Diana's POV:
"Pasukan sana ng langaw yang bibig mo, Diana.." asar sakin ni Katelyn. Humihikab lang eh.
"Halika na nga, para matigil ka na sa kaka-asar mo." Yaya ko sa kanya.
Papunta kaming gymnasium ngayon. Nauna na si Amanda dahil, ang bestfriend ko ay President pala ng Supreme Government!
Parang hindi naman, kasi wala naman siyang masyadong ginagawa as a President.
"Good day my fellow Enchants. We are gathered here today for you to know what we will be doing this next few months..." panimula ni Amanda. "All of us, including me will be practicing hard. We are being prepared for the battle. The battle that all of us have been waiting for."
There was a lot of murmuring sa paligid. Nakatutok lang ako kay Amanda at ganoon din si Katelyn. "Enchants, please, calm down. We will all start from scratch, then work all our way up. We will fight for our Headmaster. He will rise again." Dagdag pa ni Amanda. "Wait for further announcements and updates. That'll be all, thank you." Pagtatapos niya.
Mahina at mabagal na nagpalakpalak ang mga studyante, mga nalilito pa rin.
Binaba ni Amanda ang mic tsaka lumapit sa amin. "Ang weird naman nun? Kakatapos lang ng party, tapos, ganitong klaseng announcement ang bubungad sa'tin?" lito ring tanong ni Katelyn.
"Hmm. I don't know why nga eh. Pinasabi lang sakin ni Principal Relina. May mga inaasikaso sila ng iba pang heads," sabi naman ni Amanda.
Nanatili lang akong tahimik dahil wala naman akong naiintindihan.
"Well, dahil naging makulit ka at pumunta ka pa rin sa training room at nag train mag isa, pamilyar ka na sa mga parte ng training room?" tanong ni Katelyn sa akin tsaka humalukipkip.
I smiled awkwardly tsaka umiling. Natawa nalang sila tsaka ako hinila palayo sa gym.
A flash of memories and naisip ko nang makapasok ulit ako sa loob ng training room. Hindi naman ganoon kadami ang nangyari dito ay may mga memories pa rin na worth it maalala.
"Remembered anything that you might wanna share to us?" asar ni Katelyn.
"Wala naman. Nagkita lang kami ni Principal Relina at sinabihan ako ng goodluck. Binigyan niya rin ako ng panyo dahil pinagpapawisan na ako nung time na iyon," kwento ko.
"And...?" nag aabang na tanong ni Amanda.
"As expected, nag-landas pa rin ang ways namin ni Jackson." pagtatapos ko ng usapan.
Nag-simula kaming mag stretching at warm up. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa, tingin sa taas, tingin sa baba. Stretch ng kamay sa kanan, stretch ng kamay sa kaliwa. Extend ng kamay paharap, then doing those wiggling thingy on your fingers. Then shaking your hands.
After noon ay umupo muna kami, a moment of silence for focusing. Dapat daw kasi ay relaxed ka bago mag practice. It can help in your performance and the way your magic releases.
"Ready na ba?" tanong ni Amanda. Tumango naman kaming dalawa ni Katelyn.
Nag-simula kami sa pag-gagalaw ng mga kamay. Letting the magic flow through our body. Pinag-dikit namin ang aming mga kamay at tsaka gumawa ng weapon. Ang kay Katelyn ay isang pana at isang arrow. Ang kay Amanda naman ay isang matulis at makinang na spada.
Habang ang sa akin ay isang maliit na kutsilyo.
Mahirap din pala kapag ganun!
"Okay lang yan Diana, nag-uumpisa ka palang naman." sabi ni Katelyn ngunit mahina naman siyang tuma tawa.
Okay na 'to kesa sa wala.
"Let's try it again," sabi naman ni Amanda. Completely ignoring the laughing Katelyn.
Pinanood ko lang sila kung paano pawalain ang isang weapon. Hinawakan lamang nila ito tsaka hinipan. Unti-unti itong naglaho at nasama sa hangin.
Sinubukan ko itong gawin ngunit nang hihipan ko na ay dumaplis ang labi ko sa kutsilyo. "Aww," I grunted.
Hinawakan ko ang labi ko at may konting dugo ang naramdaman kong tumulo at nahawakan ko ito. Napa-nguso na lang ako. Hindi naman siya mahapdi o kung ano, wala lang.
"Be careful naman, hihipan nalang mag kakasugat pa." Natatawang paalala ni Katelyn.
I just laughed it off too tsaka hinipan ng maayos ang aking kutsilyo tsaka naglaho ng mag-isa.
"Para makagawa ng mas malaki at mas matibay na weapon, kailangan mong gamitin ang iyong imahinasyon. Think of the weapon you want to make. Make sure that it is strong enough upang makagawa naman ng matibay na sandata." Turo ni Amanda.
Ginawa ulit namin yun and I thought of a spear. Isang mahaba at ang dulo ay matulis na spear.
I closed my eyes, tsaka sinimulang gawin ang mga weird gestures.Pag-mulat ko ay isang mahabang spear ang bumungad sa akin.
"Touch it kung malambot ba ito o matibay" Nanghahamon na sambit ni Katelyn.
Hinawakan ko ito at kasabay ng pag-bend ng spear ang pag-bagsak ng mga balikat ko. "Bakit nag bend?!" nanghihina kong tanong.
"Hindi pa masyadong malakas ang pag iisip mo. No worries, kaya mo yang i-improve sa loob ng isang buwan.." nakangiting sambit ni Amanda.
————
Jackson's POV:
Hindi na ako nagulat sa ina-nunsyo ng aming President. Halata naman na mangyayari na 'yun. Matagal na kaming nag-hahanda, and I guess now is the official start.
"Tulala na naman si boy." Sabi ni Carson na nakapag-pabalik sa akin sa reyalidad.
"Sino na naman 'yang iniisip mo? Si Diana na naman?" asar ni Jason.
Na naman, eh hindi ko nga iniisip yung babaeng 'yun eh.
"Ulol.." nasabi ko na lang.
"Sus. Pakunyari ka pa. Buong gabi ka naming pinag-usapan nung sinayaw mo si Diana nung Acquaintance Party eh. Ngayon mo lang ginawa yan." Sabu niya ulit.
"Trip ko lang. Dapat ipapahiya ko siya pero—"
"Pero nabihag ka ng kanyang mga mata at boses. Tama ba?" biglang sulpot ni Carson. Hindi ako sumagot at tumitig nalang ako sa kanila. Nginisihan naman nila ako.
Nag simula ang mga bulungan nang may bumukas ng pinto sa canteen. Nilingon namin iyon, ngunit mabilis din akong umiwas. Pinag-patuloy ko na lang ang pagkain.
"Anong tini-tingin niyo diyan?!" kunyaring galit na tanong ni Amanda. Pero mga uto-uto ang mga enchants at humina ang bulungan tsaka umiwas ng tingin.
~~~
Author's Note:
Sorry po sa napaka tagal na update! This week was so hectic kaya nakulangan ng time!
Pero I swear, sinu subukan ko po everytime I go home, nag uupdate ako ng mga 100-200 words. But I guess mahirap talaga.
Bukas and Sunday, I will update! Promise~
BINABASA MO ANG
Charmeya Academy: School of Enchants
Fantasy[EDITING] Do you believe in magic? Do you believe in charms? Do you believe that these magical things can create a family you won't forget? If yes, then good. This story is suitable for you. If no, then just try to read this. I will put you in the...