Chapter 1: Lunch Madness

5.6K 131 5
                                    

Diana's POV:

Nagising ako ng maaga dahil ayoko nang mabuhusan ng tubig ni kuya. Hindi rin natutuyo ang kama ko sa loob ng isang araw kaya kapag matutulog ako sa gabi ay medyo basa pa rin ito.

Naligo ako tsaka nagbihis. Tinaas ko ang aking buhok sa bun at tinanggal ang border sides ko. Hinila-hila ko ng kaunti ang buhok ko tsaka pina-puff yung bun.

Nagmukhang mas volumized kaya satisfied na ako. Nilagyan ko ng pulbos at liptint ang aking mukha at labi tsaka sinuot ang sapatos ko.

Lumapit naman ako sa closet ko dahil kailangan namin ng pe uniform. Nilagay ko ito sa bag ko tsaka bumaba.

Sinabayan ko sina mama at kuya sa pagkain. Pero nauna rin akong umalis.

Hindi na ako dumaan sa bakery na malapit dahil nag umagahan na ako. Naglakad nalang ako papuntang school at ganun pa rin ang scenario. May mga ingay ng ibon, kotse, tao, at kung ano ano pa.

Nang makarating ako sa kanto ay sumilip ako sa kaliwa kung makakasabay ko si Angeli.

Mukhang hindi naman kaya tumawid na ako.

—————

Naglo-locker ako nang may maramdaman na naman akong kakaibang init. Mas mainit ito kumpara sa kahapon. Parang mainit na kung ano ang dumadaloy sa mga ugat ko.

Tinignan ko ang braso ko ngunit wala namang kakaiba doon. Nakaramdam din ako ng pagkahilo. Napakunot ako ng noo.

"Huy! Okay ka lang?" biglang bungad ni Angeli.

"Okay lang," sagot ko tsaka pinagpatuloy ang paglolocker. Madali akong natapos tsaka umupo sa upuan ko. Hinanap ko ang bote ko ng tubig tsaka ininom.

"Okay ka lang ba talaga?" tanong ulit ni Angeli nang makaupo siya sa tabi ko.

Tumango naman ako. "Nauhaw lang." Sambit ko, pero pati ako ay hindi alam kung anong nangyayari sa katawan ko.

Nahagip pa ng mata ko ang pagkakunot ng noo niya bago ako makatulog.

Angeli's POV

Nanlaki ang mata ko nang bumagsak ang ulo ni Diana sa desk niya. Lumapit ako sa kanya tsaka inangat ang ulo ng babaeng 'to.

Naka-pikit siya at talagang naguguluhan na ako.

Anong nangyari dito?

Hindi naman sa hindi ako nag-aalala. Baka kasi hindi lang nakatulog kagabi. Knowing her, sobrang pursigido ang babaeng 'to para maayos ang lahat tungkol sa pag aaral niya.

Pero baka naman?

Mabilis ko siyang tinayo na nakagawa ng ingay dahil nagalaw ang kanyang upuan.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ng mga kaklase namin.

"Dadalhin ko lang siya sa clinic.." sabi ko. Inakbay ko ang braso niya sa balikat ko. Isasara ko na sana ang pinto nang maisipan kong magpaalam, "tell our adviser! Ayokong ma-detention!"

Haist! Diana naman eh!

"What happened to her?" tanong ng nurse pagkarating namin sa clinic.

Ang lakas ng pag-hinga ko dahil tatlong floors ang binaba ko habang nakaakbay sa akin ang mabigat na babaeng yan!

"Ma'am?" tanong ng nurse.

"Wait! Hingal na hingal ako eh." Sabi ko habang gine-gesture pa ang 'stop' na sign. "Nakatulog eh. As in, biglang bagsak. Hinimatay po ata, pero malusog naman yan eh. Haist, oh my gosh Diana—!"

Charmeya Academy: School of Enchants Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon