Introduction.
It is unexpected. Walang kahit sino man ang makaka-isip na may ganitong lugar sa mundong kinatatayuan at tinitirahan natin.
It's just unbelievably magical. You will get hurt, but at the end of the day, you will wear the biggest smiles.
Madami tayong misyon sa buhay. They can be hard, easy or average. It can test your limits and strengths.
Not all missions are stopping bad guys and loving the people you hate.Sometimes, the mission that you will do, will change for who you are and make you a better person.
Our protagonist, her mission is to help the 'magical' people bring back the Lost Charm.
The Lost Charm is the Charm of their Master. It is able to free trapped people and his people are trapped in his world.
He is resting peacefully and he won't wake up until his charm returns.
Will they be able to get it in time? Or will there be things that can cause bigger problems?
Diana's POV:
Nagising ako sa lamig ng tubig na naramdaman ko.
"Diana! Lagi ka nalang late gumigising! Kailangan laging nababasa kama mo eh!" Gising sa akin ng kuya ko. Si Kuya William, masyado siyang strikto.
"Ito na Kuya!" Sigaw ko at tumayo. "See?" Inikutan ko siya ng mata patago. Kinuha niya lang yung tabo tsaka lumabas ng kwarto ko. Napanguso nalang ako.
Pumasok na ako sa banyo tsaka naligo. Hinayaan ko lang na umagos ang malamig na tubig sa aking katawan. Hindi na ako nagulat o kung ano dahil nasanay na ako sa umagang pambungad ng kuya kong loko-loko.
Nagbihis na ako ng uniform namin. Puting polo at palda na kaunti lang ang taas mula sa tuhod. Humarap ako sa salamin, tinapik-tapik ko ang aking mag-kabilang pisngi.
It's gonna be a crazy day.
Nag pulbos at liptint lang ako. Hindi naman ako kagandahan, sakto lang, may mga nagsasabi na maganda daw ako. Thank you nalang ang aking nasasagot.
Lumabas na ako ng bahay dahil wala na sila mama at kuya na pumasok na. Naglakad ako sa malapit na bakery tsaka bumili ng tinapay.
Nag lalakad lang ulit ako papuntang school. May mga naririnig akong huni ng mga ibon at galaw ng mga puno. Meron ding mga busina ng sasakyan at usapan ng mga tao.
This is life.
"Diana!" tawag sakin ng babae. Nilingon ko naman ito. Bumungad sa akin ang panget na mukha ng aking kaibigan. Biro lang.
"Angeli, hindi mo kailangang sumigaw." Natatawa kong sambit.
"Bakit ba?" tsaka niya ako inirapan. "Halika na nga baka malate pa tayo!" sabi niya tsaka hila sakin papasok sa classroom namin.
Magkatabi kami ng locker kaya hanggang sa pagkuha ng gamit ay walang tigil ang bibig ng kaibigan ko.
"OMG do you know?! Yung crush ko chinat ako kagabi!" sambit niya na kilig na kilig. Wala pa siyang nalalabas na libro mula sa locker niya, dada kasi ng dada.
Napailing nalang ako at sinara ang locker ko tsaka lumapit sa upuan ko. Nilagay ko ng maayos ang mga libro at notebook ko sa ilalim ng upuan.
At dahil seatmate ko rin si Angeli, tuloy pa din ang kwento niya tungkol sa lovelife niya na hindi matutupad.
Inayos niya lang ang bag at libro niya tsaka umupo. "Then I replied quickly! Secret nalang pinag-usapan namin school things lang naman," tsaka siya ngumuso. Natawa nalang ako sa inaasta nito. Kahit kailan ay abnormal ang kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Charmeya Academy: School of Enchants
Fantasy[EDITING] Do you believe in magic? Do you believe in charms? Do you believe that these magical things can create a family you won't forget? If yes, then good. This story is suitable for you. If no, then just try to read this. I will put you in the...