"Binibigay ko na sayo ang kalayaan mo Blake.Sana magkaroon na ng katahimikan ang isip at damdamin mo sa pagkawala ko.Sana sapat nang kabayaran ang buhay ko.Hinding hindi ko pinagsisihan na minahal kita ng higit pa sa buhay ko "
Those were Sofia's...
"Hon?bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?busy ka ba?"finally sinagot din ni Ethan ang cellphone niya.Nakasampung misscalls na din yata ako.
"Hon,Im sorry busy kasi talaga ako sunod sunod ang mga rehearsals at shoots kaya kadalasan nakakatulog nalang ako ng hindi ko namamalayan"he answered on the other line,halata nga sa boses niya na pagod siya,
"Ikaw hon?kumusta kana?ginugulo ka pa rin ba nung lalaking nagpunta sa apartment?"napalunok ako sa tanong niya,siguradong magagalit ito kapag nalaman niya na si Blake ang boss ko at parati pa kaming magkasama.I really feel guity,pero ayoko na mas masaktan ko siya.Hindi pwedeng masira ang focus niya sa Taiwan.Ayokong sirain ang career na matagal niya nang pinapangarap.
"Okay lang ako hon,okay naman lahat sa trabaho ko,pwera nalang sa mga katrabaho ko,ang sasama ng ugali,nahuli ko pang pinaguusapan ako."sa wakas nailabas ko na rin ang sama ng loob ko.
"Hon,dapat masanay ka,ganyan talaga ang modelling industry.Kadalasan hihilahin kapa pababa ng mga kasama mo,pero wag kang magpapadala.Alam ko kayang kaya mo yan"he cheered me up.Tama naman si Ethan,ako ang talo kapag nagpadala ako.At alam kong hinihintay lang nila na mangyari iyon.Hinihintay lang nila akong sumabog para magamit ito laban sa akin.
"Thank you sa advice Hon,sige kailangan ko ng magready maaga kasi ang call time namin,mag ingat ka lagi hah,I love you"pagpaalam ko sakanya,namimiss ko na si Ethan.
"I love you too, Hon,sige bye"ibinaba niya na ang tawag.
*DING DONG
*DING DONG
Sino kaya ang pupunta dito sa condo ng ganitong kaaga?Binuksan ko ang puntuan,bumulaga sa akin ang mga naka Men in black na may dala dala mga racks nd damit,bags at mga sapatos . "Ah,excuse me?Hindi po yata para sa akin iyan,wala po akong inoorder na mga damit. pagklaklaro ko.
"Pinadala po ito ni Sir Blake,para sa iyo daw po itong lahat"Nagulat ako sa dami ng mga damit mga 4 racks siguro to,ipinasok na nila ang mga damit,ang gaganda,iyon nga lang hindi ko tipo kasi masyadong pormal,hindi bagay sa akin.
"Sige,pakisabi nalang sakanya,maraming salamat".Pagkatapos umalis ng mga Men in Black,Sinuri ko ang mga damit,mukhang mga designer brands yata ito,hindi kasi common sa mga Mall at hindi ko kilala ang mga ibang brand.Sinubukan kong sukatin ang isang purple dress.Nakakaamaze lang dahil kuhang kuha ang sukat ko na tila ba parang pinagawa talaga ito para sa akin.
Pinili kong gamitin ang isang pulang turtle neck na lace dress,Katulad nung purple kanina,kasyang kasya din ito sa akin.Binilisan ko na ang pagaayos para hindi ako malate.Pinili ko na rin ang bag na katerno ng suot ko, at beige na pointed stilettos
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.