Chapter 5: Background

3.8K 95 1
                                    

Diana's POV:

"So! Anong charm mo?" tanong ni Katelyn.

Nakaupo kami sa upuan and she leans closer to me while asking that question.

"Hmm..Fire..?" patanong kong sagot.

"Woah! There are thousands of students here, pero hundreds lang ang meron ng Fire Element," sabi naman ni Amanda, tumango-tango naman si Katelyn, sumasang-ayon.

"What is this school?" tanong ko.

"It's a...magic school?" patanong ding sagot ni Katelyn.

"No..I mean anong meron sa school na 'to? What do you do?" Tanong ko ulit. If I'm going to stay here, dapat alam ko kung ano papasukin ko.

"We train." Tanging sagot ni Katelyn.

"For what?"

"You know, Diana we are enchants of the world. We are different from others, we train to fight, to defend our group." Sabi ni Amanda.

She's too serious and something is suspicious.

"We are trapped in this world," sambit niya pa na ikinagulat ko.

"What do you mean?"

"Our Head, his charm is lost. He's asleep and will not wake up, not until his charm is back. His charm is too powerful kaya kailangan din natin ng makapangyarihang tao na maghahandle nito. Kapag hindi natin nabalik in time ang charm niya ay maaaring mawala ang charm natin at ma-trap sa mundong 'to. Literally forever." Mahabang paliwanag ni Katelyn after she sipped coffee. She even emphasised forever.

"Mawala at hindi na bumalik?" tanong ko. Tumango sila.

Natandaan ko ang sarili ko noon. Ang mga sinabi sakin ni Kuya. Hindi pa nga nagtatagal ang charm ko eh maaari na pala itong mawala. I'm still in the process of finding myself, pero maaari pala itong matigil.

I shrugged from the thought but I then felt tears roll down to my cheeks.

"Hey, bakit?" asked Amanda, you can see the worry in her eyes. Guilt that they said too much.

"This magic completed me. I was lost back then, I didn't know what to do..." I said.

"If you are nothing without that magic, then you don't deserve it ...." she said. Tears fell from my eyes. I'm hurt, confused and lost. There is so much for me to know.

Amanda hugged me tight, just to make me feel better, to let me know that I am not alone in this journey.

"I'm here. I'll help you..." she said while patting my back. I did a slight nod on her shoulders.

————

"Gusto mo pa bang malaman kung anong klaseng buhay ang meron si Headmaster?" nag-aalanganing tanong ni Katelyn.

Nandito kami sa canteen at kumakain ng lunch. Wala pang klase ngayon kasi Sabado naman na.

Nung humiwalay ako sa pamilya ko ay Friday pa yun. Nakatulog ako ng isang araw sa kotse, wow.

"Sige ba," pilit ngiting sagot ko.

Nalulungkot pa rin ako. Hay, dapat pagbalik ko sa mundo ng mga tao ay may ihaharap na ako sa pamilya ko. Ayokong maiwang wala sa pagtagal ng panahon.

Charmeya Academy: School of Enchants Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon