PROLOGUE

1.9K 108 28
                                    

Bago ang lahat ay sana nabasa mo po muna ang 'MUST READ' na part bago mo basahin ito. Salamat!

 Salamat!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


PROLOGUE

Sabi nila kapag babae ka at ikaw pumapasok na sa stage ng pagdadalaga, nagkakaroon ng pagbabago ang katawan. Kasama na ang paglaki ng hinaharap mo. 'Yong iba ay lumalaki na parang bundok, may pakwan, may monay, may pandesal at minsan walang pagbabago. Kumbaga swertehan na lang kung mabibiyayaan ka.

Kaya ang mga babae diyan sa tabi-tabi kung anu-ano ang ginagawa. 'Yong mga nabiyayaan, suot ng suot ng mga damit para ibalandra 'yong mga meron sila tapos pipicturan para pag-agawan kunno ng mga tao sa social media. 'Yong mga hindi naman nabiyayaan, palamas dito at palamas doon. Hilot dito, hilot doon. Pero syempre, 'di mawawala 'yong mga babaeng tanggap na wala sila tulad ko.

It's a gift 'te! Wala kang hinaharap? Smile! It's also a gift. Less hassle sa buhay kung 'di ka nabiyayaan tulad nila. Atleast makakatakbo ka kapag PE class nang hindi nakahawak sa mga tumatalbog sa harap mo, hindi ba? Masaya kaya. It's a gift kasi less labada, less aksaya ng pera pambili ng bra.

All in all, being boobless is a gift kasi 'di mo na kailangang magsuot ng bra. Hindi mo na kailangang bumili sa palengke, sa tyangge o sa Divisoria para lang makapagbra. At isa pa, mas presko.

Pero -

It doesn't mean na hindi ko mararanasan ang struggle ng mga gifted booby diyan. Siya basta, kahit anaong mangyari 'di ako magsusuot ng bra. Forever and ever.

▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️

Paalala: SPG Lenggwahe. Read at your own risk.

Diary ng NBSB: No Bra Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon