Diana's POV:
Ilang araw na ang lumipas at napalabas na ako sa puting kwarto na iyon. Nandito lang ako sa dorm namin at nag aayos ng gamit.
Wala sila Katelyn at Amanda dahil nandun sila sa clinic at nag tatanong ng mga dapat gawin at painumin sakin para 'di daw kumirot yung sugat ko.
Dahil nawala ako ng ilang araw, at dahil ako lang ang malinis sa aming tatlo, parang binagyo ang dorm namin ngayon.
May napulot akong libro sa ilalim ng kama ko. Nagtataka man ay pinatong ko lang ito sa bedside table ko.
Nagpatuloy ako sa pag aayos ng mga gamit namin hanggang sa nag wawalis na ako.
Again, natamaan ko yung bedside table at nahulog yung libro at ilang gamit na nandoon.
Pero may pahina na natanggal doon sa libro. Kumunot ang noo ko at tinignan ang papel.
"Baby~ Siguro makakatulog ka habang binabasa mo 'to. Pero I am really happy na mahal mo na rin ako. Hindi ko inaasahang magiging ganto kabilis. I love you Diana...I love you so much and thank you for giving me a chance. Kahit anong mangyari sa laban, gagawin ko ang lahat para lang protektahan ka. I am your hero and you are my Queen. Kaya mali kung ikaw ang liligtas sakin...it sounds selfish but that's the way I am. Ayokong mamatay sa lungkot, kaba at pagsisisi kapag may nangyaring masama sayo"
-Jackson
It made my heart melt. Ito pala yung libro na nagising akong nakapatong sa ulo ko. Yung araw na umamin ako sakanya. Pero paano...? Paano niya nalaman na aamin ako sakanya nung araw na yun? Eh...nagising ako ng umaga, nasa mukha ko yung libro.
Tapos pumunta 'kong klase, then mga tanghalian o gabi ko na sinabi sakanyang mahal ko siya. How?
Hmm...baka inipit niya nung umaga na.
Niligtas ko siya a few days ago...so, nalabag ko na agad yung kagustuhan niya?
Aish! Dapat mas maaga ko 'tong nabasa ih~...
Pero disregarding any confusion, tinupi tupi ko ang papel at tinago sa drawer ko. Iingatan ko yon...at bago ako maikapag laban 'pag dumating ang panahon ay babasahin ko ito.
Tinapos ko ang pag wawalis at paglilinis. Nang makuntento ay huminga ako ng malalim, tumayo sa pinto at hinarap ang dorm namin. Pinagpagpag pagpag ko ang kamay ko at nilagay sa magkabilang bewang ko.
"Good!—" sabi ko sa sarili ko nang biglang bumukas ang pinto, nahulog ako sa sahig at paharap pa iyon...tulad ng sinabi ko ay may dibdib naman ako at sobrang masakit ng pisngi ko.
"Oh my goosshh! Sorry Diana. My..." natatarantang sambit ni Amanda at dali dali akong tinayo.
Peke akong umiyak. "Wahh! Nag linis na nga ako eto pa reward ko?" tsaka nag papadyak padyak.
Tumawa si Katelyn. "Libre ka nalang namin. Mabango na kasi ulit dorm natin eh...come onn!"
Ngumuso ako at padabog na sumama sakanila.
Bago ko isara ang pinto at tinignan ko ang drawer kung saan nakalagay ang letter niya.
I'll talk to him later.
—
"I'm sorry" bulong ko kay Jackson na nasa harapan ko. Nasa levitation class lang kami at nakaupo lang kami sa sahig.
Nilingon niya ang ulo niya sakin. "Why?" nagtatakang tanong niya.
"I saw the letter too late. I'm sorry for worrying you Jackson" sabi ko.
"Hmm..let's talk later—"
"Mr. Cayle and Ms. Smith, if you need to talk then you are free to go" sabi ng teacher namin at tinuro ang pinto. Napatikom nalang ako pero napanganga ako ng hilahin ni Jackson ang kamay ko palabas.
"H-Hey! Where are you going?" habol na tanong ng teacher namin.
"Going outside. We are not yet done with our conversation Ma'am. Now if you excuse us" sabi niya at tuluyan niyang sinara ang pinto.
"Kanina ko lang nakita yung letter..." umpisa ko.
"Nung isang araw ko lang yun nilagay. Habang nasa clinic ka I decided to write a letter for you. Pero nagpanggap akong nunaraw pagkatapos mong umamin ko ginawa yung letter. Nauto ka naman?" sabi niya tsaka tumawa. My eyebrows furrowed in confusion. "Okay, so ganto yun. Nung...Monday ko lang ata nilagay yun dun, three days ago from now. I pretended that no accidents happened at kunyaring isinulat ko iyon pagkatapos mong umamin..."
I understand now....
"Ow..so...sinadya mo yun? Yung...wait. Pero nag alala ka talaga?"
"Sino ba namang hindi? Ilang araw tulog yung mahal ko sa kama! Ugh..." tsaka ngumuso.
"Aww...sweet" sabi ko at hinawakan ang cheeks niya at ginalaw galaw ko ang thumb ko. "Thank you".
I did a quick peck tsaka pumasok sa classroom. 'Di ko na siya pinansin after that kiss.
~~~
Huwalaaa! Charaan! Yo Linnings! Sorry for this short update! But our exams are done and results are about to be announced and I'm scared af :(
But thank you for reading this chapter! Continue to wait for more! And!! Ow...nothing, gotta control myself.
This weekend, I'll try to update :)
I love you my Linnings!
-CLN <3
BINABASA MO ANG
Charmeya Academy: School of Enchants
Fantasy[EDITING] Do you believe in magic? Do you believe in charms? Do you believe that these magical things can create a family you won't forget? If yes, then good. This story is suitable for you. If no, then just try to read this. I will put you in the...