Entry #7
Napasarap ang tulog ko sa buong maghapon diary. Sabi kasi nila, kailangan daw magbeauty rest ng braless para sa event. Nabulabog lang ako dahil biglang dumating si Ara sa bahay namin.
Yes! Alam na ni ate mong bisugo ang bahay namin. Kailangan daw kasi alam niya kung saan nakatira ang mga friends niya para alam niya kung saan siya pupunta kapag nag-away sila ng kuya niya.
"Hey! Tumayo ka na d'yan." Inalog-alog pa ako ni Ara. Iniupo ko ang sarili ko habang tinatanggal ang laway at muta ko.
Nakapamaywang na nakatayo sa harap ko si Ara kaya tinignan ko lang siya. Habang tumatagal ay kumakapal na rin ang mukha niya diary, dati ay lipstick lang niya ang makapal. Umakyat ba naman dito sa kwarto ko ng walang paalam.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang humihikab.
"Nagmessage kasi si Rita sa akin na sa bahay daw nila tayo mag-aayos kaya binitbit ko na lang dito ang mga gamit kong make-up pati na rin ang gown ko." Itinaas niya ang gown niya na nakabalot sa telang black habang may nakatatak na L. Manhattan.
"Tara?"
Napakamot ako sa ulo ko diary. Mukhang mali ang desisyon niya na kami-kami lang ang magmake-up. Hindi naman sa nag-i-inarte ako pero kapag ganyang usapan ay hindi mapagkakatiwalaan ang isang Rita Maligaya.
Hindi ko na inayos ang kama ko dahil magugulo rin naman mamaya 'yan kapag uwi ko. Kinuha ko ang tuwalya ko sa upuan saka kinuha ang gown ka para sa U&I 2020. Doon na lang ako makikiligo sa bahay nila Rita since okay lang naman sa kaniya.
Pagkarating namin ay saktong bagong labas ng banyo ang ate mong Maligaya. May ibinato na parang silk robe si Ara sa kaniya pero hindi ko pinansin masyado dahil ako naman ang pumasok sa banyo nila.
"Wait!" sigaw ni Ara kaya napatingin ako sa kaniya. "Suot mo 'yan after mo maligo."
Tumango na lang ako saka isinara ang pinto.
Habang naliligo ako naririnig ko sa silang nagtatawanan sa labas. Feeling ko ay lumalabas na naman ang gilagid ni rita sa lakas ng tawa niya.
Dahil isang magandang event 'to para sa amin nila Nippy ay kinuskos ko ng mabuti lahat ng pwedeng kuskusin. Masyadong maganda ang damit ko para sa event kaya kailangan fresh ang katawan kahit wala namang laman. Gano'n!
Ilang minuto din ako nagtagal para walang palya sa lahat diary. You know, the braless is always on the go.
"Baka gusto mo naman tumigil katatawa d'yan Rita!" sigaw ko habang isinusuot ang silk robe na ibingay ni Ara. Ito pala 'yong isinusuot ng mga artista kapag nagme-make-up sila kaya feeling ko tuloy magiging artista kami nila Nippy.
"What the-!" Lahat na ata ng mura na alam ko ay lumabas na sa bibig ko diary nang lumabas ako ng banyo.
Akala ko kung sino ang nakatayo sa harapan ko. Ito na nga ang ikinababahala ko bago kami pumunta dito sa bahay nila Maligaya diary, hindi pwedeng kami lang ang mag-a-ayos sa sarili namin.
Nagmukha lang namang clown ang dalawa.As in dalawa sila diary. Putok ang mga labi nila sa sobrang pula pati na rin ang mga eye shadow nila. Ang sagwa diary.
"Nabaliw na ba talaga kayo?" bulyaw ko sa kanila.
"Sabi kasi ni Rita ay siya ang gagawa ng akin at ako naman sa kaniya. Pagtingin ko sa salamin ay gan'to na ang mukha ko." Tumatawa pa siya ahabng turo ang mukha niyang nagmukhang clown. Sakto lang naman talaga ang make-up ni Rita pero feeling ko ay nagmukhang neon ang kulay sa kaniya.
"Hindi naman birthday party ang pupuntahan natin 'di ba?" Napakamot pa ako sa kilay ko diary. Feeling ko nga ay nastress na rin sila Nippy sa kanila dahil bigla rin silang nangati kaya kinamot ko na rin.
"I'll call my titas na lang para sila na ang mag-ayos sa atin." sabi ni Ara.
Mas mabuti pa nga. Kahit na braless ako since birth ay may hiya pa rin naman ako sa katawan diary. Sa dibdib lang talaga since its a gift remember.
"Ang ganda kaya." maktol ni Rita.
"Mukha mo!" sabay naming sigaw sa kaniya ni Ara.
Akma niya akong yayakapin pero hinarangan ko siya dahil ayaw kong madikit sa kaniya. Feeling ko ay magmumukha na rin akong clown tulad ni Ara any time na madikit ko sa kaniya. Kaya safety first, braless first.
"Gusto mo ayusan din kita Lala?" tanong pa niya.
"Gusto mo bang makita sila Nippy?" tanong ko sa kaniya pabalik.
"Yuck! Kadiri ka talaga Lala. Ilang taon na tayo pero gustong-gusto mo pa ring ipakita sa akin 'yang dalawang prunes sa dibdib mo. Hindi ka ba nanhihiya?"
"Yuck ka rin! Mas kadiri kaya 'yang gilagid mo na nagingitim kapag tumatawa ka. Atsaka parehas naman tayong babae kaya walang halong malisya. Atsaka 'di prunes sila Nippy!"
"Ewan ko sa'yo Lala."
Maya-maya ay pumasok ang clown este si Ara. Kawawa naman siya diary. Ang isang model na bisugo ay naging instant clown dahil sa kagagawan ni Rita Maligaya.
"Malapit na raw sila tita." sabi ni Ara saka siya umupo sa kama.
"Kami na lang papamake-up Ara tutal ay maganda naman na ang make-uo mo." si Rita.
"Ang ganda nga. Ang ganda para sa birthday party!" Ginigigil talaga ako ng Maligaya diary. Napakasamang kaibigan nito.
"Ikaw naman!" turo ko kay Ara. "Gusto mo bang paputukin ko 'yang labi mong bisugo para mukha kang nasa clown house?!"
Tumalikod ako sa kanila saka naglakad palapit sa pintuan. Pero dahil shunga ang braless ay hindi ko napansin na bigla 'yong bumukas kaya tumama ito dibdib ko.
"Aww." sabay-sabay naming sambit na tatlo. Mukhang nakita rin nila ang nangyari.
Napahawak ako sa dibdib ko habang humahakbang patalikod. Ang sakit diary. Feeling ko nanigas sila Nippy sa sakit.
Lumabas mula sa pintuan ang tatlong babae na nasa edad forty habang kasama si Tita Maligaya.
"Mygad Ara!" bungad ng isang tita habang pumunta sa harapan niya. "You're as funny as a clown darling. Sino ang may gawa nito?"
Sabay kaming lumingon sa gawi ni Rita saka siya tinuktokan sa ulo ng tatlong tita.
I love it! Mukha na ngang clown si Ara ay nadagdagan pa ng funny na titas kaya nagmukhang clown house ang kwarto.
At sina Nippy? Ayon, sakit pa rin.
But this is pancit!
BINABASA MO ANG
Diary ng NBSB: No Bra Since Birth
HumorMasaya sa simpleng buhay si Lala Kongbra Pangsusoko. Malayo sa nakasanayang buhay ng ibang babae na walang ibang ginawa kundi magpaganda, maghanap ng jowa, magshare ng memes at magrant sa mga nangyayari sa paligid. Gayunpaman, hindi mawawala sa buha...