"Binibigay ko na sayo ang kalayaan mo Blake.Sana magkaroon na ng katahimikan ang isip at damdamin mo sa pagkawala ko.Sana sapat nang kabayaran ang buhay ko.Hinding hindi ko pinagsisihan na minahal kita ng higit pa sa buhay ko "
Those were Sofia's...
Alas singko palang ng madaling araw gising na gising na ako,hindi na ako makatulog kasi medyo excited akong pumasok sa trabaho.First time ko maging modelo ng malaking companya.Naligo ako ng maayos mahirap nang makitaan ng libag sa pictures hahaha.
Sinimulan ko na ring mag ayos light make up lang ang nilagay ko dahil aayusan naman nila ako mamaya eh.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pinili kong gamitin ang pinakadisente kong dress,sana naman pumasa na ito sa dress code.Oa naman hindi naman sigurong kailangan nakagown pa akon pumasok hmph. Pwede na ito.
Pagpasok ko sa building,binati ako mg mga empleyado at binati ko din sila,mukhang mababait naman silang lahat,wala akong magiging problema.
Isang babae na halos nasa early 40's ang lumapit sa akin habang naghihintay ako sa lounge " Stacey Perez right?"tanong niya,agad naman akong tumayo."Yes Maam"ngiti ko.
"Follow me,its good dahil maaga ka,hindi kagaya ng mga co models mo wala parin,dapat 8am sharp ang call time niyo pero eto ikaw palang ang andito!Hays!"Sinundan ko lang siya,naku mukhang strikta tong si Maam.Tumahimik lang ako dahil baka umandar ang pagiging madaldal ko at hindi niya magustuhan lagot ako.
Pagdating namin sa dressing room,ready na ang mga make up artists,sinimulan na nilang ayusin ang buhok ko,isa isa na ring dumating ang mga modelo na kasama ko.Wow ang gaganda nila infairness,ang kikinis at mukhang may mga lahi pa ang iba.
Tiningnan ako ng katabi kong modelo na inaayusan din,nginitian ko siya"Hi,ako nga pala si Stacey"bati ko,gusto ko kasi silang maging kaibigan para masaya.
Hinintay ko na batiin niya ako pero binigyan niya ako ng mapanuring tingin at inirapan.Wow hah attitude lang?.PInalampas ko ito at Nagfocus nalang ako sa pagaayos sa akin.
Sa wakas tapos na,excited na ako sa imomodel ko na mga sexy sleepwear.Kayang kaya kong iproject yan!Give it to me!
Inabot na sa akin ng stylist ang gagamitin ko teka, bakit"Pajama?"nasaan na ang mga sexy nighties at robes?
"Hindi kaba nainform na teens sleepwear ang iiendorse mo?Hahahha"Asar nung model na katabi ko kanina.
Pinigilan ko ang sarili ko na taasan siya ng kilay Eh di ano naman ang masama kung pajama?!Ayoko ko lang masira ang reputasyon ko sa unang araw palang.Pinakalma ko ang sarili ko at tumahimik nalang.
Infairness napakacute at ang ganda naman ng quality ng silk pajama at shorts terno na minomodel ko,"Aright!Now change your pose!"utos nang photographer.Humiga ako sa kama at binigyan ko sila ng charming na tingin at ngiti,oh diba may cute ng smize ngayon? "Perfect!"Puri nito pagkatapos niya akong kunan. "Wow,Mr. Reyes did not fail us in recommending you,not bad for your first time in an ad"tinapik niya ang balikat ko for a job well done. "Thank you po"Sagot ko.
Pabalik na ako ng dressing room ng marinig ko ang pangalan ko,huminto ako sa tapat ng pintuan upang patuloy na pakinggan kung ano man ang sinasabi nila."Saan ba napulot yung Stacey na iyon?!halata naman na pipichuging model,"Kung hindi ako nagkakamali siya yung katabi ko kanina sa dressing room.