Entry #9

173 9 4
                                    

Pasensya na kung corny ang seen na ito. Nangangapa pa ako sa mga kilig scenes kaya i-e-edit ko rin itong page na ito agad kapag nakasulat ako ng mas maayos.

 Nangangapa pa ako sa mga kilig scenes kaya i-e-edit ko rin itong page na ito agad kapag nakasulat ako ng mas maayos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Entry #9

Huminga una ako ng malalim bago humarap kung sino man ang nagsalita.

Napalunok ako ng makita kong nakatayo si Porshe sa harap ko. Nakangiti lang siya sa akin habang nakalahad ang palad niya.

"Ako ba?" tanong ko.

Mas maganda ng sigurado diary. Mahirap magmukhang assuming sa harap ng crush mo.

At oo! Crush ko siya simula nang makita ko siya sa classroom. Napakaperfect niya kasi para sa isang lalaki. Wala kang makikita na makakapagpa-turn off sa bawat kilos niya.

Mula sa

Kinindatan naman ako ni Ara na para bang sinasabing go kaya sumama na lang ako sa kaniya.

Nakatingin lang ako sa mukha niya habang naglalakad papunta sa gitna ng dancing hall. Seryosong-seryoso ang mukha niya kahit na nginingitian siya ng mga higad na babaeng nakapaligid sa amin.

Like hello! Sana pansinin naman niya sila kahit na papaano dahil ako ang naaawa para sa kanila. Pero in fairness, ang gwapo niya maglakad kaya napapangiti ako ng palihim.

How to be calm sa harap ni crush ang peg ko ngayon? It's a girl dream diary. Hindi lahat ng babae ay napapansin ni crush. Sa edad naming 'to, bawal na ang pakupad-kupad sa paglandi. 'Wag lang papakahigad.

Huminto kami nang biglang mag-iba ang music at ilaw. Mas lalong naging romantic ang vibe.

"Ayos ka lang?" tanong niya.

"Oo naman." Hindi ko alam kung halata bang kinikilig ako. Hindi ko alam kung paano ako kikilos sa harap niya. Napalunok pa ako ng titigan niya ako sa mata. Pero 'di ko kayang tumitig sa kaniya kaya iginala ko na lang ang paningin ko.

Struggle is real!

Mabuti na lang dahil madilim ang ilaw kundi makikita niya kung gaano kapula ang mukha. At kung may mukha pa akong maihaharap sa kaniya.

Nagpalit na naman ng music. Hindi man kasing romantic ng nauna pero nakakakilig pa rin. Ilang kanta na ang lumipas pero wala pa ring nagyayari. Lahat ng nasa paligid namin ay masaya ng nagsasayaw. Maliban sa amin.

"Gusto mo na ba umupo?" tanong niya sa akin bigla.

"H-hindi." Pinagpapawisan na ako ng malamig at alam 'yon nila Nippy. Feeling ko ay anytime ay maiihi na naman ako.

Dahan-dahan niyang inilagay ang kamay ko sa balikat niya habang inilagay naman niya sa bewang ko ang kaliwang kamay niya. Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso.

"Hindi talaga ako marunong sumayaw." bulong niya.

Hindi ko mapigilang mapahagikhik nang marinig ko ang sinabi niya. Wtf! Niyaya niya akong sumayaw pero hindi niya alam sumayaw.

"Totoo ba?" Akala ko perfect na talaga siya.

"Gusto lang talaga kitang makasama kahit saglit. Hindi kasi ako makahanap ng time kapag kasama mo mga kaibigan mo at sina Sood." Sabay kaming tumingin kina Sood. "Nahihiya kasi ako."

"Sundan mo lang ang ginagawa ko. Hayaan mong dalhin ka ng music. Hindi mo napapansin na sumasabay na ang paa mo sa akin. Trust me." sabi ko sa kaniya.

Ginawa naman niya ang sinabi ko. Ilang saglit lang ay nakuha na niya ang tamang pagsayaw. Napangiti ako dahil doon lalo na ng ngitian niya ako. Feeling ko pwede na akong mamatay anytime. Pero syempre joke lang iyon.

Kapansin-pansin ang pagngiti niya habang nagsasayaw kami. Mas lalo siyang gumagwapo kapag nakangiti. Kaya hindi ko masisi ang puso ko kung bakit ang bilis pa rin ng tibok niya.

"Sorry. Biglang akong pinagapawisan." Tumawa lang siya.

This night is lit! A night to remember!

This night is lit! A night to remember!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Diary ng NBSB: No Bra Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon