Epilogue:

3.3K 69 4
                                    

Charaan! I made a new chapter! Kasi feel ko rin na bitin yung ending...so let's add more to it! I hope you all enjoy the 'real' ending.

After 4 months...

Diana's POV:

Isang butil ng luha ang tumulo mula sa aking mga mata. Habang pinapanood ko isa isa ang mga kaibigan kong umakyat sa stage upang tanggapin ang diploma nila at ang medal kung meron man.

Ako ay nakatanggap ng dalawang award na naging dahilan kung bakit ako may dalawang medal. Hindi ko nga inexpect dahil bago lang ako.

I am really happy. Hindi lang dahil naka-graduate na kami, kundi dahil andito rin ang mga pamilya namin.

Oo, gumawa ang mga head dito ng paraan para makapasok ang mga ordinaryong tao dito.

Atleast nakita nilang grumaduate ako. In a few months, college na kami..we have our own courses to take. And I decided to take on Tourism.

Kasi, gusto ko pang makahanap ng mga gantong lugar. Tulad ng Charmeya. Hindi man kasing magical nito, basta kahawig lang ay sapat na.

Kapag kasi nagtapos na kami dito...hindi na kami maaaring bumalik pa. Kahit kasama namin ang Headmaster papasok sa malaking itim na pader na iyon, maiiwan pa rin kami sa labas.

Kaya nga ayokong lumabas dito eh. Parang gusto kong mag teacher nalang...

Pero ayoko rin namang ma-disappoint pamilya ko. Kaya I chose to leave.

"Hmm...ang tagal ko nang hindi nakatikim nito! Nung nag Christmas Break tayo ay hindi rin ako nakakain nito dahil masyado kong pinag-tuunan ng pansin yung pamilya't mga kaibigan ko..." masayang sambit ni Katelyn sa kinakain niyang putobungbong.

"Ako rin. Naninibago tuloy ako..." simangot naman ni Amanda.

"Kami nga ay hindi pa nakakakain nito, buong buhay namin!" angal naman ng dalawang kambal.

Lahat naman ng atensyon ay napunta sakanila, maliban kay Jackson na siguro ay alam na ang storya.

"Masyado kaming Prinsipe sa bahay namin. Kaya kahit pagkaing Pinoy ay hindi napakain samin. Pati nga yung bolat ba yun? Hindi namin natikman yun.." kwento ni Carson.

"Anong bolat?" tanong ni Angeli.

"Yung itlog? Na pag binutas lang ng konti ay may sisiw na pwedeng kainin?" singit naman ni Jason.

Lahat kami ay nagbagsakan ng balikat at sabay sabay na natawa.

"Balot yun!!" sigaw namin, natawa nalang din ang kambal.

Pagkatapos naming kumain ay nag-aya ako na pumunta sa school ko bago pa ako pumunta sa Magic World.

Lahat sila ay gusto ring malaman kung anong itsura ng paaralan ko noon, kaya agad din silang pumayag.

Bakasyon na rin ngayon dito sa Normal World kaya wala nang estudyante doon.

Nang makarating kami doon ay binati namin si Manong Guard na nagbabantay pa rin kahit wala nang pasok.

"Bakit mo kayo nandito?" tanong ko.

"Oh...Diana?"

"Uyy~ si kuya Guard tanda pa ko!"

"Eh paano ikaw yung—" pinutol ko agad ang dapat niyang sasabihin.

"Wag po kayong spoiler kuya Guard. May mga bago akong kaibigan oh? Ako na po magkukwento sakanila..." natatawa kong asar.

Charmeya Academy: School of Enchants Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon