Sofia's POV
The following months was a bliss,blake is such a kind sweet and supportive husband,inalalayan niya ako throughout the pregnancy kahit na busy siya sa company.Siya na kasi ang acting president nito.Masaya naman ako as a housewife dito sa mansion.Kailangan kong alagaan ang sarili ko para kay baby skylaire blaine..
Nasa mall ako ngayon namimili ng mga additional na gamit ni sky pwede naman akong mag order online dahil medyo delikado na at kabuwanan ko na but I feel a little bit bored at home,hindi kasi ako pwedeng samahan ni blake ngayon dahil may importanteng meeting daw siya.
I was choosing a good quality baby clothes when my water broke.Biglang sumakit ang likod at tiyan ko napahawak ako sa clothes stand at sa tiyan ko,sobrang sakit na nito.Sinubukan kong hindi magpanic at huminga ng malalim *inhale *exhale ngunit hindi parin nabawasan ang sakit at mas lalo pa itong lumala.
"Help!!Someone help me!!"Pagsigaw ko,bago ako tuluyan ng nawalan ng malay..
Blake's POV
Nasa kalagitnaan kami ng pagsesex ni kimberly ng bigla akong tawagan ng bodyguard ni sofia,her water broke habang namimili siya sa mall.Shit!Pinagsabihan ko na siya na wag ng gumala!ang tigas talaga ng ulo!Malilintikan siya sa akin kapag may mangyaring masama sa baby!
"Where are you going babe?!"pagtatakang tanong ni kim,tuloy tuloy ang pagtulo ng pawis ko habang nagmamadaling magbihis.
Hindi ko na siya sinagot pa halos wala ako sa sariling tumakbo papunta sa garage and drive mg car as fast as I can.
Dumirecho ako sa hospital kung saan siya dinala.Nanganak na siya pagdating ko.Dumirecho ako agad sa nursery para silipin si baby blaine.And there he was,my son.May naramdaman akong hindi maipaliwanag na kasiyahan ng makita ko na ang anak namin.He looks exactly like me.Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.
Worth it din ang pagpipigil ko na saktan si Sofia,nagpasya ako na ipagliban muna ito hanggang sa manganak siya,Ayoko naman kasing may mangyari na masama sa anak ko..
And I now Im happy I made the right decision,he was perfect..
Gustong gusto ko na siyang hawakan at mayakap.
"Nurse,I want to hold my son,pwede ko ba siyang mahawakan",I pleaded.
The nurse smiled at iniabot ito sa akin, "kaya pala napakagwapo ni baby dahil manang mana kay daddy"She said.
Hindi parin mawala ang saya ko,I was in seventh heaven ng mahawakan ko na siya,He was very soft very fragile..
I kissed him gently,ngumiti naman siya at dumilat,my son is looking at me with his sleepy eyes..
"Hi babyblaine,Im your daddy blake,I love you very much"Inilapit ko ang mukha niya and I caressed it softly against mine..I cant explain the euphoria that Im feeling right now ..
Dinala ko siya sa private room ni Sofia,she looked tired and exhausted,pero bigla siyang sumigla ng makita si blaine.Hindi ko naman pinagkait sakanya ang anak namin.Iniabot ko ito sakanya..Sofia was crying.Alam kong tears of joy iyon,ganoon din siyang umiyak nung araw ng kasal namin.
"Anak ko"Hinalikan niya ang ulo ni blaine at niyakap ito.I felt how much she loves our son.
After while nagsimula ng kapain ni blaine ang dibdib ni Sofia,Agad naman itong pinabreastfeed ni Sofia,I feel hot and uneasy seeing this,but it was a perfect picture of a mother and child bonding..
————————-
Sofia's POV
Ilang linggo na rin ang nakakaraan ng ipinanganak ko si Blaine,hands on mom ako sakanya,kaya nagpasya muna akong hindi bumalik sa opisina..
Napapansin ko nitong mga araw pagkatapos kong manganak, lumalayo na ang loob sa akin ni blake,siguro nga nakakaranas ako ng Post-partum blues,normal daw iyon sa mga bagong panganak..Isinawalang bahala ko nalang ang kutob ko,Mabait si blake kaya confident ako na hindi niya ako lolokohin o sasaktan.
Natapos ko ng i breastfeed si baby blaine at iniwan ko na siyang natutulog sa nursery,May kasama naman siyang mga yaya doon and Im monitoring them in a baby monitor kaya naman panatag na akong bumalik sa kwarto namin ni Blake para hintayin siya.
11pm na hindi parin nakakauwi si Blake,madalas siyang gabi na kung umuwi nitong mga nakaraang araw,pero naiintindihan ko naman dahil busy siya.I know how hard it is to run a company.
Madaling araw na at andito parin akong naghihintay sakanya.Hindi ako makatulog dahil nagaalala ako baka kung ano na ang nangyari.Hindi din niya sinasagot ang mga tawag at text ko.I even called the company pero kanina pa daw siyang 9pm umalis ng opisina.
Lasing na lasing na siya ng umuwi..
"Baby,bakit ngayon ka lang?"mahinahon kong tanong sakanya,I help him remove his suit pero itinulak niya ako.Sinubukan ko nalang siyang intindihin dahil lasing siya.
"I just went drinking with my friends,wala kanang pakialam pa sofia,why are you here?dapat andun ka kay blaine at inaalagaan mo siya!!"Sigaw niya,I was shocked by my husband's sudden change of attitude..
Nanatili parin akong mahinahon. " Natutulog na ang anak natin,natapos ko na rin siyang ibreastfeed kaya hinihintay kita,alam mo naman na hindi ako makatulog kapag wala ka"Paglalambing ko sakanya..
"You need to get used to sleep without me Sofia dahil mas hindi na ako makakauwi sa mga susunod pang araw,Im busy,kaya mo naman pala pinasa sa akin itong trabaho mo dahil napakahectic nito"his words was sharp and insensitive.Si blake ba talaga itong kausap ko?!parang nasapian yata eh.
"Im sorry baby,kung gusto mo papasok na ako bukas"I offered,bigla niya akong tinitigan ng masama.Nakaramdam ako ng takot,his eyes were full of anger,Im certain na wala naman akong ginawang masama sakanya para magalit siya sa akin ng ganito.
"Forget it!Dito ka lang sa mansion!Wag na wag kang tatapak sa office kung ayaw mong magalit ako sayo!"humiga na siya sa kama namin,I was puzzled sa sinabi niya. Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari kay blak,He was acting like a total stranger.
Ilang segundo lang ay nakatulog na siya.Kahit na nabigla parin ako sa kilos niya ngayon,hindi ko parin kayang mainis o magalit sakanya..I carefully removed his shoes and suit inayos ko rin ang pagkakahiga niya sa kama so he can sleep comfortably..
I covered him with the comforter at sumiksik sakanya.Sana kung ano man ang hirap na pinagdadaanan mo blake ay sabihin mo sakin.I will do my best to ease your burden.
Nadala na rin ako ng antok at ipinikit ko na ang aking mga mata.
BINABASA MO ANG
The Wife Killer
Romance"Binibigay ko na sayo ang kalayaan mo Blake.Sana magkaroon na ng katahimikan ang isip at damdamin mo sa pagkawala ko.Sana sapat nang kabayaran ang buhay ko.Hinding hindi ko pinagsisihan na minahal kita ng higit pa sa buhay ko " Those were Sofia's...
