Diana's POV:
"Kinakabahan ka?" nang aasar na tanong ni Katelyn.
Naglalakad kami papasok sa unang class namin. Luckily, mga kaklase ko ang mga abnong 'to."Ako? Kakabahan? Bakit? Halimaw ba sila?" natatawang sagot ko.
"Pwede naman. May mga shape shifters din eh." Sabi naman ni Amanda. Wala naman akong nakitang symbol sa mga banners ah?
"Bakit wala 'yun sa mga banners?" Tanong ko. Nung unang araw ay hindi ko napansin 'yon sa mga nakasabit sa hall.
"Dahil 'yun ang gusto ng head, ang shifters. It's our secret weapon." Sabi ni Amanda, I just nodded.
"Oo nga pala. Bagay sayo 'yung uniform namin!" Sabay-akbay sa akin ni Katelyn.
Suot ko na 'yung uniform nila. Makati-kati yung socks pero, kaya kong mag adjust.
"Lahat naman bagay sakin," pagmamayabang ko, we paused and looked at each others eyes. Lumukot ang mga labi namin, nagpipigil ng tawa. Pero kalaunan ay napuno ang hallway ng mga tawa namin.
————
Naka-halumbaba lang ako habang hinihintay ang professor namin. I don't expect anything to be honest. English? It's a pretty basic subject. Meron na ako niyan sa normal na mundo.
I heard a door open. Ako lang ata ang tumingin, to my surprise, my one and only rival. May bakante sa harapang upuan ko and I have the feeling to leave this class right now.
Siniko ako ni Katelyn, tinignan ko siya at tinaasan niya lang ako ng kilay.
Umupo siya sa harapan na upuan nga. Humarap siya sa akin na nakapagpa taas ng kilay ko.
"Hi!" kumaway siya, I just awkwardly smiled at him. Natawa nalang siya sa reaction ko. Nagbulungan din ang mga kaklase ko, dying inside dahil binati ako ng Phoenix nila.
Pumasok na ang professor namin. Sinimulan namin ang lectures and as I expected, boring.
"We have a new enchant here, can you introduce yourself before we end the class?" sabi ni prof.
I slowly stood up. Naglakad ako palapit sa harapan.
"I'm Diana Smyth, a fire user. Please take care of me," ang pakilala ko lang. Nang matapos ang klase at maubos ang mga estudyante ay tsaka nagsalita si Jackson."What's with your introduction? Nasaan na ang matapang na naka-usap ko kahapon?" natatawang tanong niya.
"Jackson." nagbabantang sambit ni Amanda. Hindi ko pa natatapos ang pag-aayos ng gamit ko ay hinila na nila ako palabas ng classroom.
"Our next class is a magic class. Be prepared," sabi ni Katelyn.
"It's uhm...a levitation class" Amanda muttered before flashing a forced smile.
"Nandito naman kayo eh...I am safe" sabi ko nalang tsaka pumasok sa room.
Napanganga ako sa nadatnan ko. Mga nagliliparang upuan at lamesa, mga bag at kung ano ano pa. Mukhang sanay na sanay na ang mga studyante dito. Nagagawa pa nilang makipag-usap sa isa't isa kahit nag-papalutang ng mg gamit!
"We mastered it already. First time mo palang ito."Bulong ni Amanda.
"Pwede ba yun? I mean, we are given charms to master." Tanong ko. Akala ko kung fire ang charm ko, fire lang ang aaralin ko. Hindi ako nainform na may iba pa pala akong kayang gawin!
"Ang four elements ang hindi kayang aralin, ang mga potions, levitation, at syempre, self defense ang mga kaya pa. Syempre, ang mind reading, time travelling, at shape shifting hindi rin pwede." Maikling paliwanag ni Katelyn.
BINABASA MO ANG
Charmeya Academy: School of Enchants
Fantasy[EDITING] Do you believe in magic? Do you believe in charms? Do you believe that these magical things can create a family you won't forget? If yes, then good. This story is suitable for you. If no, then just try to read this. I will put you in the...