Stacey's POV
Ilang linggo na ang lumipas pagkatapos ng paghahalikan namin ni Blake.Hindi na siya nagparamdam pagkatapos ng nangyari.Siguro nga mabuti na iyon,baka natauhan na siguro.
Nabobored na rin ako dito sa Condo.Nasan na kaya si May?Matawagan nga. "Hello May?Beshy?Busy ka ba?samahan mo naman ako mamasyal sa mall oh."
"Sige, namiss na rin kita galing ng timing mo,tapos na rin ang raket ko dito sa carshow.text me kung saan at darating ako."Masaya ako at pumayag siya,busy din kasi ang bestfriend ko,madami din kasi siyang bookings ngayon.
Nagkita kami sa isang coffee shop sa Sphinx Circle,ito kasi ang pinakamalapit sa Condo.Nakasimpleng shirt lang ako at pants.
"Long time no see Stacey!Kumusta na anong ganap?"excited na excited niyang tanong.
"Ito,maganda nga ang buhay ko ngayon,komplikado naman,si Blake pala ang boss ko,naguguilty nga ako kasi tinatago ko ito kay Ethan eh"Pagkukumpisal ko sakanya.
"Wow si Blake na naman?Feeling ko meant to be kayo friend,kasi lagi kayong pinagtatagpo ng tadhana.No offense kay Ethan,mabait at gwapo naman talaga yang boyfriend mo,ang hirap nga ng buhay mo girl".Sabay sip ng coffee.
"Oo friend,pero ewan ko ba kapag kasama ko si Blake,nawawala ako sa wisyo ko,na tila ba sa kanya lang umiikot ang mundo ko."nakatingin lang ako sa kawalan.Pilit na bumabalik sa isip ko ang kissing scene namin.
"Isa lang ang ibig sabihin niyan Besh,you're falling in love with him!"Nahuhulog na nga ba talaga ako kay Blake?
"Hindi pwede Besh,Mahal ko si Ethan,at doon ako sigurado."Firm kong sagot.
"Besh......"Tila nakakita ng multo si MAY,habang kagat kagat ang straw ng frappe.
"Huy!Anong nangyari sayo?parang nakakita ka ng multo ah"Pagkuha ko sa atensyon niya.
"Si.. Blake mo,may kasamang babae!"nginusuan niya ang boutique na kaharap ng coffee shop kung saan kami nakatambay.
Agad ko naman tiningnan ang boutique na iyon, si Blake nga,at may kasama siyang babae!
Hindi ako nakapagsalita,hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko.Teka,bat kailangan mag react ako?ano naman ngayon kung may kasama siya?Hindi naman kami at wala namang kami.
"Stacey,ang ganda ganda ng girl na kasama niya,Dyosa level friend!"I gave her an eyeroll,at iniwasan ko nalang ng tumingin.They look happy.
"Taray hah,hahaha.affected ka?"Pagbibiro ni May.
"Hindi ah.Ano naman pakialam ko kung nagdadate siya?Boss ko lang siya at iyon lang yon okay?"Pagdidiin ko.
BINABASA MO ANG
The Wife Killer
Romance"Binibigay ko na sayo ang kalayaan mo Blake.Sana magkaroon na ng katahimikan ang isip at damdamin mo sa pagkawala ko.Sana sapat nang kabayaran ang buhay ko.Hinding hindi ko pinagsisihan na minahal kita ng higit pa sa buhay ko " Those were Sofia's...