapasok sa isip ko.

Life and dreams are his reasons kung bakit niya ako nilalayuan.

Para madivert ang utak ko sa ibang bagay ay naisipan kong tumanggap ng labada ngayong araw. Trip ko lang gawin para maiba naman ang trip natin sa buhay. Mas mainam na ito kaysa sa magbabad ako sa cellphone ko.

Nagpalit ako ng pinakaluma kong damit saka naglakad papunta sa bahay nila Aling Nelia. Mukhang nagulat pa nga sila dahil bihira lang naman talaga lumabas ang braless na maganda tulad ko.

"Hi Aling Nelia!" bati ko sa kaniya.

"Uutang?" tanong niya agad sa akin. Nakataas pa ang kanang kilay niya na parang bagong tattoo. "Sino nagtattoo sa kilay niyo Aling Nelia?"

"Si Nena." nakangiti niyang sagot.

"Kaya pala hindi pantay ang kulay."

"Ewan ko sa'yo Lala! Niloloko mo na naman ang beauty ko. Kailan nito para maka-attract ng customers ang tindahan ko."

Tumango na lang ako habang nakanguso. "Pero Aling Nelia, baka naman may labada ka diyan. Ako na maglalaba."

"Sakto. Puntahan mo sa likod 'yong pinsan mong tamad maglaba."

Napangiti ako saka masayang naglakad papunta sa likod-bahay nila. Nakita kong nakabusangot ang mukha ni Nena na pinsan ko habang bitbit ang isang planggana.

"Nena, baka gusto mong ako na ang maglaba niyan. Basta bigyan mo lang ako ng load." walang paligoy-ligoy kong wika.

Tumili siya nang makita ako. "Perfect timing! Ito labhan mo lahat ng bra ko. Tinatamad ako maglaba ngayon pinsan e." paliwanang niya saka iniabot sa akin ang planggana. Mabilis siyang tumakbo papasok ng bahay nila.

"Isesend ko na 'yong load mo Lala." sigaw pa niya habang nasa loob na ng bahay nila.

Napabuntong-hininga na lang ako nang makita ko ang bitbit ko saka ako natawa.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kaya ayaw kong nagsusuot ng bra dahil dagdag labahan lang ito. Lalo na kung tamad ka na maglaba tulad ni Nena. Masikmuraan nga ang loko kapag natapos ko na ito.

Nilabhan ko kaagad ito pagkarating ko sa bahay. Mabuti na lang ay wala si Nana Sabel kaya walang sisigaw sa akin ngayon. Nangkit ang mata ko nang matapos ako. Hindi ko alam kung tama ba ang paglalaba ko dahil ngayon lang naman ako maglalaba ng bra. Braless since birth kaya no experience ang peg.

Isinabit ko ang mga bra sa sampayan naming kable pa ata ng kuryente.

Ilang saglit pa ay natapos na rin akong magsampay kaya hihiga na lang muna ako sa kama para makapagpahinga. Pagkabalik ko sa kwarto ay nagulat ako nang may makita akong brown paper bag na nakasabit sa bintana.

"Wierd." bulong ko sa hangin habang papunta sa bintana kung nasaan ang paper bag.

Pagkakuha ko ay mabilis kong tinignan ang laman nito. Laking gulat ko nang makita ko ang isang bagay na talaga namang nakakabigla. Ikalawang beses na nangyari ito.

Nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan habang nakadungaw sa bintana. Kung noong una ay ipinaabot niya, ngayon naman ay isinabit niya sa bintana. Sino naman kaya ang maglalagay nito dito? Impossible naman na kay Nana Sabel ito dahil may pangalan ko na nakasulat sa paper bag.

Anong laman? Isang Calvin Klein Gray Modern Bralette.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mastress. Una, hindi ko pa rin kilala nagbigay ng bra. At ang ikalawa, nakakalula ang presyo ng ganitong brand kaya nakakastress talaga. Hindi naman ako ignot sa mga brands ngayon kaya alam kong mahal ito.

Napatingin ako sa dibdib ko. "Mukhang may taong gusto kayong takapan."

Pero hindi maaari! Ako si Lala Kongbra diary. Ang braless na pinakamaganda kaya ibinato ko na lang sa aparador ang paper bag saka lumundag sa kama.

Patayin niyo muna ako bago nila ako mapagsuot ng bra.

I swear.

Don't me.

Don't me

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary ng NBSB: No Bra Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon