Diana's POV:
Nakahiga lang ako sa kama. Nasa klase kasi sila Amanda at Katelyn.
"Haa...wala akong magawa.." sabi ko sa sarili ko.
Hinanap ko yung phone ko pero lowbat ito kaya chinarge ko na lang muna.
Lumapit ako sa bintana at nakita ang mga estudyanteng nag tatakbuhan at nag uusap habang nag lalakad.
Para naman akong bata eh...
Dahan dahan akong lumabas at sinilip kung may makakakita ba sa akin.
Nang wala akong makita ay lumabas ako ng tuluyan tsaka lakad takbong tinungo ang daan sa cafeteria.
May mga tao din akong nakakasabulong at nag tataka kung bakit nasa kabila ang daan ko, kesa sa papuntang klase.
-
"Eh pero exempted daw ako...hindi daw muna ako papasok para makapagpahinga. Hindi mo ba alam nangyari sakin?" naiirita kong tanong dun sa guard ng cafeteria.
"Hindi nga pwedeng pumasok ang estudyante dito. Magluto ka nalang sa dorm mo..." tamad na sagot sakin.
Napangiwi nalang ako tsaka tumalikod.
Ang layo layo ng cafeteria tapos ganun lang mangyayari? Papalutuin lang ako?!
Tinahak ko ulit ang daan pabalik sa dorm namin.
Kumuha ako ng itlog at tocino sa ref tsaka niluto ito. Nag saing na din ako ng kanin para masaya.
May bigla akong narinig mula sa labas.
Sinilip ko ito at nakakita ako ng droplets of rain water..
I always loved these droplets. They are cute for some reason. Minsan naman, pwede mong gamitin sa pag drama mo.
Umuulan, walang PE ngayon sila Amanda.
Pinagmasdan ko muna ang mga droplets na iyon. Hinawakan ko ang bintana para kunyari ay nahahawakan ko ang mga droplet.
Nakita ko ang reflection ko sa salamin. It's just the plain me, without trendy clothing, without natural make up, without proper hairstyle. It's me, I'm me...
Effective talaga ang droplets sa pag dadrama! HAHAHA!
Pero may naamoy naman ako at natandaan ko ang niluluto ko.
"Aish.." sambit ko tsaka tumakbo palapit sa pan.
May mga iilan ilang sunog pero may mga hindi sunog na tocino. Yung itlog naman, okay pa. Hihi.
Habang nililipat ko ang mga ulam sa plato, tumunog na rin yung rice cooker namin.
Mhmm..gutom na ko :(
Mabilis akong nag handa at nag hugas ng kamay saka kumain.
Nakaka ilang subo pa lang ako ay muntikan na akong mabilaukan nang bumukas ang pinto.
"Hay!" naiinis na sigaw ni Katelyn.
Pinagmasdan ko siya at alam ko na kung bakit siya naiinis. "Nabasa?"
"Obvious ba?" masungit niyang tanong. "Kainis na PE class na yan. Ay hindi, yung coach natin. Ugh..."
"Chill, tubig ulan lang yan..." natatawa kong sambit.
"Tapos si Amanda tuyong tuyo kasi nag cr siya nung biglang bumuhos yung ulan. Kainis..."
Nakakatawa itsura niya ngayon. Naka fist yung dalawang kamay niya tapos nanginginig. Gigil na gigil nga, g na g. HAHA!
"Tawa tawa ka dyan..." sabi niya tsaka umupo sa kama niya.
"Kain ka oh.." yaya ko sakanya.
Tumayo siya tsaka lumapit sakin. Kinuha niya yung tocino ko, sabay subo. Tapos yung kutsara ko naman, kuha ng kanin, tapos subo.
Aba'y loko din.
"Mm, sarap!" napatili siya.
Ang sunod na ginawa niya ay ikina nganga ko. Kinuha niya na ang buong plato ko tsaka siya bumalik sa kama at kinuha ang kanyang phone sa kanyang bulsa.
Gutom na ko ihh...
—
Droplets,
It can be because of rain,
But it can also be a sign of pain.
It can come from the sky,
And sometimes, it's from an eye.It pours,
It sores,
It streams,
It screams.It's fine to rain sometimes,
It's also fine to cry,
But don't forget,
That there are two different meaning of droplets,
That came from the sky and eyes.Sinara ko ang diary ko. Well, my diary contains important stuff about my life. Nasulat ko na rin dito ang pag amin ni Jackson. Nasulat ko ang disaster na nagawa ko nung nasa normal na mundo palang ako. Nasulat ko dito yung time na muntikan nang masagasaan si Angeli noon. Lahat nandito, including my thoughts, like this!
Poems, short stories, pictures of memories. Lahat nandito, madami na akong diary, pero iniwan ko sa normal na mundo ang iba. Tatlo lang ang dala ko dito.
Hindi naman halatang adik ako sa mga diary notebooks noh?
Wala na ulit si Katelyn dahil after niyang kainin yung pagkain ko ay nagpalit lang siya tsaka nag paalam na papasok sa klase.
Kaya nandito lang ako sa kwarto, naka tingin sa bintana, medyo umaliwalas na ang panahon.
Ewan ko kung bakit, pero ang dramatic ko ngayon. Siguro mag kakaroon na ako this month. Hello red waterfalls.
Yak, kadiri.
~~
Author's Note:
Hello po! So, as you all already know, I am still in school. Exams are just near the corners and tests and projects are right in front of me already.
So, I will take a break..but not that long. Maybe a week? But in a week, ofcourse I'll try writing some. But I won't promise to publish it.
After a week, I will post or publish one or two chapters and then have a longer break, two weeks?
Because ofcourse, I will be reviewing and studying...but again, I will try my best.
Thank you all and I hope you understand and will stay tune for me even though I will take a break.
Don't worry, Diana will see you again in a few days!
Thank you, love you all! <3
-CLN
BINABASA MO ANG
Charmeya Academy: School of Enchants
Fantasy[EDITING] Do you believe in magic? Do you believe in charms? Do you believe that these magical things can create a family you won't forget? If yes, then good. This story is suitable for you. If no, then just try to read this. I will put you in the...